^

PSN Showbiz

Bitoy's Funniest sa Japan magdiriwang ng 1st anniversary

- Veronica R. Samio -
Dalawang episode ng Bitoy’s Funniest Videos ang kukunan dun mismo sa bansa ng mga Hapon ang magsisilbing mga anniversary shows ng primetime comedy show ng GMA tuwing Sabado ng gabi.

Panoorin kung paano ikakalat nina Michael V at ng mga kasama niyang sina K Brosas at ng Just 4 Kikay ladies ang mga katatawanan sa mga Hapones at Pinoy na nasa Nagoya at Tokyo, partikular na sa World Trade Fair Expo at Disneyland.

Magkakaro’n ng mga bagong disguises si Michael V, mga bagong mukha at katauhan na siguradong magpapahirap na naman hindi lamang sa mga manonood kundi lalo na sa mga magiging biktima nila, tulad ng isang taxi driver, maniac, rocker at maski na si Annabelle Rama.

Pagkatapos ng anniversary episodes babalik si Michael V sa Maynila, sa isang bagong set at may mga bagong jokes.

Inamin ni Michael V na talagang kinakailangan na niyang magpalit ng disguise sapagkat marami na ang madaling makilala siya. Minsan kahit mata lamang niya ay giveaway na. Ganun siya kakilala ng mga manonood niya. Lalo na ang mga kabataan na mabilis ang memorya.

"Pinakamatagumpay kong pagpapanggap ay yung isang taxi driver dahil nakatalikod ako sa aking biktima. Pero, meron din na marinig lang ang boses ko ay kilala agad ako.

"Pero, may isang kaming episode na nag-taxi driver ako na niligawan ko ang aking biktimang pasahero at pumayag ito. Hindi namin mai-air dahil nakakaawa naman yung babae, may asawa eh," kwento ni Michael V na hindi rin pumapayag na mambiktima sila ng mga mahihirap at mga bata. "Mahirap na nga sila, pagtatawanan mo pa," katwiran niya.

Nakakaisang taon na ang Bitoy’s Funniest Videos sa pagpapatawa ng mga TV viewers at pananatili rin on top of the ratings game. Simula nang iere ito nung Hulyo ng 2004, hindi pa ito bumaba sa kanyang mataas na posisyon.
* * *
Isang bagong banda ang Hale na itinuturing na the next best thing in the local music industry. At maswerte sila dahil suportado sila ng Pony at alam naman nating lahat na hindi basta-basta ito ginagawa ng nasabing footwear brand. Ginagawa lamang nila ito sa mga grupong may kakaiba pero genuine na talino na sa bandang Hale ay ang kanilang mallow drama, a play on words that invoke both sorrow and spectacle.

Nagmula sa iba’t ibang background ang mga myembro ng Hale. Ang vocalist na si Champ Lui-Pio ay nagtapos ng Human Resource Management sa St. Benilde; ang percussionist na si Omnie Saroca ay isang Architecture graduate sa TUP. Sina Sheldon Gallada, bassist, at Roll Martinez, lead guitarist, ay pareho pang nag-aaral sa UST Conservatory of Music.

Pruweba ng popularidad ng Hale ay ang bilis ng pagkaubos ng kanilang debut album sa mga record stores. SRO din ang mga gigs nila na ang karamihan ay mga babae na namamaos na sa walang humpay na pagsigaw!
* * *
Ang Tapika ay isang sikat na nitespot sa Libis, QC. Kilala ito sa kanyang excellent acoustic performers.

Inilabas na ng Viva Records ang ikatlong serye ng "Tapika Lite & Live" na nagtatampok sa tatlong top crowd drawer ng Tapika, ang Hourglass, Michaelangelo at Gian with Industria.

Ang Hourglass ay binubuo ng trio nina Ria Villena-Osorio on vocals, flute and keyboards, Egay Caole on vocals and percussion at Paolo Miguel Tiongson on guitar and back-up vocals. Kumuha ang tatlo ng formal studies sa music sa UP. They perform "I Can Make You Love Me", "Midnight at the Oasis", "No Woman, No Cry", "Satellite" at "It’s Probably Me".

Ang Michaelangelo ay brother tandem nina Michael at Angelo Manahan. Si Mike ay dating nasa MYMP at si Angelo naman ay gitarista ng Shortcake. They do "Change the World", "Fast Car", "Here Without You", "Hanging By The Moment" at "Conviction of the Heart".

Gian with Industria
ay binubuo nina Gian Magdangal na dating kasama ng 17:28 at ang bandang Industria na binubuo nina Telay Robles on vocals, RJ Manese on bass, IJ Garcia on keyboards at Benjo Robles on drums and percussion. Kontribusyon nila sa album ang "Inside That I Cried", "Ribbon In the Sky", "Let’s Stay Together" at "You’ve Got a Friend".
* * *
[email protected]

ANGELO MANAHAN

ANNABELLE RAMA

BENJO ROBLES

BITOY

CHAMP LUI-PIO

FUNNIEST VIDEOS

INDUSTRIA

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with