^

PSN Showbiz

Mag-inang Nicole at Jean Saburit magkaribal sa ex-bf ni Pops?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Tiyempo ang balik ni Richard Gomez sa S-Files last Sunday, dahil 7th anniversary ng show nila nina Paolo Bediones, Joey Marquez at Pia Guanio. Two weeks suspended si Richard at sa halip na magmukmok, natuwa pa ito’t nakapag-bakasyon daw siya. Nanghinayang lang ito’t hindi napanood nang mag-guest co-host ang asawang si Lucy Torres-Gomez.

Masaya si Richard sa magandang rating ng kanilang show kahit aminado siyang kung minsan, wala silang malaking balita. At the same time, hindi siya naniniwalang hindi naniniwala sa rating ang katapat nilang The Buzz.

"Ganoon lang ‘yun, but at the end of the day, tinitingnan pa rin ang rating. Kami, kung ano ang makuha naming rating for a particular Sunday, masaya na kami. Basta, we always try to improve the show and we will not create a story just to have a story," pahayag nito.

Samantala, matutuwa ang naghahanap kay Richard sa Encantadia dahil babalik siya sa role pa rin niyang si Raquim. Hindi pa lang nito alam kung kailan siya muling magti-taping.
* * *
Malutong na tawa ang reaction ni Nicole Anderson nang usisain namin sa tsismis sa kanila ni Brad Turvey. Lalong lumakas ang tawa ng 15-year-old mestiza sa tanong kung totoong magkaribal sila ng inang si Jean Saburit sa ex-boyfriend ni Pops Fernandez.

"Brad and I are just good friends. We hang out and talk a lot pero, hindi siya nanliligaw sa akin. Hindi rin totoo ‘yung tungkol sa kanila ng mom ko, hindi nga siya kilala ng mom ko," paliwanag ni Nicole.

Malaki ang age gap nina Nicole at Brad kaya, nakakapagtakang sila’y ma-link. Ang paliwanag ni Nicole, she’s mature for her age at sa friendship, age doesn’t matter. Pareho rin daw sila ng view ni Brad kaya, sila’y magkasundo.

Hindi alam ni Nicole na kinumpirma niya ang past relationship nina Brad at Pops sa sagot niyang "Wala na naman sila," nang tanungin tungkol sa dalawa. Babawiin pa sana nito ang sinabi, hindi kami pumayag. "That’s what he told me. Ang alam ko wala na sila," na lang ang nasabi nito.

Good school (International Montessori School for elementary) and The British School Manila (for high school) galing si Nicole and no wonder, she’s very articulate. She’s also graduating from high school two years ahead dahil twice siyang accelerated. Balak niyang sa States mag-enroll ng college.

Nangako si Nicole sa manager niyang si Annabelle Rama na gagawin ang lahat para hindi ito ma-disappoint sa kanya. Sa SOP Gigsters napapanood ang dalagita at gusto rin nitong mag-active sa showbiz kung mabibigyan ng chance.
* * *
Ang dami palang online fans ni Harry Santos, ang first semi-finalists sa Pinoy Pop Superstar. Sila ‘yung walang time manood sa taping ng singing search at no chance makita ng personal ang singing champion at tuwing Sabado lang siya napapanood.

Tuwang-tuwa sila sa mala-celebrity treatment ng GMA-7 kay Harry kahit semi-finalists palang siya. Sunud-sunod nga naman ang guesting ng bagets sa iba’t ibang TV show ng istasyon at hindi kami magugulat kung kahit halimbawa’y hindi pa siya ang tanghaling champion ay ikontrata siya sa Siete.

Napapansin lang namin na puro songs ni Josh Groban ang kinakanta ni Harry. Ano kaya ang tunog niya kung hindi Groban song ang kanyang kinakanta? Sana, subukan naman niyang kumanta ng songs ng ibang singers.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BRAD AND I

BRAD TURVEY

BRITISH SCHOOL MANILA

HARRY SANTOS

INTERNATIONAL MONTESSORI SCHOOL

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with