Kasabay ng Pinoy TV Launch, GMA gagawa ng 3 episodes ng 'Magpakailanman' sa US
July 12, 2005 | 12:00am
Handang-handa na ang GMA7 para sa launching ng GMA Pinoy TV sa US sa Hulyo 23 sa pamamagitan ng pinaka-malaking palabas ng SOP na magaganap dun, kasama ang pinaka-maningning at malalaking artista nila (Regine, Jaya, Ogie, Janno, Richard, Jolina, Richard at Raymond, Jennylyn, Mark, Chynna, Joey de Leon, Lucy Torres, Malik, KC Montero, Gabby Eigenmann German Moreno, Mel Tiangco at marami pang iba). Sayang at di masisilayan ng mga taga-San Francisco Bay Area na kung saan matatagpuan ang pagdarausan ng free concert na Bill Graham Civic Auditorium si Kyla dahil may kasabay itong show sa Australia pero, kasama naman ang magnobyong Karylle at Dingdong Dantes. Hindi rin nakuha para mag-guest si Antoinette Taus dahil nasa Los Angeles naman daw ito. Isang magandang event sana ang pagkikita-kitang muli ng tatlo. Maski na si JayR ay nanganganib ding di makasama dahil sa kanyang napakaraming commitment dito.
Hindi rin tuloy ang unang napabalitang pagi-guest nina Billy Crawford at Jocelyn Enriquez. Sa halip, si Lalaine Vergara ang magsisilbing guest ng SOP na tagarun.
Wala ring mga local dancers ang makakasama sa US. Mga American dancers ang gagamitin sa US pero ang magsisilbing choreographers ay ang mag-inang Geleen at Miggy Eugenio.
Dapat ay may palabas pa rin ang GMA sa Los Angeles pero, sa buwan na ng Setyembre ito magaganap. Nagkaron kasi ang network ng problema sa paraan ng pagbibibenta na ginawa dun ng service.
Nagkaron din ng pagbabago sa plano dahil tinapatan sila ng isang cable operator. At bagaman at sanay na sila sa ganung klase ng kumpetisyon, mas ginusto nila na huwag pahirapan ang mga manonood o cable subscriber dahil sila ang bagong nagpapakilala sa mga manonood. Gusto lang nilang mabigyan ang mga manonood ng kasiyahan.
Ang cable operator ng GMA Pinoy TV sa US ay may 23M na subscriber. Bukod sa TFC ay mayron pa ring Mabuhay cable operator na nagseserbisyo sa mga Pinoy dun. Sa California lamang na may 50% population ng mga Pilipino ang aware na rin sa katayuan ng mga programa sa TV dito sa Pilipinas. Kaya walang problema ang GMA Pinoy TV dahil marami pa ring Pinoy ang gustong ma-round off ang kanilang programming sa pamamagitan ng pagsu-subscribe sa Pinoy TV. Feel nila na kapag hindi sila nag-subscribe dito ay hindi magiging kumpleto ang kanilang panonood ng TV at marami silang mami-miss na mga sikat na programa na ipinalalabas sa Pilipinas.
Ang GMA Pinoy TV Launch ay mapapanood ng libre sa ika-7:30 NG (San Francisco time). Bago ito, sa ika-10:00 NU hanggang 5:30 NH ay magdaraos ng isang Fiesta GMA sa nasabi ring lugar na pagdarausan ng concert. Magkakaron ng mga booths ng mga unique merchandise, food at service to include clothing retailing, car dealers, importers of Asian products to merchandisers at mga pagkaing ethnic. Si Lucy Torres ang isa sa mga hosts ng Fiesta GMA.
Sina Joey at Mel naman ang magsisilbing host ng isang press conference na magaganap bago ang palabas.
Samantala, pinakahihintay-hintay na rin sa US ang paglipad dun ni Darna. Kaya halos walang pahinga ngayon sa kanyang taping at shooting si Angel Locsin para makita ang kanyang mga kababayan sa US.
Gagawa rin ng tatlong episodes sa US ang programang Magpakailanman. Mga US based stories ang gagamitin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended