Kuya Germs, di kinilala sa FAMAS!
June 30, 2005 | 12:00am
Hindi ako magtataka kung malungkot man si Kuya Germs dahil makaraan ang maraming taon nang pagkilala sa efforts ng mga kabataan sa local showbiz, ni hindi man lamang nabigyan ng pagkilala ang kanyang pagpupunyagi sa nakaraang Famas Awards bilang the person behind the Youth Achievement Awards na ang mga naging winners sa taong ito ay sina Angel Locsin at Dennis Trillo. Di tulad ng ibang mga special awards na nagtataglay ng pangalan ng taong nagbibigay ng awards o pinararangalan. Tulad ng Dr. Jose R. Perez, Ciriaco Santiago, Ading Ferando at marami pang iba. Pero yung German Moreno Youth Achievement Awards ay naging Youth Achievement Awards lamang na animoy galing sa Famas at sa Master Showman. Ang hindi pa magandang ginawa sa mga nanalo ay basta na lamang sila pinatayo sa stage at ni hindi man lamang pinapagsalita, siguro sa kakapusan ng oras. Eh bakit pa nagbibigay ng awards kung di rin naman pagsasalitain ang nanalo? Sana kinunan na lamang sila ng film clips at iprinisinta sa mga manonood sa PICC o sa TV.
Putulin din kaya ng ABS CBN na siyang nag-kober ng event ang speech ni Angel Locsin tulad nang ginawa nilang pagputol sa speech ni Dennis Trillo who acknowledge his Kapuso Network?
Talagang ayaw tantanan ng intriga ang DBodies. Ang kantang "Kiliti" na kinompos para sa kanila ni Boy Christopher ay ipina-record na nito sa ibang grupo, ang Hot Tsikz dahil meron silang di napagkasunduan ng WaterPlus Production. Sa komposer daw ang rights para sa nasabing awitin.
Right now ay nire-record na ng Hot Tsikz na binubuo nina Gray Miller, Kimberly Pink, Sofia Red, Orange Crisostomo, Blue Baldemor, Green Arrenas, Violet Ponti, Brenda Brown, Ecru de Assi, at Yellow Milano at malamang isama nila ito sa kanilang album na ilo-launch sa July.
"Hayaan mo silang maglabu-labo, reaksyon ni Lito de Guzman, manager ng orihinal na D Bodies na naging Baywalk Bodies.
Hinahabol na kantahin ng Hot Tsikz ang "Kiliti" sa July 3, sa kanilang A Night With D Hot Tsikz, isang sexy fashion show, sa Metro Bar Concert. Kasama dito sina Bobita ng ETK, Erik at Tuko.
Bukas, Hulyo 1, 9:00 NG, magsasabog ng init ang Viva Hotmen sa Klownz Araneta, Cubao, QC sa pangunguna ni Allen Dizon kasama sina Paolo Serrano, Alken Miranda, McMiel Denison, Justin de Leon, Ethan Zulueta, Tonio Quiazon at Jerome Ocampo. Kakantahin nila ang carrier single ng kanilang album, ang Gods Gift to Women video na dinirek ni Rico Gutierrez, ang "Pandesal" at ibang pang novelty songs gaya ng "Bola Bola", "Mahal Bati Na Tayo" at "Sari-Saring Amoy ng Lalaking Pinoy". Magkakaron ng launching ang album sa ASÅP sa Linggo.
Napanood sa stage play na Hipo ang Viva Hotmen kasama si Katya Santos. Nakasama rin sila sa sex video ni Asia Agcaoili, ang Sex Guru, sa digital film ni Jon Red na pinamagatang Boso at sa C Show ng Carter Underwear.
Putulin din kaya ng ABS CBN na siyang nag-kober ng event ang speech ni Angel Locsin tulad nang ginawa nilang pagputol sa speech ni Dennis Trillo who acknowledge his Kapuso Network?
Right now ay nire-record na ng Hot Tsikz na binubuo nina Gray Miller, Kimberly Pink, Sofia Red, Orange Crisostomo, Blue Baldemor, Green Arrenas, Violet Ponti, Brenda Brown, Ecru de Assi, at Yellow Milano at malamang isama nila ito sa kanilang album na ilo-launch sa July.
"Hayaan mo silang maglabu-labo, reaksyon ni Lito de Guzman, manager ng orihinal na D Bodies na naging Baywalk Bodies.
Hinahabol na kantahin ng Hot Tsikz ang "Kiliti" sa July 3, sa kanilang A Night With D Hot Tsikz, isang sexy fashion show, sa Metro Bar Concert. Kasama dito sina Bobita ng ETK, Erik at Tuko.
Napanood sa stage play na Hipo ang Viva Hotmen kasama si Katya Santos. Nakasama rin sila sa sex video ni Asia Agcaoili, ang Sex Guru, sa digital film ni Jon Red na pinamagatang Boso at sa C Show ng Carter Underwear.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
18 hours ago
18 hours ago
Recommended