Ayaw magpa-lipo!
June 19, 2005 | 12:00am
Enjoy si Sunshine Dizon sa fight scenes nito sa Encantadia kung saan nag-undergo ito ng fight routines. Minsan, nakakatama siya sa kanyang kalaban ng kanyang mahabang espada kapag may maaksyong eksena.
Nang umuwi ito ng Iloilo kamakailan para sa kanilang family reunion ay tinatawag siyang Pirena lalo na nang magtungo siya sa mall dahil ito ang kanyang karakter sa fantaserye.
"Maldita ako rito pero di makuhang mainis ng mga tao kapag nakikita at nakakausap ako ng personal dahil masayahin ako at laging nakabungisngis," aniya.
Anim ang costumes na ginagamit nito sa Encantadia kung saan pumupunta na siya sa mundo ng mga tao. Nababawasan na ng timbang ang aktres at kahit sinabing nagpa-lipo siya ay takot naman siyang magparetoke ng mukha. "Kapag feeling kong nade-demoralize ako o kayay sobra ang pagod sa magdamagang taping ay kumakanta na lang ako ng Christian song," sey pa nito.
Kakaibang love story ang napanood namin sa Nasaan Ka Man ng Star Cinema. May twist at bukod sa love story ay hinaluan ito ng suspense. Magaling na direktor si Cholo Laurel.
Magagaling ang lahat ng artista at bagay na bagay sina Claudine Barretto at Jericho Rosales. Damang-dama mo bilang manonood ang tapat nilang pagmamahalan. Isang malaking rebelasyon si Diether Ocampo na lumabas na kontrabida. Nailarawan niya ito ng buong husay kaya nagkakaisa sa pagsasabi ang mga manonood na baka makakuha siya ng acting award.
Natutuwa kami at balik-programa ng Pilipinas Ngayon Na ang aming kaibigang si Press Undersecretary Robert Rivera.
Maganda ang naging talakayan noong Miyerkules kung saan naging guest si Commissioner Alipio Fernandez. Nalaman ng mga manonood ang mga patakaran sa overstaying at deportation na mahalagang malaman ng isang dayuhang turista.
Mapapanood ang Pilipinas Ngayon Na tuwing Miyerkules 5-6 PM sa Channel 4.
Hindi lang pala si Chinchin Gutierrez ang mahilig makipag-usap sa mga hayop, puno at mga halaman kundi isa ring aktres na ang kinakausap naman ay ang kanyang sarili.
Ayon sa aking source, isang tagahanga ang nakasaksi nito kung saan natawa siya sa ginawa ng young actress. Wala naman daw itong hawak na script kung saan pwedeng sabihing nagme-memorize ito.
Ang magandang aktres ay mainstay ng isang programa sa telebisyon.
Nang umuwi ito ng Iloilo kamakailan para sa kanilang family reunion ay tinatawag siyang Pirena lalo na nang magtungo siya sa mall dahil ito ang kanyang karakter sa fantaserye.
"Maldita ako rito pero di makuhang mainis ng mga tao kapag nakikita at nakakausap ako ng personal dahil masayahin ako at laging nakabungisngis," aniya.
Anim ang costumes na ginagamit nito sa Encantadia kung saan pumupunta na siya sa mundo ng mga tao. Nababawasan na ng timbang ang aktres at kahit sinabing nagpa-lipo siya ay takot naman siyang magparetoke ng mukha. "Kapag feeling kong nade-demoralize ako o kayay sobra ang pagod sa magdamagang taping ay kumakanta na lang ako ng Christian song," sey pa nito.
Magagaling ang lahat ng artista at bagay na bagay sina Claudine Barretto at Jericho Rosales. Damang-dama mo bilang manonood ang tapat nilang pagmamahalan. Isang malaking rebelasyon si Diether Ocampo na lumabas na kontrabida. Nailarawan niya ito ng buong husay kaya nagkakaisa sa pagsasabi ang mga manonood na baka makakuha siya ng acting award.
Maganda ang naging talakayan noong Miyerkules kung saan naging guest si Commissioner Alipio Fernandez. Nalaman ng mga manonood ang mga patakaran sa overstaying at deportation na mahalagang malaman ng isang dayuhang turista.
Mapapanood ang Pilipinas Ngayon Na tuwing Miyerkules 5-6 PM sa Channel 4.
Ayon sa aking source, isang tagahanga ang nakasaksi nito kung saan natawa siya sa ginawa ng young actress. Wala naman daw itong hawak na script kung saan pwedeng sabihing nagme-memorize ito.
Ang magandang aktres ay mainstay ng isang programa sa telebisyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended