Suwerte na, Shamrock pa!
June 28, 2005 | 12:00am
Ang mga Pinoy talaga ang hilig sa salitang suwerte.
Kaya pati tuloy sa banda, ikinakabit ito. Tulad na lang ng grupong Shamrock na pinaganda pa ang tunog ng pangalan nila, pero ang ibig sabihin din pala ay suwerte rin.
Ang Shamrock band ay binubuo ng limang talented na musicians na sina Marc Tupaz, Sam Santos, Nico Capistrano, Rick Magalong at Henry Abesamis.
Pa-humble effect pa ang keyboardist nilang si Henry sa pagsasabing "suwerte" raw kasi ang kailangan nila para makilala ang kanilang grupo.
Pero kung mapapakinggan nyo ang self-titled album nilang may carrier single na "Ms. Serious", tiyak na may paglalagyan ang banda sa music scene.
Ang vocalist nilang si Marc ay lumaki sa Los Angeles na hindi lang pinagkalooban ng kagwapuhan, kundi biniyayaan din ng magandang boses. Nag-train siya ng music sa Vocal Power sa Los Angeles, California at ipinagpatuloy ang voice lessons kay Mrs. Vina Gonzales ng UP Conservatory of Music.
Pinangarap naman noon pa ni Sam, ang bassist ng banda na maging rock star, kaya noong bata pa lang ito ay natutunan na agad niyang tumugtog ng gitara.
New Wave naman ang forte ng guitarist ng banda na si Nico. Ang kanyang husay sa pagtugtog ng gitara ang nagbibigay daw ng unique identity ng Shamrocks band.
Isa namang passionate performer ang drummer nila na si Rick. Kung kaya sa bawat hataw nito sa kanilang performances ay feel na feel ng mga manonood ang pagiging rocker nito.
Binansagan namang walking videoke machine ang keyboardist na si Henry na dating miyembro ng bandang Skin at Introvoys na ang frontman ay si Paco Arespacochaga, dahil sa malawak na kaalaman nito pagdating sa kantahan.
Ang pagsasama ng kani-kanilang talento at style sa mu-sika ay nagbunga ng maganda at maipagmamalaking kanta sa self-titled album nilang Shamrock: Are You Serious.
Aakalain mo nga na foreigner ang kumakanta sa kanilang album na naglalaman ng kantang tulad ng "Ms. Serious," "Fine," "Dalangin (Kanta To)" "Up There," "Waiting For Summer," "Radio Girl," "Today," "Alipin," "Naaalala Ka," "In My Head," "Up There," "Radio Girl," "Loser," at isang acoustic version ng "Ms. Serious" na release ng Universal Records.
Ngayon palang ay matindi ang ginagawang paghahanda ng Star Records para sa birthday concert at album ni Gary Valenciano sa August. Ang concert ay maghuhudyat ng pagkabilang ni Gary sa Star Records family.
Billed Gary V: Symphony Of The Heart, magaganap ito sa August 5 sa Araneta Coliseum. Ito ang kauna-unahang pagkakataon that Gary is performing with San Miguel Philharmonic Orchestra with Ryan Cayabyab as musical director.
Nakatakda ring i-release ng Star Records ang "Symphony Of the Heart" album ni Gary. Ito ang unang pagkakataon na gagawa si Gary ng isang full length album sa Star Records.
Ngayong July nakatakdang i-launch ang album ni Gary at magaganap ito sa America.
For ticket inquiry and reservation to Gary V: Symphony Of The Heart concert, please call TicketNet (911-5555) or Star Records (413-9161).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am