Wendell, inumentuhan ng GMA dahil sa magandang trabaho?
July 14, 2005 | 12:00am
Hindi kaya pagsimulan ng gulo o intriga ang diumano ay pagbibigay ng bonus ng GMA7 kay Wendell Ramos dahil sa mahusay nitong performance at magandang pagtatrabaho sa kanila? Tsika ito sa akin ng isang mapagkakatiwalaang source na bagaman at hindi trabahador ng Siete ay madalas napagkikita sa bakuran ng nasabing network.
Balitang nang malaman ito ng seksi at magaling na aktor ay nag-comment pa ito ng "Bakit, totoo namang nagtatrabaho ako ah."
Ang incentive na ito o bonus ay isa lamang sa biyaya na natitikman ng mga magagaling na artist at loyalista ng GMA7.
Totoo rin naman yung comment ng ilang mga taga-showbiz na kung bababa si President Gloria Macapagal Arroyo ay sino naman ang papalit sa kanya? Ako rin feel ko nga kung may ron talagang karapat-dapat na pumalit sa kanya ay baka nun pa siya napalitan pero, ang siste mo nga ay wala kaya siya patuloy na pinapayagan ng tao na manatili sa kanyang posisyon. Maski na ang bise niya ay bantulot at parang walang ganang palitan siya, siguro dahilan sa alam nito ang hirap ng trabaho ng isang pangulo ng bansa. Di rin type ng tao yung mga nakalinya na palitan siya ayon sa Konstitusyon.
Para mapalitan si PGMA kailangan ng eleksyon pero, magastos ito, walang pera ang Pilipinas. Pera rin ang kailangan para sa cha-cha at ilan ulit ba itong dapat palitan?
In fairness, habang wala tayong nakikitang kapalit ni PGMA, parusahan na lamang natin siya sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng husto. Marami siyang dapat gawin at isaayos. At kung di siya sincere sa paghingi ng sorry, dapat maging sinsero siya sa kanyang pagtatrabaho. Kapag hindi niya ito ginagawa, saka na tayo ulit mag-isip na palitan siya. By that time siguro, nakahanap na tayo ng maipapalit, di ba?
Amen din ako sa sinabi ng kanyang Presidential Consultant on the Entertainment Industry na si Vic del Rosario na marami rin siyang nagawa para sa industriya, tulad ng suporta laban sa piracy, pagtatatag ng Cinema Evaluation Board, pagbibigay ng P50M incentive sa MMFF at iba pa.
Isang bagong coffee shop ang magbubukas sa pamamagitan ng isang show na magtatampok kay Marissa Sanchez bukas, Biyernes. Ito ang Kape Cafe na matatagpuan sa lobby ng Kimura Shoji Bldg, isang 8-storey complex na isa ring condotel at matatagpuan sa 1971 Leon Guinto St., isang lugar na kung saan ay makakainom ka ng ibat ibang klase ng kape. Di lamang yung karaniwang iniinom natin na tulad ng brewed at instant o kaya yung may cream, kundi maging kape na ginawa over ice, blended o fruit based, o di ba sosyal?
Mapapanood sa Kape Cafe si Marissa sa lahat ng Biyernes ng buwan ng Hulyo at Agosto bilang paghahanda sa formal na pagbubukas nito sa susunod na buwan.
Ang Kape Cafe ay pag-aari ng dating singer na si Bobby Valle at ng kanyang asawang Haponesa na si Chieko Kimura. Makikita rin sa nasabing building ang promotions office ng mag-asawa at mayron din itong sinehan, dance at rehearsal studios, costume boutique at isang fine dining res- taurant, ang Maku Hari.
Balitang nang malaman ito ng seksi at magaling na aktor ay nag-comment pa ito ng "Bakit, totoo namang nagtatrabaho ako ah."
Ang incentive na ito o bonus ay isa lamang sa biyaya na natitikman ng mga magagaling na artist at loyalista ng GMA7.
Para mapalitan si PGMA kailangan ng eleksyon pero, magastos ito, walang pera ang Pilipinas. Pera rin ang kailangan para sa cha-cha at ilan ulit ba itong dapat palitan?
In fairness, habang wala tayong nakikitang kapalit ni PGMA, parusahan na lamang natin siya sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng husto. Marami siyang dapat gawin at isaayos. At kung di siya sincere sa paghingi ng sorry, dapat maging sinsero siya sa kanyang pagtatrabaho. Kapag hindi niya ito ginagawa, saka na tayo ulit mag-isip na palitan siya. By that time siguro, nakahanap na tayo ng maipapalit, di ba?
Amen din ako sa sinabi ng kanyang Presidential Consultant on the Entertainment Industry na si Vic del Rosario na marami rin siyang nagawa para sa industriya, tulad ng suporta laban sa piracy, pagtatatag ng Cinema Evaluation Board, pagbibigay ng P50M incentive sa MMFF at iba pa.
Mapapanood sa Kape Cafe si Marissa sa lahat ng Biyernes ng buwan ng Hulyo at Agosto bilang paghahanda sa formal na pagbubukas nito sa susunod na buwan.
Ang Kape Cafe ay pag-aari ng dating singer na si Bobby Valle at ng kanyang asawang Haponesa na si Chieko Kimura. Makikita rin sa nasabing building ang promotions office ng mag-asawa at mayron din itong sinehan, dance at rehearsal studios, costume boutique at isang fine dining res- taurant, ang Maku Hari.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended