^

PSN Showbiz

Sayang kung may attitude problem si Nadine

-
Dahil sa shooting ay hindi natanggap ng personal ni Angel Locsin ang special achievement awards na iginawad sa kanya ni German Moreno at isa pa sa nakaraang Famas awards.

Alas sais pa lang ng gabi ay nakahanda na ang gown na isusuot ni Angel na gawa pa ni Pepsi Herrera at pati make-up artist niya ay nakaantabay dahil nga nakasalang pa rin sa harap ng kamera ang aktres.

Pinayagan siyang mag-break ng pasado alas nuwebe at eksaktong alas nuwebe kuwarenta ay nakabihis na si Angel at patungo na ng PICC, pero nakatanggap siya ng tawag kay Dennis Trillo na hindi na siya aabot dahil naibigay na rin ang 2nd award. Nanlambot si Angel dahil wala rin palang nangyari sa pagmamadali niya, ayaw na niyang magsalita pa, pero kitang-kita na talagang nawala siya sa mood nu’ng nag-resume ang shooting hanggang madaling araw ng Lunes.

"E, kasi gusto nga niyang dumalo, ayaw naman siyang payagang umalis sa set kasi minamadali raw, kaya nahihiya siya sa Famas kasi baka raw magalit sa kanya at si Kuya Germs," ito naman ang katwiran ng taong malapit kay Angel.
* * *
Binati raw ng mga reporter si Tyron Perez kung nag-react na si Nadine Samonte sa pag-amin niyang naging mag-on sila noon.

Maging kami ay nabaliw din kung bakit biglang umamin si Tyron na naging sila nga ni Nadine gayung makailang beses niyang sinabing hindi sila at later on naging MU (mutual understanding) at ang huli ay nagkaroon nga sila ng relasyon.

"Nasasaktan na po ako sa mga pinagsasabi nila, ‘yung mommy ni Nadine, kung anu-ano ang sinasabi sa akin. E, kaya ko lang naman po nilihim no’n para pagtakpan siya, kaso sobra na po," text message sa amin ni Tyron.

Lumalabas tuloy na gumigimik ang binata dahil may pelikula silang ipalalabas?

"Hindi naman po ako mahilig gumimik at kung gumigimik ako, sana noon pa para mas lalo kaming pinag-usapan? E, nasaktan po talaga ako," katwiran pa ng binata.

Susme, paano magki-click ang loveteam nila ni Nadine, e, nag-aaway pala sila? 
* * *
And speaking of Nadine Samonte, tinanong namin ang dalagita kung hindi ba niya kasundo ang mga staff ng Now and Forever dahil tila pinariringgan siya ng hindi maganda? "Hindi ko po alam, basta ako, nice naman sa kanila," saad naman ng dalagita. Nabanggit nga namin kay Nadine na tinatawag siya sa ibang pangalan at nagtataray daw siya sa set ng naturang afternoon soap opera ng GMA 7.

"Hindi ko nga po alam, minsan, tinawag nila akong Jennylyn, nag-smile lang ako. May mga parinig, pero hindi ko po talaga sila sinasagot," dagdag paliwanag pa ni Nadine.

Marami kaming naririnig na reklamo ng mga nakatrabahong staff ni Nadine, tulad sa Leya, ‘yung first soap drama nila ni Oyo Boy Sotto at dito sa Now and Forever, gusto tuloy namin siyang i-surprise visit sa tapings niya para makita at marinig namin ng personal kung ano ang problema ng mga staff sa aktres.

Kung totoong may attitude problem nga si Nadine, sayang naman dahil magaling siyang aktres at masisira lang dahil sa ugali niya. 
* * *
Mukhang hindi sanay ang grupong South Border na iba ang tumutugtog para sa kanila dahil sa nakaraang 55th Year Anniversary ng GMA 7 na ginanap sa Aliw Theater ay makailang beses nagkamali ng pasok si Jay Durias para sa awiting "Ikaw Nga", theme song ng Mulawin.

Si Raul Mitra kasi ang musical director ng naturang event at napansin din ng lahat na ang haba-haba ng intro ni Raul. Kung hindi ka observant, hindi mo mapapansing nagkamali nga si Jay, pero kung mabilis ang mata mo, makikita mong panay ang iling niya at panay din ang tingin kay Raul.

Anyway, maganda pa rin ang pagkakanta ng South Border ng "Ikaw Nga" at most applauded pa rin sunod ang theme song ng Darna na inawit naman ni Jonalyn Viray na kung tawagin ng mga taga-GMA ay ‘Finding Nemo’. REGGEE BONOAN

DAHIL

IKAW NGA

KUNG

NADINE

NADINE SAMONTE

NAMAN

NOW AND FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with