Aktres, tinakbuhan ng promoter sa Japan
July 11, 2005 | 12:00am
May nakapagbalita sa akin na taga-showbiz na galit na galit pala ang isang sikat na manager dahil hindi nabayaran ng promoter sa Japan ang kanyang alaga nang magkaroon ng show doon.
Taga-showbiz din ang promoter at kilala ng manager kaya hinahanting niya ito para singilin sa pagkakautang sa kanyang alaga na isa ring sikat na aktres. Komo mabait ang aktres ay hindi nito gaanong pinagtutuunan ng pansin ang kanyang TF kaya bumalik na lang ng bansa.
Baka naman wala silang kontratang pinirmahan at verbal lang ang agreement dahil magkakilala naman ang aktres at promoter kaya nagtiwala siya rito?
Kahit pala lapad na tip sa aktres sa ilang shows nya sa Japan ay di rin niya nakuha bukod pa sa TF nito. Kung wala mang TF di sana yung tip na lang na umaabot ng 100,000 o mahigit pa (Philippine money) ang ibinigay ayon pa sa aking source.
Ang actress na ito ay may asawa na at bihira nang makita sa pelikula. Kilalang artista ang kanyang ina.
Pinasinungalingan ni Nancy Castiglione na siya ang nasusulat sa blind item na nabuntis na young actress ng non-showbiz bf.
Ayon sa aktres, magpapasalamat pa nga siya kapag nagkatotoo ito. Ibig sabihin, wala na siyang problema sa pagdadalantao.
Mayroon kasi itong polycystic ovary na nangangahulugan na mabubuntis lang siya kapag nag-take ng fertility pills. Kinunsulta na niya ang maraming doktor tungkol dito at iisa rin ang kanilang sinasabi.
"I can still get pregnant. I just need fertility pills," aniya.
Inamin na ni Nancy ang kanilang relasyon ni Bullet Jalosjos at pareho silang masaya. Minsan ay nagtutungo ng Dakak ang aktres at minsan ay nagtutungo naman ng Maynila ang kanyang boyfriend.
Nang maghiwalay sila ni Paolo Contis ay si Bullet ang nagsilbing "shoulder to cry on" ng magandang aktres. Dinagdag pa rin ni Nancy na wala na silang relasyon ni Paolo nang sagutin nito si Bullet.
Inamin ni Sen. Bong Revilla Jr. na pinakamalaking pelikula ng Imus Productions ang Tales of Enchanted Kingdom (Exodus) kung saan aabutin daw ng P60 million ang gastos. Ang mga gumagawa ng stunts ay galing pa ng Hongkong at ibang klase talaga ang special effects at ang kamerang ginamit dito ay gaya nang ginamit sa pelikulang Star Wars ayon kay Bong.
Ito bale ang entry ng Imus sa darating na Metro Manila Film Festival at plano nitong ipalabas din sa ibang panig ng Asya.
Apat na henerasyon ng pamilyang Revilla ang kasali sa pelikula including yung apo niyang si Gab na anak ni Jolo at Grace.
Ipinagmamalaki ni Ogie Alcasid na anytime ay pwede nang lumipat ang kanyang mag-iina sa ipinatayo nilang dreamhouse sa Southern Highlands sa Australia.
Kaya naman tuwang-tuwa ang misis nitong si Michelle Van Eimeren pati ang dalawang anak na sina Leila, 7 at Sarah, 3 dahil sa magarang bahay kung saan matagal din niyang pinag-ipunan ayon kay Ogie.
Hindi naman nalulungkot ang kanyang mag-iina kahit magkalayo sila ng komedyante dahil madalas naman ang communication nila. Madalas din silang dalawin ni Ogie at sa loob ng isang taon ay walong beses itong nagtutungo ng Australia.
Hindi naman nila nami-miss ang isat isa dahil nagcha-chat sila sa internet at sa pamamagitan ng webcam ay nagkikita-kita silang mag-anak.
Pahinga muna si Grado Versoza sa paglabas sa papel ng kontrabida gaya ng role nito bilang Governor Camilo San Carlos sa It Might Be You.
Gustung-gusto nito ang role niya ngayon sa Sugo bilang si Apo Abukay kung saan sumabak din ito sa aksyon nang naka-harness. May nagtuturong martial arts instructor mula pa sa Hongkong.
Ayon pa sa aktor, bago ang Sugo at hindi ito re-make.
"Sa sobrang excitement ko sa project at sa aking naiibang role ay gusto kong magtaping kahit araw-araw," aniya.
Sinabi pa rin ni Gardo na hanga siya sa kanilang tatlong magagaling na direktor na sina Dominic Zapata, Peque Gallaga at Lore Reyes.
Pahinga muna sa lovelife ang magaling na aktor matapos silang maghiwalay ni Jean Garcia.
Taga-showbiz din ang promoter at kilala ng manager kaya hinahanting niya ito para singilin sa pagkakautang sa kanyang alaga na isa ring sikat na aktres. Komo mabait ang aktres ay hindi nito gaanong pinagtutuunan ng pansin ang kanyang TF kaya bumalik na lang ng bansa.
Baka naman wala silang kontratang pinirmahan at verbal lang ang agreement dahil magkakilala naman ang aktres at promoter kaya nagtiwala siya rito?
Kahit pala lapad na tip sa aktres sa ilang shows nya sa Japan ay di rin niya nakuha bukod pa sa TF nito. Kung wala mang TF di sana yung tip na lang na umaabot ng 100,000 o mahigit pa (Philippine money) ang ibinigay ayon pa sa aking source.
Ang actress na ito ay may asawa na at bihira nang makita sa pelikula. Kilalang artista ang kanyang ina.
Ayon sa aktres, magpapasalamat pa nga siya kapag nagkatotoo ito. Ibig sabihin, wala na siyang problema sa pagdadalantao.
Mayroon kasi itong polycystic ovary na nangangahulugan na mabubuntis lang siya kapag nag-take ng fertility pills. Kinunsulta na niya ang maraming doktor tungkol dito at iisa rin ang kanilang sinasabi.
"I can still get pregnant. I just need fertility pills," aniya.
Inamin na ni Nancy ang kanilang relasyon ni Bullet Jalosjos at pareho silang masaya. Minsan ay nagtutungo ng Dakak ang aktres at minsan ay nagtutungo naman ng Maynila ang kanyang boyfriend.
Nang maghiwalay sila ni Paolo Contis ay si Bullet ang nagsilbing "shoulder to cry on" ng magandang aktres. Dinagdag pa rin ni Nancy na wala na silang relasyon ni Paolo nang sagutin nito si Bullet.
Ito bale ang entry ng Imus sa darating na Metro Manila Film Festival at plano nitong ipalabas din sa ibang panig ng Asya.
Apat na henerasyon ng pamilyang Revilla ang kasali sa pelikula including yung apo niyang si Gab na anak ni Jolo at Grace.
Kaya naman tuwang-tuwa ang misis nitong si Michelle Van Eimeren pati ang dalawang anak na sina Leila, 7 at Sarah, 3 dahil sa magarang bahay kung saan matagal din niyang pinag-ipunan ayon kay Ogie.
Hindi naman nalulungkot ang kanyang mag-iina kahit magkalayo sila ng komedyante dahil madalas naman ang communication nila. Madalas din silang dalawin ni Ogie at sa loob ng isang taon ay walong beses itong nagtutungo ng Australia.
Hindi naman nila nami-miss ang isat isa dahil nagcha-chat sila sa internet at sa pamamagitan ng webcam ay nagkikita-kita silang mag-anak.
Gustung-gusto nito ang role niya ngayon sa Sugo bilang si Apo Abukay kung saan sumabak din ito sa aksyon nang naka-harness. May nagtuturong martial arts instructor mula pa sa Hongkong.
Ayon pa sa aktor, bago ang Sugo at hindi ito re-make.
"Sa sobrang excitement ko sa project at sa aking naiibang role ay gusto kong magtaping kahit araw-araw," aniya.
Sinabi pa rin ni Gardo na hanga siya sa kanilang tatlong magagaling na direktor na sina Dominic Zapata, Peque Gallaga at Lore Reyes.
Pahinga muna sa lovelife ang magaling na aktor matapos silang maghiwalay ni Jean Garcia.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am
January 21, 2025 - 12:00am