Lambingan nina Mark, Jennylyn istorbo sa taping
June 30, 2005 | 12:00am
Ayaw naming isiping dahil sa pag-alis ni Chynna Ortaleza, isa sa host ng 3R kaya mawawala na sa ere ang naturang programa o dahil wala ng pondo ang major sponsor nitong Kotex?
Last season na ng programang 3R ang umeere ngayon at tsugi na dahil hindi na ito ie-extend pa na balita namin ay nagka-problema sa production at major sponsor.
Walang problema in terms of ratings dahil consistent itong mataas simula nung sina Chynna, Iza Calzado at Betinna Carlos ang hosts.
Samantala, totoo talaga ang kasabihan na kapag ang orihinal na cast o host ng isang programa ay nawala, asahan mong hindi na aabante o magtatagal pa ang naturang programa.
So, vindicated ang pag-alis ni Chynna sa 3R dahil tsugi na ito at naging dahilan marahil na mawala siya para mapunta sa Sugo ni Richard Gutierrez.
Natatawa kami kay Benjie Paras dahil parang hindi siya botong nagkabalikan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado dahil ang tagal matapos ng taping nila ng Love to Love para sa episode na Love Ko Si Urok.
Say daw ni Benjie kina Mark at Jennylyn sa taping ng programa ay, "Naku, buti pa nung magkagalit kayo, dire-diretso ang taping, mabilis matapos, ngayon, ang bagal bagal natin."
Bagamat biro lang yun ng naturang komedyante, pero may laman dahil ito nga namang sina Mark at Jennylyn ay wala na raw ginawa sa set kundi maglambingan.
At maya-maya raw ay mapapansin na lang na hindi nagpapansinan dahil nagkapikunan na pala, pero nagkakabati rin.
"Mas marami pa kasi yung moments nilang dalawang maglambingan kesa sa taping, at hindi pa maghiwalay kapag bati, kaya minsan naaantala yung taping.
"E, siyempre, yung iba, gusto nang umuwi kasi may mga pamilya, eh, sina Mark at Jennylyn, ayaw pang tapusin kaagad para magkasama pa sila," natatawang kwento rin sa amin ng taga-Love to Love.
Nagbago na pala ng araw at oras ang airing ng Kontrobersyal ni Boy Abunda na dating Sabado na katapat ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez, ngayon ay tuwing Huwebes na at makakatapat nito ang Debate.
At ang episode na itatapat ng Kontrobersyal sa Debate ay ang nagpapataas ng rating ng lahat ng shows kapag guest siya, walang iba kundi si Kris Aquino.
Uuriratin ni Boy kung tunay bang may wedding bells o wedding tales lang sa Feburay 2006 si Tetay kay James Yap.
Knowing naman kasi si Kris, kapag in love, parati niyang bukambibig na "ikakasal" na siya, ending nauuwi sa wala, kaya nung in-announce niyang pakakasal na sila ni James sa susunod na taon ay hindi na siya gaanong sineryoso ng tao at ang worst ay may nagsabi pang, "Si Kris, pakakasal na, goodluck" na parang alam na hindi ito matutuloy.
Anyway, malalaman ngayong gabi sa programa ni Boy kung may pagbabago ba sa nalapapit na kasal ni Kris sa kanyang batang fiancé.
Hindi nagustuhan ni Mrs. Deanne Magdayao mommy ni Shaina Magdayao ang nasulat na chain smoker ang kanyang anak at nakita raw ito sa taping na hindi naman nabanggit na programa.
Ayon kay Mommy Deanne, "Hindi masamang masulat kung totoo, kaso hindi naman totoo. Yung nagsulat, kilala ko at matagal ko nang kaibigan pa.
"Kung siya mismo ang nakakita na naninigarilyo nga si Shaina at kinonsider niyang magkaibigan kami, sana right there, sinita niya ang anak ko at tinawagan niya ako para isumbong kung ano ang ginagawa ni Shaina.
"Kaso, hindi naman siya ang nakakita at ayokong isiping gumawa lang siya ng kwento para may i-pang deadline, huwag ganun. Tapos tatanungin pa niya ako kung bakit hindi ko pagsabihan si Shaina?
"Huwag naman niyang gawan ng isyu ang anak ko lalot hindi totoo dahil talagang hindi ako magsasawalang kibo lang," ito ang mahinahong paliwanag ni Mommy Deanne na halatang galit sa nagsulat.
Anyway, mapapanood ngayong Linggo sa The Buzz sina Shaina, Roxanne Guinoo at Bea Alonzo para sagutin ang mga naglabasang isyung pinagtutulungan si Roxanne ng dalawa at kung paano nasabit si Joross Gamboa na boyfriend at loveteam ni Roxanne sa gulo nila. REGGEE BONOAN
Last season na ng programang 3R ang umeere ngayon at tsugi na dahil hindi na ito ie-extend pa na balita namin ay nagka-problema sa production at major sponsor.
Walang problema in terms of ratings dahil consistent itong mataas simula nung sina Chynna, Iza Calzado at Betinna Carlos ang hosts.
Samantala, totoo talaga ang kasabihan na kapag ang orihinal na cast o host ng isang programa ay nawala, asahan mong hindi na aabante o magtatagal pa ang naturang programa.
So, vindicated ang pag-alis ni Chynna sa 3R dahil tsugi na ito at naging dahilan marahil na mawala siya para mapunta sa Sugo ni Richard Gutierrez.
Say daw ni Benjie kina Mark at Jennylyn sa taping ng programa ay, "Naku, buti pa nung magkagalit kayo, dire-diretso ang taping, mabilis matapos, ngayon, ang bagal bagal natin."
Bagamat biro lang yun ng naturang komedyante, pero may laman dahil ito nga namang sina Mark at Jennylyn ay wala na raw ginawa sa set kundi maglambingan.
At maya-maya raw ay mapapansin na lang na hindi nagpapansinan dahil nagkapikunan na pala, pero nagkakabati rin.
"Mas marami pa kasi yung moments nilang dalawang maglambingan kesa sa taping, at hindi pa maghiwalay kapag bati, kaya minsan naaantala yung taping.
"E, siyempre, yung iba, gusto nang umuwi kasi may mga pamilya, eh, sina Mark at Jennylyn, ayaw pang tapusin kaagad para magkasama pa sila," natatawang kwento rin sa amin ng taga-Love to Love.
At ang episode na itatapat ng Kontrobersyal sa Debate ay ang nagpapataas ng rating ng lahat ng shows kapag guest siya, walang iba kundi si Kris Aquino.
Uuriratin ni Boy kung tunay bang may wedding bells o wedding tales lang sa Feburay 2006 si Tetay kay James Yap.
Knowing naman kasi si Kris, kapag in love, parati niyang bukambibig na "ikakasal" na siya, ending nauuwi sa wala, kaya nung in-announce niyang pakakasal na sila ni James sa susunod na taon ay hindi na siya gaanong sineryoso ng tao at ang worst ay may nagsabi pang, "Si Kris, pakakasal na, goodluck" na parang alam na hindi ito matutuloy.
Anyway, malalaman ngayong gabi sa programa ni Boy kung may pagbabago ba sa nalapapit na kasal ni Kris sa kanyang batang fiancé.
Ayon kay Mommy Deanne, "Hindi masamang masulat kung totoo, kaso hindi naman totoo. Yung nagsulat, kilala ko at matagal ko nang kaibigan pa.
"Kung siya mismo ang nakakita na naninigarilyo nga si Shaina at kinonsider niyang magkaibigan kami, sana right there, sinita niya ang anak ko at tinawagan niya ako para isumbong kung ano ang ginagawa ni Shaina.
"Kaso, hindi naman siya ang nakakita at ayokong isiping gumawa lang siya ng kwento para may i-pang deadline, huwag ganun. Tapos tatanungin pa niya ako kung bakit hindi ko pagsabihan si Shaina?
"Huwag naman niyang gawan ng isyu ang anak ko lalot hindi totoo dahil talagang hindi ako magsasawalang kibo lang," ito ang mahinahong paliwanag ni Mommy Deanne na halatang galit sa nagsulat.
Anyway, mapapanood ngayong Linggo sa The Buzz sina Shaina, Roxanne Guinoo at Bea Alonzo para sagutin ang mga naglabasang isyung pinagtutulungan si Roxanne ng dalawa at kung paano nasabit si Joross Gamboa na boyfriend at loveteam ni Roxanne sa gulo nila. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended