^

PSN Showbiz

Kayang gayahin pero hindi puwedeng pantayan

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Pagkatapos lang ng isang linggong split, mabilis na nag-reconcile sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Pinagpayuhan daw kasi silang mag-usap at iyon naman ang kanilang ginawa.

Aba, kailangan talagang pagpayuhan silang magkasundo agad. Maaapektuhan ang kanilang mga tv shows. Sila pa naman ang love team sa dalawang tv shows, at kung lalabas na wala na sila, kahit na ano pang arte ang gawin nila, babagsak ang ratings ng mga iyon. Hindi man sila mahuhusay umarte, kinikilig na rin ang mga fans dahil alam nila na totoong on ang dalawa. Pero kung hindi na sila on, palagay namin hindi pa nila kayang umarte para kiligin ang mga fans nila.

Mahahalata mo rin naman, si Mark ang naging masikap na magkabalikan silang dalawa, kahit na noong una ay umiiwas pa si Jennylyn. Kasi lumalabas na siya ang may kasalanan sa kanilang split dahil may niligawan siyang isang kolehiyala na nag-on the job training sa isang show sa GMA. Kaya nga iyong mga nasa kampo ni Mark, inilabas din ang isang lumang video kung saan pinag-uusapan naman ang isa nilang pagkakagalit noong araw dahil diumano sa kinumbida naman ni Jennylyn sa kanyang sasakyan ang isa pang male star. Parang pam-balance lang. Pinalalabas nila na kung may kasalanan man si Mark ngayon, may naging atraso rin si Jennylyn noon.
* * *
May panahong may nagkakalat ng tsismis na tinalo na raw ng show ni Willie Revillame ang Eat Bulaga. Iyan ang mga taong nangangarap ng gising. Akala nga siguro nila mangyayari iyon dahil sabay na nawala sina Vic Sotto at Joey de Leon. Pero hindi pa rin naka-abante ang show ni Revillame.

Una, kahit na magbigay sila ng katakut-takot na premyo, pag-aralan ninyo. Hindi naman ang malaking premyo ang hinahabol ng audience ng Eat Bulaga ngayon eh, kung di ang kanilang pagpapatawa roon sa Bulagaan 2005. Maaring kopyahin ng mga dancers ni Revillame ang sayaw ng sikat na Sexbomb, o gayahin niya pati na ang unti-unting pagbunot ng takip ng numero ni Vic Sotto sa Laban O Bawi, pero kaya ba niyang magpatawa na kagaya noong sa Bulagaan? Doon siya laos. Hindi siya natural magpatawa.

Nasa MTB pa lang sila ginagaya na nila ang Eat Bulaga, hindi naman nila nagaya, eh ngayon pa?
* * *
Matinding pagtitiis daw ang ginagawa ng bagong asawa ng isang male star, dahil kahit na pinakasalan na siya noon, hindi pa rin naman mahiwalayan noon ang kanyang karelasyong matrona. Iyong matrona naman daw kasi ang sumusuporta sa kanila, dahil mahina naman ang kita ngayon ng male star, ahente na lang kasi siya. Kahit na sabihin mong abroad iyon, ahente pa rin siya. Lumalabas pa raw kung minsan na ang matrona ang number one, at ang asawa niya ay number two lang. Kawawa naman.

BULAGAAN

EAT BULAGA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LABAN O BAWI

NAMAN

NILA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with