Hindi makabangon ang pelikula
July 9, 2005 | 12:00am
Wala na kaming naririnig na pelikulang ginagawa ngayon, maliban sa ilang producers na nagsasabing gagawa sila ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival. Aminado sila, hindi rin naman maganda ang pagpapatakbo ng festival na iyan, dahil napakalaki ng gastos at wala na rin halos napupunta sa mga sinasabi nilang beneficiary noon, pero gusto nilang sumali dahil yan lang ang magandang playdate.
Usually kung panahon ng Kapaskuhan, maraming pera ang mga bata, at ang mga matatanda namang may trabaho pa, nakatanggap ng bonus kaya may nagagasta sila. Iyan din ang panahong talagang gumagastos ang mga tao, kaya nga kahit na walang kuwentang pelikula kumikita kung festival.
Pero bago ang festival, at pagkatapos ng festival, wala nang lumalabas na gagawing malaking pelikula. Yong mga nagsasabing box office hit sila, publicity lang yon. Yong nakikita sa tv na maraming taong nanonood, premiere night lang yon na wala namang bayad. Ang mga tickets sa premiere ay nakukuha nang libre sa pagsali sa mga promo sa mga istasyon ng radyo. Hindi gaya noong araw na basta sinabing premiere night, may bayad at mas mahal pa nga.
Ang patuloy na pagtaas ng taxes, ang pagbagsak ng buying power at halaga ng piso at ang inutil na kampanya ng gobyerno laban sa piracy ang siyang tunay na dahilan kung bakit hindi na makabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Kung magpapatuloy ang sitwasyong ito, maaari na siguro nating kalimutan na mayroon pa nga tayong industriya ng lokal na pelikula.
Itinuro sa amin ng isa naming kaibigan ang isang baguhang male star sa Channel 7. Siya si James Yatco, isang baguhan na na-discover ni Rey Ching, na bago nag-abroad ay isa sa mga consultants din ng Master Showman Presents.
Ang hitsura niya ay parang pinaghalong Dingdong Dantes at si Gabby Concepcion noong bata pa. Tipong matinee idol ang dating niya talaga. Palagay namin kung mabibigyan lang iyan ng tamang exposure, posibleng sumikat yan bilang isang matinee idol. May mga commercials na rin palang nagawa si James. Para sa isang cell phone company. Nakuha na rin siyang model ng isang food chain.
Usually kung panahon ng Kapaskuhan, maraming pera ang mga bata, at ang mga matatanda namang may trabaho pa, nakatanggap ng bonus kaya may nagagasta sila. Iyan din ang panahong talagang gumagastos ang mga tao, kaya nga kahit na walang kuwentang pelikula kumikita kung festival.
Pero bago ang festival, at pagkatapos ng festival, wala nang lumalabas na gagawing malaking pelikula. Yong mga nagsasabing box office hit sila, publicity lang yon. Yong nakikita sa tv na maraming taong nanonood, premiere night lang yon na wala namang bayad. Ang mga tickets sa premiere ay nakukuha nang libre sa pagsali sa mga promo sa mga istasyon ng radyo. Hindi gaya noong araw na basta sinabing premiere night, may bayad at mas mahal pa nga.
Ang patuloy na pagtaas ng taxes, ang pagbagsak ng buying power at halaga ng piso at ang inutil na kampanya ng gobyerno laban sa piracy ang siyang tunay na dahilan kung bakit hindi na makabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Kung magpapatuloy ang sitwasyong ito, maaari na siguro nating kalimutan na mayroon pa nga tayong industriya ng lokal na pelikula.
Ang hitsura niya ay parang pinaghalong Dingdong Dantes at si Gabby Concepcion noong bata pa. Tipong matinee idol ang dating niya talaga. Palagay namin kung mabibigyan lang iyan ng tamang exposure, posibleng sumikat yan bilang isang matinee idol. May mga commercials na rin palang nagawa si James. Para sa isang cell phone company. Nakuha na rin siyang model ng isang food chain.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am