^

PSN Showbiz

Ilang hakbang na lang sa kanyang pangarap

-
Iba ang aura ngayon ni Shermaine Santiago.Laging maliwanag ang kanyang mukha. Maningning ang kanyang mga mata. Kasi, ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng recording ay natupad na. Kahit pa sa album ay isa lamang siya sa siyam na singers. Tatlo ang kanyang kanta – ‘‘Glow," ‘‘Sometimes’’ at ‘‘I’ll Be Fine.’’ Okay na okay na para kay Shermaine ito. Katuwiran niya, ito na ang simula. Ilang hakbang pa, kasama ang pagsisikap at tiyaga ay magkakaroon na siya ng solo album. Isang pangarap na alam niyang darating din. Kaya nga ba sige siya at ang kanyang mga kasama sa album sa pagpu-promote nito sa mga malls. Wala siyang pagtanggi sa mall tours nila.

Kung sabagay ay wala pa siyang mahihiling sa takbo ng kanyang showbiz career. Sige siya sa pagganap sa mga teleserye sa Siete. Anak siya nina Jackielou Blanco at Mark Gil sa Ang Iibigin Ay Ikaw. Markado ang kanyang role as Mayumi dahil sa kahit saan siya magpunta ay tinatawag siyang ‘‘Mayumi’’ at hindi Shermaine. Nakasama rin siya sa Mulawin, Te Amo at Darna. Bukod sa pang-telebisyong nasamahan niya’y active din siya sa pelikula. Karamihan ay sa Viva. Pinakahuli ang D’ Anothers, isang comedy-horror movie na talagang enjoy siyang gawin. Dito’y bida si Vhong Navarro at Toni Gonzaga, under Star Cinema, sa direksyon ni Joyce Bernal.

Sabi pa ni Shermaine, wala siyang pinalalampas na pagkakataon lalo’t ikauunlad ng kanyang craft. Kaya nga nang alukin siyang sumama sa stage play ay agad siyang pumayag. Sa ngayon ay abala siya sa sunud-sunod na rehearsals ng Noli Me Tangere sa direksyon ni Ann Villegas sa ilalim ng Sining Pinagpala Production. Kasama niya sina Juan Rodrigo at Chubi del Rosario. Itatanghal ito sa iba’t ibang venue– July 30, sa Teatro Marikina, August 6, sa Bistro 77 at sa August 14 sa Paco Auditorium.

Totoo, wala na siyang maidaraing pa kung teleserye at pelikula ang pag-uusapan. Hindi siya nababakante ng matagal. Pero ang talagang pangarap niya’y makilala bilang singer. At eto na nga ang simula – ang ‘‘Pinoy Fresh.’’ Kaya nga nagpapasalamat siya sa Galaxy Records sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong humakbang nang pasulong para sa kanyang pangarap. MIMI CITCO

ANG IIBIGIN AY IKAW

ANN VILLEGAS

BE FINE

GALAXY RECORDS

JACKIELOU BLANCO

KANYANG

KAYA

SHERMAINE

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with