^

PSN Showbiz

Hinagpis ni Heart, di siya ipinaglaban nun ni John

- Veronica R. Samio -
Kailan lang ba natin nalaman na nagkaro’n pala ng ugnayan sina Heart Evangelista at John Prats nung panahong magka-tandem sila. Si John mismo ang umamin nito sa isang interview kamakailan lamang.

Hindi rin naman ito itinanggi ni Heart nang kausapin siya ng press kamakailan lamang para sa bago niyang programang Close-Up to Fame, isang reality show ng ABS CBN na maghahanap ng susunod na modelo ng Close-Up.

"Ipinaglaban ko siya sa daddy ko pero siya, hindi niya ako ipinakipaglaban," ang hinagpis ng aktres na sobra ang excitement sa bago niyang teleserye ang, Ang Panday na kung saan ay magkasama sila ni Jericho Rosales. Kung maaari lamang ay ito na lang ang pagusapan namin pero, alam niya, interesado rin ang press sa maraming bahagi ng buhay niya, lalo na ang kanyang lovelife.

Inamin niya na after John ay wala pa siyang nagiging boyfriend ulit. Yung mga lalaking nali-link sa kanya ay ganun lang, hanggang balita lamang. Like John Lloyd Cruz na sinabi niyang very close friend niya. Kaya di dapat mag-alala ang sinumang babae na interesado sa aktor dahil "Hindi siya nanliligaw sa akin," aniya.

Thirteen weeks tatakbo ang Close-Up To Fame o one season. Ngayong Sabado, magkakaro’n ng first elimination habang tinuturuan ang mga finalists ng proper make-up application ni Nina Ricci Alagao sa programa, ngayong Sabado, 4:30-5:30 NH. Bawat modelo ay may gagayahing Hollywood personality. Kilalanin ang 24 na modelo habang lumilibot ng siyudad in their Hollywood looks.

Ang mananalo at mapipili ng resident critics na sina Lino Cayetano, Plinky Recto at Nina Ricci at ng text votes ay maguuwi ng P1M at isang kontrata para maging susunod na modelo ng Close-Up, ang produkto na naglunsad ng career nina Gabby Concepcion, William Martinez, Richard Gomez, Onemig Bondoc at Dawn Zulueta.
* * *
May ipinakilalang bagong "fountain of youth" ang tinaguriang Doctor of the Stars na si Dr. Joel Mendez na ang expertise ay pagpapanatili ng timbang at pagbibigay ng anti-ageing treatment para mapanatili ang kabataan. Sa isang presscon na ginanap kamakailan lamang, ipinakilala niya ang Dysport, isang pangunahing brand ng Botulinum Toxin A o BT A sa Europa.

Nagmumula ito sa Wales, United Kingdom at nagbibigay ng maraming therapeutic at aesthetic benefits maging sa mga post stroke patients.

Sinisiguro ni Dr. Mendez na walang unwanted effects ang paggamit nito basta ba susundin lamang ang tamang paggamit na nakasaad dito. Sasagutin nito ang lahat ng katanungan tungkol sa latest anti-ageing procedure na ipinakilala niya. Tawagan lamang siya sa 0917-5455197, hanapin si Dr. Sara Barba. Patuloy pa rin si Dr. Mendez sa pagpapatakbo ng kanyang Weighless Center and Spa and Body & Face.
* * *
May mga bagong opisyal na pala ang FAMAS. Napili sila sa isang biglaang miting na dinaluhan maging ng mga dating pangulo ng FAMAS.

Ang mga nagwagi ay sina Col. Jimmy Tiu, president; Salvador Almario, 1st VP; Pablo Libiran, 2nd VP; Serge Custodio, sec.; Fe Aguinaldo, treas.; Mildred Pasco, auditor; Nap Alip, pro at Rudy Pisuena, marshall.

Ang limang dating pangulo ng Famas na sina Chit Sambile, Joe Lad Santos, Charlie Arcega, Tony Robles at Rudy Ner Songco ay nahirang sa Board kasama sina Sonny Cabedo, Adolfo Sangalang, Boy Silverio, Auring Liwag, Andy Beltran at Ramses Aseron.
* * *
Hindi kataka-taka kung patuloy ang pagsuporta lalo na ng mga bata sa Dunkin Donuts. Never naman kasi silang kinalimutan nito, lalo na kapag sumasapit ang Dunkin Donuts Day na katulad nang naganap kamakailan lamang, ang lahat ng branches nito ay hindi lamang nagbigay ng libreng Donuts sa mga bata at mga kasama nilang magulang at kapatid, kundi nakasali rin sila sa maraming palaro at palabas na ginaganap sa mga branches nito.

Ang Dunkin Donuts din ang paboritong pasalubong ng mga magulang at lolang tulad ko. Di na ako kailangang pumila pa, sa dami ng branches na nadaraanan ko pag-uwi, siguradong may kahon akong maiaabot sa mga malilikot na batang naghihintay sa aking pagdating at gayundin sa kanilang mga nanay at tatay.
* * *
E-mail: [email protected]

ADOLFO SANGALANG

ANDY BELTRAN

ANG DUNKIN DONUTS

ANG PANDAY

CENTER

DR. MENDEZ

LAMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with