John Lloyd, gumamit ng ghost singer sa ASAP!
June 22, 2005 | 12:00am
Marahil kung hindi pa siya natutong kumanta ay baka hindi pa aminin ni John Lloyd Cruz na gumamit siya ng ghost singer kapag kailangan niyang kumanta sa ASAP.
In fairness naman, nang malaman ito ni Mr. M (Johnny Manahan), ang namumuno sa Star Magic ngayon pero, dating Talent Center nun, ay sinabihan siya nito na siya na lamang ang mag-record ng mga kakantahin niya. "Kaya kumuha ako ng voice lessons sa training center ng Star Magic. Ngayon, kapag kumakanta ako, boses ko na yung ginagamit ko," pagmamalaki ng aktor na magbi-birthday sa June 24. Twenty two years old na siya.
Aware pala si Heart Evangelista sa pagiging pabling ni Jericho Rosales kung kaya nang malaman niya na siya ang magiging love interest nito sa Ang Panday, isang serye na ginagawa ng ABS CBN, ay kinausap agad niya ang kanyang kaibigang si Angelica Panganiban na nakapareha ni Jericho sa Santa Santita.
Sinabihan naman siya nito na hindi siya dapat matakot o ma-intimidate sa aktor dahil mabait ito at aalagaan siya.
Bilib si Echo kay Heart dahil sa dami ng mga nag-audition for the part of Eden, ang mapapangasawa aniya sa serye, ay ito ang napili. Isang Star Questor ang nakapag-taped na for a few days pero napalitan pa rin ito.
Magkakaron ng maraming delikadong eksena si Heart sa serye. Natakot siya nung una pero, naniniwala siya na malaki ang maitutulong sa kanya ng workshop bago siya sumabak sa mga nasabing mga eksena.
Napag-uusapan na rin lamang si Jericho, mapapanood ito sa isang live performance kasama ang kanyang bandang Jeans sa Ratsky Morato sa June 24, Biyernes, 9:00 NG. Ka-alternate sila ng Pure Instinct Band.
Ang palabas sa Ratsky ay magpapakita pa ng isang talento ng magaling na aktor na kasalukuyang ginagawa ang Panday para sa ABS CBN at katatapos lamang pahangain ang mga manonood ng pelikula sa Nasaan Ka Man, kasama sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.
Ang iba pang palabas na kaabang- abang sa Ratsky Morato ay ang Authority with Juan Miguel Salvador sa June 25, Carlo Aquino Theory, June 30.
Sa June 24, mapapanood ang Blow (Diether Ocampo), June 25, True Faith, June 29, FAT at June 30, K & The Boxers.
For reservations and inquiries, call Ratsky Malate 5238608/09 o Ratsky Morato 3739882/83.
Nag-renew ng kontrata niya sa Vicor si Nyoy Volante at ang grupo niyang Mannos. Dalawang taon pang mananatili sina Nyoy at Mannos sa Vicor Music Corp. na nagdiriwang ng kanyang ika-40 taong anibersaryo. Dahil dito, maraming bagong releases at pioneering projects ang ilalabas nito.
Kari-release lamang nito ng "OPM Klasiks" nina Nyoy at Mannos at ito ang kasalukuyang ipino-promote nila. Nagtataglay ito ng magagandang tracks mula sa era ng 70s at 80s tulad ng "Each Day With You", "Beep Beep", "Ngayon at Kailanman", "Heto Na Naman" at iba pa.
Nakapag-submit na pala si G. Vic del Rosario ng kanyang status report on the entertainment industry kay Presidente Gloria Arroyo na nire-review nito ngayon. Isa sa tututukang proyekto ng Malacañang ay ang Sound Stage na ipinangako ni PGMA nung kampanya. Kapag natuloy ito ay malaki ang maitutulong nito sa entertainment industry. Makaka-attract ito ng mga international productions gaya ng Hollywood para gumawa dito ng pelikula.
Magbibigay din ito ng employment sa local movie workers dahil kakaunti na ang gumagawa ng mga pelikulang lokal. Lalaki rin ang technology transfer mula sa foreign craftsmen sa kanilang local counterparts. Sa pamamagitan nito, malaki ang chance na ma-recognize ang ating Filipino talents.
Ayon sa report ni G. Del Rosario, "My office will initiate the preparation of appropriate studies and proper planning for the establishment of a world class sound stage and studio complex.
"I also intend (with the Presidents approval) to revive the powers of the now defunct Film and TV Office who will coordinate all foreign audio visual productions done locally."
Ipinangako ni PGMA na tutuparin niya ang mga ipinagako niya nung kampanya.
Isa sa mga alaga ni Annabelle Rama na inilunsad kamakailan ay ang anak na babae nina Drs. Manny & Pie Calayan, si Andrea Calayan, 9 na taong gulang na sinasanay ngayon para sa Bubble Gang Jr.
Bunso sa tatlong magkakapatid na babae si Dre (palayaw sa kanya) na nagsabing sasamahan siya sa lahat niyang lakad ng kanyang inang doktora.
Magaling itong mag-Tagalog at mag-Ingles kahit na sa bahay nila ay ang lengwaheng ginagamit nila ay Espanyol. Kapag bakasyon ay may pumupunta sa kanila para turuan silang magkakapatid ng Spanish.
In fairness naman, nang malaman ito ni Mr. M (Johnny Manahan), ang namumuno sa Star Magic ngayon pero, dating Talent Center nun, ay sinabihan siya nito na siya na lamang ang mag-record ng mga kakantahin niya. "Kaya kumuha ako ng voice lessons sa training center ng Star Magic. Ngayon, kapag kumakanta ako, boses ko na yung ginagamit ko," pagmamalaki ng aktor na magbi-birthday sa June 24. Twenty two years old na siya.
Sinabihan naman siya nito na hindi siya dapat matakot o ma-intimidate sa aktor dahil mabait ito at aalagaan siya.
Bilib si Echo kay Heart dahil sa dami ng mga nag-audition for the part of Eden, ang mapapangasawa aniya sa serye, ay ito ang napili. Isang Star Questor ang nakapag-taped na for a few days pero napalitan pa rin ito.
Magkakaron ng maraming delikadong eksena si Heart sa serye. Natakot siya nung una pero, naniniwala siya na malaki ang maitutulong sa kanya ng workshop bago siya sumabak sa mga nasabing mga eksena.
Napag-uusapan na rin lamang si Jericho, mapapanood ito sa isang live performance kasama ang kanyang bandang Jeans sa Ratsky Morato sa June 24, Biyernes, 9:00 NG. Ka-alternate sila ng Pure Instinct Band.
Ang palabas sa Ratsky ay magpapakita pa ng isang talento ng magaling na aktor na kasalukuyang ginagawa ang Panday para sa ABS CBN at katatapos lamang pahangain ang mga manonood ng pelikula sa Nasaan Ka Man, kasama sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.
Ang iba pang palabas na kaabang- abang sa Ratsky Morato ay ang Authority with Juan Miguel Salvador sa June 25, Carlo Aquino Theory, June 30.
Sa June 24, mapapanood ang Blow (Diether Ocampo), June 25, True Faith, June 29, FAT at June 30, K & The Boxers.
For reservations and inquiries, call Ratsky Malate 5238608/09 o Ratsky Morato 3739882/83.
Kari-release lamang nito ng "OPM Klasiks" nina Nyoy at Mannos at ito ang kasalukuyang ipino-promote nila. Nagtataglay ito ng magagandang tracks mula sa era ng 70s at 80s tulad ng "Each Day With You", "Beep Beep", "Ngayon at Kailanman", "Heto Na Naman" at iba pa.
Magbibigay din ito ng employment sa local movie workers dahil kakaunti na ang gumagawa ng mga pelikulang lokal. Lalaki rin ang technology transfer mula sa foreign craftsmen sa kanilang local counterparts. Sa pamamagitan nito, malaki ang chance na ma-recognize ang ating Filipino talents.
Ayon sa report ni G. Del Rosario, "My office will initiate the preparation of appropriate studies and proper planning for the establishment of a world class sound stage and studio complex.
"I also intend (with the Presidents approval) to revive the powers of the now defunct Film and TV Office who will coordinate all foreign audio visual productions done locally."
Ipinangako ni PGMA na tutuparin niya ang mga ipinagako niya nung kampanya.
Bunso sa tatlong magkakapatid na babae si Dre (palayaw sa kanya) na nagsabing sasamahan siya sa lahat niyang lakad ng kanyang inang doktora.
Magaling itong mag-Tagalog at mag-Ingles kahit na sa bahay nila ay ang lengwaheng ginagamit nila ay Espanyol. Kapag bakasyon ay may pumupunta sa kanila para turuan silang magkakapatid ng Spanish.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am