^

PSN Showbiz

Laura Jean, bulaklak ng disyerto

-
Siya si Laura Jean, isang bagong mukha sa TV. Siya’y bulaklak ng disyerto ng Nevada kung saan siya pinanganak sa magulang na Pinoy. Napili siyang Miss Fiesta Filipina Nevada 2004 at kasama ng kanyang pagkapanalo ang pagbisita sa Pilipinas to promote tourism. Naispatan siya ni Geleen Eugenio, whose name is synonymous with dance dito sa bansa. Nataong me proposal si Geleen sa ABC 5 para sa isang dance show program na classy at glitzy at naisip niyang bagay na bagay na mag-star doon si Laura Jean. Nagustuhan ng ABC 5 management si Laura Jean at ayan, she did not disappoint at markadong-markado ang kanyang ganda at kaseksihan sa dalawang unang episode ng Club-TV na simulang nag-ere nung June 18. Club-TV is a co-production of ABC 5, Geleen Eugenio’s J & G Entertainment and 4757 Entertainment.

Kasama ni Laura Jean sa Club-TV bilang co-host ang party guru and A-lister in the Metro social scene na si Tim Yap; ang magaling na anak ni Gary V na si Gabby Valenciano at equally magaling na anak ni Ms. Geleen Eugenio na si Miggy Eugenio. Nasa dugo talaga ng dalawang ito ang galing sa pagsayaw ng kanilang mga magulang at kitang-kita ito sa Club-TV. Resident dancers naman sa Club-TV ang dance group na SKIP na inimport pa ni Ms. Geleen mula sa Guam. Nag-training ang SKIP sa ilalim ng choreographer ni Britney Spears kaya napakagaling talaga nila. Direktor ng Club-TV ang mahusay na si Rich Ilustre.

BRITNEY SPEARS

G ENTERTAINMENT

GABBY VALENCIANO

GARY V

GELEEN EUGENIO

LAURA JEAN

MIGGY EUGENIO

MISS FIESTA FILIPINA NEVADA

MS. GELEEN

MS. GELEEN EUGENIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with