^

PSN Showbiz

Mahal, hinuli ng pulis!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kaya pala idinemanda ni Jimboy Salazar si Mahal ng libelo dahil di nito ma-take ang ilang lyrics sa kanta nito titled "Ayaw Ko Na Sa Iyo".

Anang lyrics "Jimboy, Jimboy I hate You! Kasi lalaki ang type mo. Niloloko mo ako".

Noong nakaraang Miyerkules ay nagtungo ang tatlong pulis sa bahay ni Mahal para hulihin ito. Hindi nila ito kilala sa pangalang Noemi Tesorero pero nang malaman nilang si Mahal ito ay pinapunta na lang nila ito sa presinto na kung saan ay nagpiyansa ito ng P10,000.

Inurong na rin ni Jimboy ang demanda na ang manager lamang daw nito ang may pakana.
Rica, Papuntang London
Ratsada ngayon ang career ni Rica Peralejo. Bukod sa dalawang pelikula ay nakatakda itong gumawa ng soap opera pagdating niya mula sa London. Makakasama niya sina Aga Muhlach, Edu Manzano at John Estrada sa London para sa taping ng Ok! Fine.

May entry din itong horror movie sa darating na Metro Manila Film Festival. Lucky charm ang magandang aktres ng Canary Films at Octo Arts dahil kumikita sa takilya ang pelikula niya sa kanila.

Malapit nang mag-recording sa Japan si Rica kaya nagpapasalamat ito dahil maswerte ang taong ito sa kanya.
Blind Item: Aktres, Sinisigaw-Sigawan Ang Aktor!
Gaano katotoo ang balitang naisyete sa amin na kaya pala nagkahiwalay ang magnobyong celebrities dahil di ma-take ng sikat na aktor ang pagsigaw sa kanya ng nobyang akres? May pagkakataon na nalalagay ang nobyo sa kahihiyan dahil sa masamang asal ng aktres. Ito rin marahil ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi boto sa kanya ang ina ng aktor.

AGA MUHLACH

AYAW KO NA SA IYO

BLIND ITEM

CANARY FILMS

EDU MANZANO

JIMBOY

JIMBOY I

JIMBOY SALAZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with