^

PSN Showbiz

Rufa Mae at Rudy Hatfield, nag-reconcile

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kaya pala masaya na naman at iba ang aura ni Rufa Mae Quinto ngayon ay dahil nagkikita na naman sila ng dating boyfriend na si Rudy Hatfield. Nagkahiwalay ang dalawa kamakailan dahil gusto ng ex-boyfriend na isama na sa Amerika ang aktres para dun na permanenteng manirahan. Kaso hindi pumayag si Rufa Mae dahil sa maiiwang career sa bansa.

Pero sa tindi ng pagmamahal ng dalawa ay di nila kayang mawala ang isa’t isa.

Ayon sa isang reliable source, nakitang nag-date sina Rufa Mae at Rudy sa isang resto somewhere in Ortigas last Wednesday. Napaka-sweet ng dalawa kaya di malayong magkabalikan uli sila.
Ratsada Ang Career
Si Rica Peralejo yata ang artista na takot magpa-lipo. Kahit exchange deal pa ito y talagang hindi niya kaya. Nami-maintain nito ang kaseksihan dahil regular ang pagwo-work-out nito sa cardiovascular biking for losing weights and burning fats. Mayroon din itong special kind of diet gaya ng chicken breast, hard boiled egg at wheat bread.

Bukod sa kanyang mga shows sa abroad ay hindi naman siya nawawala sa telebisyon at tiyak na hahangaan ang acting nito sa Maalaala Mo Kaya this week sa episode na Babymaker.

Tampok din ito sa suspense thriller na Dilim na isang digital film at kasalukuyang nagsusyuting ng Hari ng Sablay katambal si Bearwin Meily.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

"May mga nanliligaw naman, kaya lang pahinga muna ako. Sana naman may prinsipeng manligaw sa akin. Type ko to!" biro pa ng aktres.

Sa apat na taong relasyon nila ni Bernard Palanca ay marami siyang natutunan gaya ng pagiging responsible. "I’m 24 years old at feeling ko ay ngayon pa lang ako nagi-enjoy sa pagiging dalaga," sey pa nito.

Isa si Rica sa walang kaarte-arte sa katawan at marunong makisama kaya di nailang sa kissing scenes nila ni Bearwin.
Kinuhang Ninong Sa Anak Ni Bearwin
Marunong tumanaw ng utang na loob si Bearwin Meily. Pinahahalagahan nito ang malaking naitulong ni John Estrada sa kanya noong alalay pa siya ng aktor. Pina-ekstra-ekstra siya nito sa Palibhasa Lalaki at isinama sa Star Olympics noong 1994 hanggang sa madiskubre. Ngayon, mas marami pa siyang proyekto kaysa kay John at bida na ngayon sa Hari ng Sablay bukod pa sa maraming TV show sa Siete.

"Hindi naman nawawala ang pagiging mabuti naming magkaibigan. Katunayan, kinuha ko pa nga siyang ninong sa binyag ng anak ko na si Federico Manuel sa darating na July 10 kasama si Richard Gomez, Calvin Millado, Benjie Paras, Perry Deen at Direk Rico Gutierrez," aniya.

Sa kabilang banda, hindi naman negatibo sa kanya ang titulong Hari ng Sablay sa takot na baka sumablay ang movie sa takilya.

"Baka nga maging hari ito ng patok na nangangahulugang kikita sa takilya dahil maganda ang pelikula at klik ang tambalan namin ni Rica. Bukod sa katatawanan ay may puso din ito," dagdag pa ng aktor.
Zoren, Pasok Na Sa Encantadia
Makakasama na sa Encantadia si Zoren Legaspi bilang si Bagwis na role nito sa Mulawin.

Isa si Zoren sa mga artistang napaka-propesyonal mapa-pelikula man o mapa-television. Dedicated ito sa trabaho at never pang nagreklamo kahit sa mahihirap na eksena.

Kaya sabi nga ng aking source ay talagang maswerte si Carmina Villaroel dahil responsible ito at kayang magdala ng pamilya. Hindi ito mahilig sa nightlife at mas gusto pang manatili sa bahay para tingnan ang kanyang kambal.
BLIND ITEM: Walang Pagpapahalaga Sa Reporter?
Naikwento ng isang kasamahang writer ang ginawa ng isang sikat na actor politician sa isang reporter na matagal na rin sa showbiz.

Nagpunta ito sa isang live afternoon program dala-dala ang mga write-ups ng aktor. Nang matapos ang programa ay dali-dali niyang sinundan ang actor-politician para ibigay ang kanyang mga write-ups. Dali-daling sumakay ng sasakyan ang aktor na komedyante rin at sa paghabol ng writer ay nasagi pa ito ng sasakyan kung saan dinedma yata ito at pinaharurot pa ang sasakyan.

Tanong tuloy ng mga kasamahan sa showbiz kung nagbago na nga ba ng pag-uugali ang actor-politician na ito na host ng isang noontime show?

BEARWIN MEILY

CENTER

HARI

ISANG

NAMAN

RUFA MAE

SABLAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with