^

PSN Showbiz

Cesar, Sunshine makikihalubilo sa Hollywood stars

RATED A - Aster Amoyo -
Malaki ang aming paniniwala na malayo ang mararating ng singer-comedienne na si K Brosas tulad ni Aiai delas Alas. Hindi lamang kasi magaling na singer/performer si K kundi isa rin siyang natural at mahusay na komedyana.  Mainstay si K sa Idol Ko si Kap at sa Bitoy’s Funniest Videos ni Michael V. kung saan siya ang host ng nakakatuwang segment  ng programa, ang Alpha Kappal Muks na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.

Tulad ni Aiai, si K ay nasa pangangalaga rin ni Boy Abunda na kanyang kababayan sa Borongan, Eastern Samar.
* * *
Since nalalapit na ang Metro Manila Film Festival, pinaghahandaan na ito ngayon ng GMA Films at balak nilang ilahok sa MMFF ang movie version ng matagumpay na tele-fantasya, ang Mulawin na pinagbidahan din nina Richard at Angel. Since ang Regal Films ang distributor ng GMA Films, kasosyo ngayon ang Regal Films ng GMA Films sa pagpu-produce ng Mulawin na napakalaking pelikula.
* * *
Ngayon lamang naging very open si Judy Ann Santos sa kanyang lovelife hindi tulad noon na naging lihim ang kanilang naging relasyon ng una niyang ka-loveteam na si Wowie de Guzman. Matagal ding pinagpantasyahan ang tambalan nina Juday at Piolo Pascual pero hanggang sa pagkakaibigan lamang talaga sila hanggang sa dumating sa buhay ni Juday ang kanyang ‘Harry Potter’ na si Ryan Agoncillo.

Alam ng marami na may non-showbiz girlfriend noon si Ryan at si Juday naman ay na-link din noon sa kanyang co-star sa Isabel na si Wendell Ramos pero pagkatapos maipalabas ang pelikula ay hindi na muling napag-usapan ang dalawa. Nanatiling un-attached si Juday hanggang mag-krus ang landas nilang dalawa ni Ryan.

Botong-boto kay Ryan ang pamilya ni Juday at ganundin naman ang pamilya ni Ryan kay Juday.  Kung saan hahantong ang pag-iibigan ng dalawa ay tanging panahon lamang ang makapagsasabi.
* * *
Paalis ang mag-asawang Cesar Montano patungong Amerika para sa  premiere night ng kanyang kauna-unahang international movie, ang The Great Raid na produced ng Miramax Pictures.  Ito’y nakatakdang gawin sa Washington, D.C. sa darating na July 28.  Siyempre pa, kasama ni Buboy (Cesar) ang kanyang preggy wife na si Sunshine Cruz na kasama niyang makikihalubilo sa mga Hollywood stars.

Samantala, sa darating na Agosto 21 ay nakatakdang mag-celebrate ng kanyang 1st birthday ang second baby ng mag-asawang Buboy at Sunshine, si Samantha Angelene. Isasabay sa karaawan ng bata ang kanyang dedication (binyag) na gaganapin sa EDSA Plaza Hotel.
* * *
Hindi ikinakaila ni Brad Turvey na magkaibigan pa rin sila ng kanyang ex-girlfriend na si Pops Fernandez kahit wala na sila.  Loveless pa rin hanggang ngayon si Brad at ganundin naman si Pops na napapabalitang nakipagbalikan na umano sa kanyang ex-husband na si Martin Nievera.

Kahit walang dugong Pinoy si Brad, aminado ito na gustong-gusto niya rito sa Pilipinas lalupa’t dito siya nagkapangalan.  Si Brad ay mainstay sa Nuts Entertainment tuwing Miyerkules ng gabi at kasama rin siya sa top-rating telefantasya na Encatadia.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AIAI

ALPHA KAPPAL MUKS

CENTER

JUDAY

KANYANG

REGAL FILMS

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with