^

PSN Showbiz

Beth, adviser ni Rochelle

-
Na-touched si Beth Oropesa noong malamang ang Sexbomb Girls ang humiling sa Focus E. Inc. at manager na si Joy Cancio na kunin uli siyang nanay sa Season 8 ng sikat na Daisy Siete. Nagtataka kasi ang marami, bakit si La Oro muli ang nanay ng magagandang Sexbomb Girls. Madali raw kausap at nagbibigay pa ng pointers sa pag-arte ang Bikolanang actress.

Papel ng isang Igorota ang role ni Beth na na-in love kay Daniel Fernando na may iba namang pag-ibig sa Maynila, played by Evangeline Pascual.

Isa pang maganda kay Beth, very professional siya. Akalain mo bang sa Season 7 nila, pumayag siyang humiga sa ataul? May choice sana siyang tumanggi, ayon kay Direk Pat Perez. Subalit mismong si Beth ang nagsabing kung ikagaganda at maging makatotohanan, why not? Nagulat nga si Delia Razon sa lakas ng loob ng aktres. Ang hindi alam ng marami, takot na takot pala si Beth nang mahiga na pero ayaw magpahalata.

Bilang Igorota sa Season 8, katulong ang ginampanan niya para magkaroon ng hanapbuhay silang mag-ina. Ang gumanap namang senyora ay si Raquel Montesa.

Maraming nagsasabi, magkahawig daw sina Beth at Rochelle Pangilinan, isa sa mga bida ng Daisy Siete. Naging close nga sila dahil sa tagal ng taping. Lalo na noong nasa Baguio sila. Minsan nga, hindi lang pag-arte ang itinuturo niya sa Sexbomb kundi ang pagharap sa katotohanan tungkol sa pag-ibig.

"Yung tama lang naman ang advice ko sa kanila. Kailan man, hindi ko ginawang biro ang pag-ibig," say ni Beth. Ewan lang, kung anong payo niya sa lovers na sina Rochelle at Alfred Vargas. — Vir Gonzales

vuukle comment

ALFRED VARGAS

BETH

BETH OROPESA

BILANG IGOROTA

DAISY SIETE

DANIEL FERNANDO

DELIA RAZON

DIREK PAT PEREZ

EVANGELINE PASCUAL

SEXBOMB GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with