Ang Pinoy sa Hollywood na tumalo kay G. Toengi sa audition ng ER
July 9, 2005 | 12:00am
Dumating na sa bansa ang ipinagmamalaking Pinoy Hollywood star na si Giovannie Pico na gaganap sa role na Ludlow para sa TV series na ER o emergency room sa Amerika.
Sa magkahiwalay na audition ng naturang programa ay sina Giovannie at G Toengi ang naglaban para sa role, pero mas pumabor ng director kay Giovannie.
Pero ayon sa Pinay na laking Tondo, Maynila ay hindi sila nagkita ni G dahil nag-iisa lang siyang galing sa Asian country nung nag-audition siya.
Ang batang taga-Tondo na mahilig maglaro ng patintero, at piko ay malayo na ang narating, pero hindi pa rin nakalilimot sa lugar na pinagmulan at bilang pasasalamat sa mga nangyari sa buhay niya ay gusto niyang i-share ang blessings niya sa kababayan niya sa Velasquez, Tondo sa July 14 kung saan mamimigay siya ng mga pagkain, gamot at pasasayahin ang mga kababayan niya.
At hindi rin nahihiyang aminin ni Giovannie na diborsyada siya sa asawang Italyano kung saan nagka-anak sila ng lalaki na limang taong gulang na.
Battered wife si Giovannie at ito ang naging daan para mahiwalay siya sa asawang pitong taon niyang nakasama.
o0o
Gaganapin ngayong Sabado sa Kaffee Karavana ni Judy Ann Santos kung sino sa mga celebrity guest ang nagwagi sa make over ng Bar and Restaurant ni Juday para sa ikatlong taong anibersaryo.
Ayon kay Mommy Carol Santos, ina ng aktres ay walang pampa-renovate ang kanyang anak para sa bar dahil sa dalawang buwan na itong walang trabaho kayat pinakiusapan niya ang mga kaibigang tulad nina John Sweet Lapuz, Beth Tamayo, Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, at iba pang hindi na namin tanda ang names.
Kanya-kanyang toka ang mga celebrity na kaibigan ni Budaday na pagandahin ang lugar.
At bilang pabuya ni Judy Ann sa magwawagi ay may premyong P20,000.
At siyempre, present sa naturang okasyon ang inspirasyon ng aktres na si Ryan Agoncillo na siya niyang official photographer. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended