^

PSN Showbiz

Kris, nag-effort kay James

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ipinakilala na ni James Yap si Kris Aquino sa kanyang immediate family at mga kamag-anak. Last Saturday, dinala ni James si Kris sa Escalante, Negros Occidental to meet his folks. Umaga kahapon ng Linggo sila bumalik para hindi mag-absent sa The Buzz si Kris at para rin maihabol ang coverage nang pagbisita niya sa lugar ng fiancé sa Sunday show nila nina Boy Abunda at Cristy Fermin.

Sabi ng aming source, seryoso raw talaga ang relasyon ng dalawa’t nag-effort si Kris na kilalanin ang pamilya ni James this early. Naniniwala rin ang source namin na kung ‘yung iba’y may dudang matutuloy ang kasal nina Kris at James, siya’y, naniniwalang sa kasalan magwawakas ang high profile romance.

Nauna rito’y, nakipag-meeting na sina Kris at James sa big bosses ng ABS-CBN para sa exclusive coverage ng church wedding nila sa February 6, 2006.
* * *
Isa sa mga bagong talent ni Annabelle Rama si Katarina Perez. Five years ang pinirmahang kontrata ng 17-year-old young star kay Annabelle, patunay daw na malaki ang tiwala niya sa kanyang manager at hindi siya natatarayan nito.

Kundi napunta kay Annabelle si Katarina, hindi pa namin malalamang Grundstrom ang totoong family name niya at sa Milano, Italy siya ipinanganak. Narinig din naming binanggit ng mother nito na may dugong Swiss ang dalaga’t, half-Swiss ang daddy niya.

Nilinaw pala ni Katarina ang dating sa aming may bitterness siya’t five years na siyang naghihintay na dumating ang big break sa kanya.

"Hindi ako bitter at hindi rin ako nagmamadali. Kung para sa akin ang showbiz, kahit ‘di ko pilitin, naniniwala akong darating din ang suwerte ko sa tamang oras at panahon," sabi nito.

With Annabelle as her manager, umaasa si Katarina na muli siyang makagawa ng pelikula. Her first movie was Agimat with Bong Revilla at matagal na ‘yun. Gusto niyang ipakitang hindi lang siya pang-TV at pwedeng-pwede siya sa movies.

Maganda’t matangkad si Katarina at kung maaalagaan ng husto’y malaki ang posibilidad na sumikat. Regular siyang napapanood sa Idol Ko Si Kap at semi-regular sa SOP Gigsters.
* * *
Dahil consistent top rater, iniintriga na ang cast ng Bahay Mo Ba ‘To ng GMA-7. Pinakahuling ginagawan ng isyu ay si Tessie Tomas. Pinapalabas na nai-insecure ito sa mga magagaling ding kasama dahil minsan daw ay napag-iiwanan.

Mabuti’t tinatawanan lang ni Tessie ang tsikang ito at siya pa ang nagsasabing very harmonious ang relasyon niya sa buong cast. Masaya’t magaan daw ang kanilang trabaho kaya, madali silang natatapos mag-taping.

May nagkwento sa aming bawal ang late mag-report sa taping ng sitcom at may fine ang nali-late. Walang gustong mag-fine sa cast kaya, paagahan sila ng dating.

Isa ang Bahay Mo Ba ‘To sa mga sitcom ng Ch. 7 na mula nang magsimulang mag-air hanggang ngayon ay hindi pa natatalo ng mga katapat na show.

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BAHAY MO BA

BONG REVILLA

BOY ABUNDA

CRISTY FERMIN

IDOL KO SI KAP

KATARINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with