^

PSN Showbiz

Miguel Castro, stage actor

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Mahigit sampung taon na sa legitimate stage ang aktor na si Miguel Castro, pero hindi niya alam na maganda ang kanyang singing voice.

Kundi pa siya hinikayat ng kanyang manager na si Bibsy Carballo na mag-audition para sa St. Louis Loves Dem Filipinos... The Musical, hindi nalaman ni Miguel na mahusay siyang singer.

"Hindi kasi ako kumakanta sa publiko eversince," kwento ni Miguel. "Kaya hindi ko narinig kahit kanino na pinuri ang boses ko o sinabing pwede akong kumanta."

Sa isang panayam kay Miguel, nag-request kaming kantahin niya ang "Someone To Watch Over Me," na meron din version ang kanyang favorite na si Sting. Totoong mang-aawit siya dahil nasa tono ang pagkanta niya at maganda ang kanyang boses.

Kaya pala sa audition ng bagong palabas ng Dulaang UP na isang musical, hindi lamang nakapasa si Miguel. Siya pa ang pinagkatiwalaan ng lead role as Bulan, na itatanghal sa Wilfredo Ma. Guerrero Theater sa Hulyo 13 hanggang Hulyo 31.

High school pa lamang si Miguel lumalabas na siya sa stage play, hanggang makasali siya sa Gantimpala Theater Foundation. Nagustuhan niya ang pagiging aktor sa legitimate stage kaya’t natigil siya ng kanyang masscom course sa Lyceum of the Philippines.

Naging direktor na rin si Miguel sa stage nang itatag ang Gantimpala Theater Now, sa Pinoy adaptation ng Casa de Bernardo Alba.

Naging malaking tagumpay ang Casa na tumatagal ang pagtatanghal ng dalawang taon! Nakapagsulat na rin ng play si Miguel, ang Laro na gay version ng La Ronda at dinirek ni Floy Quintos. Tulad ng Casa, isang critical at commercial success ang playwriting debut ni Miguel.

Kahit nakalabas na siya sa maraming teledrama sa ABS-CBN, tulad ng Esperanza at Maricel Soriano Presents, hindi pa masasabing nasa mainstream showbiz na si Miguel Castro. Hanggang ngayon kasi sa teatro pa rin ang nakakahiligan niya.

Bukod sa pagiging stage actor, abala si Miguel sa pagpapatakbo ng kanilang family business, ang Castro Designs. Maunlad naman ang kanilang negosyo dahil exported ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang bansa all over the world.

Sa St. Louis Loves Dem Filipinos... The Musical na dinirek ni Alexander Cortez mula sa panulat ni Floy Quintos, maraming kakantahing bilang si Miguel. Malamang na maglabas din sila ng CD ng original soundtrack ng show. Ang original score and arrangements ng palabas ay likha ni Antonio Paterno Africa.
* * *
Ang multi-awarded actor na si Ricky Davao, isang mahusay na singer din pala.

Maririnig ang rendition ni Ricky Davao ng "What Kind Of Fool Am I/Who Can I Turn To sa "Montet & Friends" CD na released ng Hope For The World Philippines Foundation para makatulong sa mga cancer victims.

Iba pang mga celebrities na maririnig kumanta sa plaka ay sina Alma Concepcion at Chiqui Roa-Puno.

Kapag bumili kayo ng "Montet & Friends" CD, makakatulong na sa mga cancer victims, makakarinig pa ng magagandang vocal performances.

ALEXANDER CORTEZ

ALMA CONCEPCION

ANTONIO PATERNO AFRICA

BERNARDO ALBA

FLOY QUINTOS

MIGUEL

MIGUEL CASTRO

RICKY DAVAO

ST. LOUIS LOVES DEM FILIPINOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with