^

PSN Showbiz

ABS-CBN nagtanggal na ng mga reporter

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Akala namin, mag-aaway na naman sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa 55th Anniversary Special ng GMA-7. Tinawag si Mark ni Nora Calderon para pag-reakin sa nasulat na tine-text niya ang Sexbomb dancer na si Aifa. Kasama ni Mark si Jennylyn at sabay silang lumapit kay ate Noi.

Bago pa makapag-explain si Mark, nauna nang mag-react si Jen. Sabi nito: Aywan ko ba, ‘di na natuto." Kita namin ang pagkunot ng noo ni Mark sa comment ng girlfriend na obvious na ‘di nagustuhan ang narinig. Mabuti na lang at bago pa uminit ang sitwasyon, nagyaya si Mark sa backstage para makapag-bihis na sila.

Wish ng fans, hindi na mag-away ang dalawa’t nabubulabog sila. Mahal nila ang love team nina Jen at Mark at patunay nito ang pagboto nila para ang dalawa ang manalong Ultimate Idol Love Team sa Kapuso Viewer’s Choice Awards.

Ayaw din naming dagdagan ang tension sa magka-love team kaya, hindi na namin sila tinanong sa isyung pagli-link kina Jennylyn at Mike Tan. Saka, naipaliwanag na ni Mike ang totoong nangyari’t walang dapat ipag-alala ang Jen-Mark fans.

Naging friends lang talaga nina Jen at Mark sina Mike at LJ Reyes mula nang magkasama sa Love to Love. Kita ang closeness ng apat sa taping at minsan, share pa sa bottled water sina Jen at LJ at panay naman ang laglagan nina Mark at Mike.
* * *
Nakakalungkot naman ang nabalitaan naming nagbawas at magbabawas pa ng employees ang ABS-CBN. Sa News and Current Affairs Department ng network unang nagbawas ng work force at naging dahilan para ma-demoralized ang mga naiwan, sina Jake Maderazo, Pia Hontiveros, Gene and wife Weng Orejana, Carmelita Valdez, Josie Sison at Patrick Paez ang mga binanggit sa aming pangalang una nang inalis sa roster ng employees ng Ch. 2 at marami pa raw ang susunod.

Sinabi rin sa amin kung ilan more or less ang maaalis pero, hindi na namin isinulat.

Nagpaalam na rin si Atty. Dong Puno sa Dong Puno Live last Thursday pero, ‘yun ay dahil sa anchor na siya ng Insider.

Balitang si Maria Ressa na ang over-all head ng News and Current Affairs Department ng Ch. 2. Inaalam namin kung ano ang mangyayari sa kanyang pinalitan.
* * *
Kailangan na bang makialam ng GMA-7 sa conflict nina Nadine Samonte at Yasmien Kurdi? Ang feeling namin, grumagrabe na ito’t harap-harapan na ang kanilang pagdi-dedmahan.

Sa huling presscon ng Happily Ever After, nagbatian pa sila (kahit napilitan) dahil sa kantyaw ng press people. Ngiti ang isinukli ni Nadine nang tapikin siya sa balikat ni Yasmien bilang pagbati.

Sa 55th Anniversary Special ng GMA-7, hindi na nila nakayang makipag-plastikan. Katabi namin sa mesa si Nadine nang dumating si Yasmien at bumati ito sa grupo namin ng pagbeso. Kung saan-saan tumingin si Nadine para lang hindi sila magka-tinginan. Hindi na rin lumapit sa kanya si Yasmien at nahalatang umiiwas si Nadine.

Kaya lang, parang gumanti si Yasmien sa pag-iwas ni Nadine. Lumipat ng mesa si Nadine at naki-join kay Sheryl Cruz. Lumapit si Yasmien kay Sheryl at bineso ito and totally ignoring Nadine na katabi ni Sheryl.

Nagkatinginan na lang kaming mga reporter na nakasaksi sa buong pangyayari. Hindi puwedeng i-deny nina Nadine at Yasmien ang pagdi-deadmhan nila’t marami kaming saksi.

vuukle comment

ANNIVERSARY SPECIAL

CARMELITA VALDEZ

CHOICE AWARDS

DONG PUNO

DONG PUNO LIVE

MARK

NADINE

NAMIN

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with