^

PSN Showbiz

Mr. Pogi, sa Singapore pa nag-OJT

-
Kararating lang ni Patrick Zamora, runner up sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga, galing ng Singapore matapos siyang mag-OJT doon para sa kursong tinatapos, ang Tourism. Tinutukso nga si Patrick, napakabongga raw namang mag-OJT, sa Singapore pa. May kakilala pala ang parents niya roon at tutal naman ay hindi pa nagbabakasyon man lang si Patrick, pinayagan ng parents niya na mag-OJT dun. Masaya sana siya, kaso malungkot naman dahil nawalan ng papel sa Daisy Siete. Nasingitan siya ng iba. Nag-worry si Patrick, kaya umuwi na agad.

"Kasali pa rin po ako." Katunayan, nag-taping na uli siya bilang spoiled na student, kaklase ni Kier Legaspi. Pinaglaruan nga nilang pasayaw-sayawin sa kalye si Rochelle Pangilinan komo’t isang Igorota ang papel nito. Sabi ni Patrick, sa istorya lang sa TV siya ganito, pero hindi sa tunay na buhay.

Mabait na anak pala itong si Patrick. Puring-puri siya ng mommy at daddy niya. May kondisyon pala siya bago napasok sa showbiz. Noong alukin siya ng producer ng Focus E. Inc. para isama sa Daisy Siete, sabi ng parents niya, kahit magso-showbiz, wag iiwan ang pag-aaral. Okey naman daw sa Focus E. producer.

Minsang nakakwentuhan namin ang actor, nabigla siya nang sabihing type niya si Johlan Veluz, pinakabatang Sex Bomb Girls. Napanood pala niya ang buhay ni Johlan na isinadula sa Magpakailanman. Naaawa siya at humahanga sa sobrang pagmamahal nito sa pamilya. Matagal na niyang type si Johlan, kaso bawal sa grupong Sex Bomb ang magkagustuhan. Kaibigan okey lang.

"Mabait po kasi si Johlan, maganda at malambing," paghangang sabi ni Patrick. Ewan lang kung hanggang saan hahantong ang paghangang ito ng Mr. Pogi runner up. Bagay sila, sa totoo lang. Pareho silang 16 years old lang. – Vir Gonzales

vuukle comment

DAISY SIETE

EAT BULAGA

FOCUS E

JOHLAN

JOHLAN VELUZ

KIER LEGASPI

LANG

MR. POGI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with