^

PSN Showbiz

Ba't sa ABS-CBN ipalalabas ang Star Olympics ng KAPPT eh taga-GMA ang pangulo nito na si Kuya Germs?

- Veronica R. Samio -
Ang tagal-tagal nang ipinamamayani ni German "Kuya Germs" Moreno ang kanyang pagiging isang loyalist ng GMA7. Katunayan, marami na rin siyang tinanggihang offer na lumipat ng network dahil katwiran niya ay sa GMA siya nagsimula, dito na siya aabutin ng kanyang pagreretiro.

Pero, marami ang nagtataka kung bakit pumayag itong sa ABS CBN ipalabas ang gaganaping Star Olympics sa Setyembre ng KAPPT, ang organisasyon ng mga artista na siya ang kasalukuyang pangulo? Bakit hindi sa GMA7 eh, taga-Siete siya?

"Una raw itong inalok ng Airtime Marketing (ang nagpu-prodyus ng taunang sports event ng mga artista) sa GMA 7 pero, tinanggihan daw ito dahil sa wala itong oras. Nang ialok naman ito sa ABS CBN ay tinanggap ito," anang Master Showman nang aking sadyain sa kanyang madaling araw na programa.

"Wala rin daw magiging problema sa mga taga-GMA na artista na sasali sa Star Olympics dahil papayagan daw sila ng network, ayon naman kay Ms. Wilma Galvante, isang top exec ng GMA na kinausap ni Kuya Germs tungkol sa palaro na itataguyod ng kanyang organisasyon. Marami kasi ang curious na dahil ipalalabas ito sa kalabang network ay baka hindi papaglaruin ng GMA ang kanilang mga artista dito. But Kuya Germs was assured of their participation.

Ang Star Olympics ay gaganapin sa Araneta Coliseum.
* * *
Araw ng Maynila pala ang birthday ni John Lloyd Cruz, June 24. Dahil dito, isang presscon ang ipinatawag ng Star Magic para sa kanya na itinuturing na isang prized artist ng network sa kabila ng iisa lamang ang regular program nito sa ABS CBN, ang Ikaw Ang Lahat sa Akin na kung saan ay tampok ang loveteam nila ni Bea Alonzo, kasama na sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.

Sinabi ni Lloydy, palayaw sa kanya na kagustuhan niya na maging maluwag ang sked niya bagaman at paminsan-minsan ay napapanood siya sa ASAP, lalo’t mayro’n ipinagdiriwang ang istasyon o ang alin man sa kanilang mga artista ng network.

"Gusto kong bukas ang araw ng Linggo para sa akin dahil gusto kong ilaan ang araw na ito para sa amin ng pamilya ko. Gusto ko silang nakikita in a regular basis. Gusto ko rin na mag-malling kasama sila o kahit basta mag-drive around lang o mag-simba.

"Isang paraan na rin ito ng self-preservation ko. Ayaw kong ma-burn out. Gusto ko ang Linggo ay walang trabaho, walang pressure at pa-easy-easy lang."

At 22, nakatutuwang napaka-mature na ng pag-iisip ni Lloydy. Napaka-simple din ng birthday wish niya. "Bigyan lang ako ng day off, okay na," sabi niya.
* * *
Magsasagawa ng isang seminar ang Hairdressers and Cosmetologists Association of the Philippines (HACAP) na pinamumunuan ni Ms. Tessie Atienza.

Pinamagatang Hair Intimates 2005, magaganap ito sa June 28 sa Cuba Libre, 2nd Flr. ng Star Mall, Edsa cr. Shaw Blvd., Mandaluyong City. Project chairman si Josie Vivar sa tulong ng Wella Philippines.

Tampok sa event ang mga hairstyles and techniques ni Ms. Andrea Zulueta ng Piandre Salon at isang grad ng Vidal Sasoon Academy in London. Kasama rin si Ms. Gloria Dela ng Wella na magpapakita ng latest perming techniques.

Admission is free to HACAP members, may minimal fee na hihingin sa mga non-members.

Ipalalabas ng HACAP ang Beauty & Hair Showcase sa Calamba, Laguna sa Set. 8 at ang Hair Vanity sa Bulacan sa Oktubre.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 7314372 (Ms. Atienza); 9115584 (Ms.Vivar).

AIRTIME MARKETING

ARANETA COLISEUM

BEA ALONZO

BUT KUYA GERMS

CLAUDINE BARRETTO

CUBA LIBRE

DIETHER OCAMPO

KUYA GERMS

STAR OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with