Seryoso na si Gerald
June 29, 2005 | 12:00am
Unang pelikula pa lang niya, ang Sana Pag-ibig Na directed by Jeffrey Jeturian ay gumawa agad ng ingay ang young actor na si Gerald Madrid na nakatanggap ng acting nomination at tinawag ng next important actor.
Pero biglang nag-iba ang trend. Pumasok ang bold genre. Nung unay okey lang sa kanya ang medyo seksing papel pero naging traumatic sa macho ang Pedrong Palad kung saan pinagtatalop siyat magkakaroon ng torrid love scenes sa mga kasamang female stars. Atras ang pogi! Binalikan na lang ang pag-aaral. Hindi niya natapos ang college dahil nag-asawa at nagkaanak. Tumakbo siyang konsehal ng Parañaque City at dito niya nakilala ang kumandidatong alkalde na si Alma Moreno.
Isa si Ness (Alma) sa pinakamabait na taong nakilala ko. Marami akong natutuhan sa kanya. Tulad ngayon, siya ang nagbigay sa kin ng inspirasyon at morale-booster para balikan ko ang aking career. Napaka-supportive niya. Lagi rin niyang ipinaaalala sa kin na harapin ko ang responsibilidad ko sa mga anak ko, sabi ni Gerald.
Dahil versatile actor, madalas siyang kuning guest sa mga programa ng Dos at Siete. Naging regular din siya sa Spirits ng ABS, na dinirek ni Chito Roño. Bilang paghahanda sa balik-pelikulay nagpa-liposuction siya kay Dr. Manny Calayan at nagwo-work out sa isang gym. Balik-macho na talaga ang ma-appeal na actor na sinabing handa na siyang tanggapin kahit anong papel kahit mag-bold pa!
Lumalaki na ang mga anak ko at nag-aaral na lahat. Gusto kong sa abot ng aking makakayay masuportahan ko sila. Para rin mabura sa isip ng ibang tao na inabandona ko sila at akoy hindi mabuting ama, sabi pa ni Gerald.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended