Joey, dadalhin si Keempee sa HK Disneyland
June 23, 2005 | 12:00am
Pabango ang regalo ni Keempee de Leon sa amang si Joey de Leon noong nakaraang Fathers Day. Nag-lunch silang buong pamilya sa bahay ng ama.
Maganda ang samahan nina Keempee at Chenee sa tatlong kapatid nila kay Eileen Macapagal. Kuya nga ang tawag sa kanya ng iba niyang mga kapatid.
Sama-sama silang nagta-travel kaya nagkakaroon sila ng bonding. Last Christmas, pumunta sila ng Las Vegas. Dahil sa pagiging cum laude ng kapatid na si Jocas ay ipapasyal sila ni Joey sa Hongkong Disneyland.
Anim na de kalidad na pelikulang lokal na naging bahagi sa exhibition of cinemas mula sa 125 na bansa sa buong mundo ay hinangaan sa Cannes Film Festival sa France kamakailan.
Sa isang report na isinumite sa Metro Manila Development Authority Chairman, Bayani Fernando ni Atty. Esperidion Laxa ay sinabi nitong umani ng papuri lalo na sa European movie producers ang Bagong Buwan, Dekada 70, Milan at Panaghoy sa Suba kabilang ang dalawang short films.
Si Laxa ang namuno sa Philippine delegation sa annual international event. Kasalukuyan itong MMFFP executive committee member.
Bago pa ito, nag-imbita rin ang Brussels Film Festival ng producer, director at cast ng Bagong Buwan at Dekada 70 para sumali sa film festival sa Belgium sa Nobyembre.
Kabilang din sa 14-man Philippine delegation sa Cannes event sina Claudine Barretto at kapatid na si Marjorie, Cesar Montano at Piolo Pascual.
"Ang mga papuri sa ating mga pelikula ang dapat magbunsod sa mga Filipino film producers para ipadala ang kanilang pelikula at mga promotional materials sa Cannes para sa layunin ng competition o marketing," ani Laxa at idinagdag pa na ito ang solusyon ng sunud-sunod na pagbagsak ng annual output ng local film industry.
Gandang-ganda kami sa young actress na ito kahit walang make-up. Palibhasay bata pa ay fresh ang beauty. Nang pinuri ng ilang manunulat ang kanyang pretty face ay nagsabi itong mayroon din siyang problema.
Sabay hawak sa ilong ay nag-dialogue ito ng "Gusto nga namin ng daddy ko na ipaayos ang ilong ko dahil parang hindi pantay ang butas. Kahit matangos ito ay parang may problema pa rin ako," aniya.
Ang young actress ay bida sa isang pelikula na malapit nang ipalabas.
Maganda ang samahan nina Keempee at Chenee sa tatlong kapatid nila kay Eileen Macapagal. Kuya nga ang tawag sa kanya ng iba niyang mga kapatid.
Sama-sama silang nagta-travel kaya nagkakaroon sila ng bonding. Last Christmas, pumunta sila ng Las Vegas. Dahil sa pagiging cum laude ng kapatid na si Jocas ay ipapasyal sila ni Joey sa Hongkong Disneyland.
Sa isang report na isinumite sa Metro Manila Development Authority Chairman, Bayani Fernando ni Atty. Esperidion Laxa ay sinabi nitong umani ng papuri lalo na sa European movie producers ang Bagong Buwan, Dekada 70, Milan at Panaghoy sa Suba kabilang ang dalawang short films.
Si Laxa ang namuno sa Philippine delegation sa annual international event. Kasalukuyan itong MMFFP executive committee member.
Bago pa ito, nag-imbita rin ang Brussels Film Festival ng producer, director at cast ng Bagong Buwan at Dekada 70 para sumali sa film festival sa Belgium sa Nobyembre.
Kabilang din sa 14-man Philippine delegation sa Cannes event sina Claudine Barretto at kapatid na si Marjorie, Cesar Montano at Piolo Pascual.
"Ang mga papuri sa ating mga pelikula ang dapat magbunsod sa mga Filipino film producers para ipadala ang kanilang pelikula at mga promotional materials sa Cannes para sa layunin ng competition o marketing," ani Laxa at idinagdag pa na ito ang solusyon ng sunud-sunod na pagbagsak ng annual output ng local film industry.
Sabay hawak sa ilong ay nag-dialogue ito ng "Gusto nga namin ng daddy ko na ipaayos ang ilong ko dahil parang hindi pantay ang butas. Kahit matangos ito ay parang may problema pa rin ako," aniya.
Ang young actress ay bida sa isang pelikula na malapit nang ipalabas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended