Show ng ABS-CBN sa LA, wala pang venue
June 20, 2005 | 12:00am
Bumalik na rin sa bansa si Eddie Gutierrez. Sumama kasi noon si Eddie sa anak na si Richard nang magbakasyon pagkatapos ng Mulawin at nang tanungin siya kung kailan siya babalik sa Pilipinas, kapag daw may bago siyang project na gagawin sa GMA-7. Kaya nang makita namin siya sa launching ng asawang si Annabelle Rama ng mga talents niya na dumating siya, sinabi niyang bumalik na siya dahil tinawagan na siya ng GMA-7. Makakasali na raw siya sa telefantasiyang Encantadia.
Gagampanan pa rin niya ang dati niyang role sa Mulawin, si Dakila. Papasok na kasi talaga ang mga Mulawin sa Encantadia. Nauna nang pumasok si Romnick Sarmenta bilang tagapangalaga ni Danaya (Diana Zubiri). Hindi pa lamang alam ni Eddie kung ano ang gagawin niya as Dakila.
May balita noon na gustong kunin ng ABS-CBN ang mga talents ni Annabelle na sina JC de Vera, Era Madrigal at ang anak niyang si Raymond. Kahit ang bunso niyang si Paul Gutierrez, akala namin ay doon na rin dadalhin ni Annabelle. Pero nang makausap namin si Paul, sinabi niyang kahit daw naka-graduate siya sa Regal-DGI Acting Workshop, hindi muna niya gustong mag-artista, mas gusto niyang mag-concentrate sa kanyang singing. May ginagawa na siyang isang rap album ngayon na ipu-produce ng older brother na si Richard, inihahanap na raw lamang nila ito ng record label. Siya mismo ang sumusulat ng mga songs niya, at nai-record na niya ang kanyang first single, ang "Get Nasty."
Si JC de Vera naman ay matatapos na ang contract sa GMA sa July pero hindi pa muling pumipirma ng panibagong contract si Annabelle para sa kanya. After ng Now and Forever, isa pa lamang ang bagong project ni JC, ang Sugo, kaya makikipag-usap daw muna siya sa GMA Network kung may iba pang project silang ibibigay kay JC. Hindi pa raw nakikipag-usap si Annabelle sa ABS-CBN. Hindi rin niya basta ibibigay ang mga talents niya sa kanila kung walang malinaw at magandang projects na ibibigay sa kanila.
Tuluy na tuloy na ang pagtapat ng ABS-CBN sa mga shows ng Kapuso Network sa Los Angeles (July 16) at San Francisco (July 23), to launch their international cable TV, ang GMA Pinoy TV. Bukod sa ASAP 05, live din na mapapanood dito sa atin ang presentation nila ng The Buzz doon. Napansin lamang namin, bakit wala pa silang venue sa press release nila kung saan sila magso-show?
Wala naman palang problema kung hindi man natuloy ang pagpapakasal ni Gladys Guevarra at ng boyfriend niyang doctor dahil sila pa rin namang dalawa ngayon. Mas pinaplano raw nila ang gagawin nila, di tulad noon na basta nila inisip na magpakasal, samantalang pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho.
Magkababata at magkaklase sina Gladys at Dr. Ted sa kanila sa Olongapo. Kung kumakanta na siya noon, si Doc naman ay siya niyang keyboardist. Nagkahiwalay daw lamang sila noong mga bata pa sila nang pumunta ng Maynila si Doc para nga mag-aral ng Medicine. Nang muli silang nagkita, doctor na ang boyfriend at since then, naging sila ng dalawa, four years na silang mag-sweetheart.Hindi naman daw siya pinipigilan ni Dr. Ted sa kanyang pagkanta at pag-aartista.
Napasok si Gladys sa Eat Bulaga on October, 2000. Noong una nga raw, ayaw pa siyang tanggapin ni Malou Choa-Fagar dahil ang alam daw nito, maldita siya, pero in-assure daw ni Boy Abunda, ang manager niya noon, na mabait at mahusay talagang kumanta si Gladys.
Happy siya na bukod sa Eat Bulaga at sa mga shows niya, may bago siyang movie ngayon. Second movie na ni Gladys ang Tay, I Have A Question ng MaQ Productions at APT Entertainment, na pinangungunahan nina Vic Sotto at BJ Tolits Forbes. Nauna niyang movie ang Pangarap Kong Ibigin Ka with Christopher de Leon and Regine Velasquez sa Viva Films.
Gagampanan pa rin niya ang dati niyang role sa Mulawin, si Dakila. Papasok na kasi talaga ang mga Mulawin sa Encantadia. Nauna nang pumasok si Romnick Sarmenta bilang tagapangalaga ni Danaya (Diana Zubiri). Hindi pa lamang alam ni Eddie kung ano ang gagawin niya as Dakila.
Si JC de Vera naman ay matatapos na ang contract sa GMA sa July pero hindi pa muling pumipirma ng panibagong contract si Annabelle para sa kanya. After ng Now and Forever, isa pa lamang ang bagong project ni JC, ang Sugo, kaya makikipag-usap daw muna siya sa GMA Network kung may iba pang project silang ibibigay kay JC. Hindi pa raw nakikipag-usap si Annabelle sa ABS-CBN. Hindi rin niya basta ibibigay ang mga talents niya sa kanila kung walang malinaw at magandang projects na ibibigay sa kanila.
Magkababata at magkaklase sina Gladys at Dr. Ted sa kanila sa Olongapo. Kung kumakanta na siya noon, si Doc naman ay siya niyang keyboardist. Nagkahiwalay daw lamang sila noong mga bata pa sila nang pumunta ng Maynila si Doc para nga mag-aral ng Medicine. Nang muli silang nagkita, doctor na ang boyfriend at since then, naging sila ng dalawa, four years na silang mag-sweetheart.Hindi naman daw siya pinipigilan ni Dr. Ted sa kanyang pagkanta at pag-aartista.
Napasok si Gladys sa Eat Bulaga on October, 2000. Noong una nga raw, ayaw pa siyang tanggapin ni Malou Choa-Fagar dahil ang alam daw nito, maldita siya, pero in-assure daw ni Boy Abunda, ang manager niya noon, na mabait at mahusay talagang kumanta si Gladys.
Happy siya na bukod sa Eat Bulaga at sa mga shows niya, may bago siyang movie ngayon. Second movie na ni Gladys ang Tay, I Have A Question ng MaQ Productions at APT Entertainment, na pinangungunahan nina Vic Sotto at BJ Tolits Forbes. Nauna niyang movie ang Pangarap Kong Ibigin Ka with Christopher de Leon and Regine Velasquez sa Viva Films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended