Imbes panoorin mo si Gary V sa stage, nakatingin ka na lang sa giant screens!
June 19, 2005 | 12:00am
Dapat magkaroon ng repeat ang Gary V 22 concert series sa Music Museum. Noong Biyernes, Hunyo 17 ang supposed to be last day nito, pero marami pa ang hindi nakapanood at marami pa rin ang gustong manood muli.
Kung nitong nakaraang dalawang dekada ay tinawag nating Mr. Pure Energy si Gary V, tatawagin naman ninyo siya ngayon ng Mr. Pure Feelings kung napanood ninyo ang Gary V 22 show.
Ibang klase kasi ang concert na ito kaysa sa mga nakaraang palabas niya na tinatangkilik natin. This most recent show kasi, higit na maraming mga ballads o slow numbers ang kanyang repertoire.
Sa simula ng show, sabi ni Gary V, dalawang oras ang kanyang palabas. Pero magtatatlong oras na pala tumatagal ito, hindi pa namin namalayan. Talaga naman kasing very entertaining ang show, kahit sabihin pang konti lang ang mga fast numbers na kung saan, kailangan niyang humataw ng husto sa entablado.
Kapansin-pansin ang bigay-todong emosyon ni Gary V sa bawat kanta tulad ng "Sana Maulit Muli", "Take Me Out Of The Dark", "Each Passing Night", "I Will Be Here", "What More Can I Say", "Hang On" at "Warrior Is A Child."
Damang-dama ng audience na galing sa puso ni Gary V ang bawat titik at himig ng mga kanta. Kaya naman ang tama ng bawat performance ni Gary V ay diretso rin sa puso ng mga manonood.
Napatunayan lamang ni Gary V sa kanyang bagong concert na kahit hindi siya masyadong gumalaw sa stage, kahit purong emosyon ang dulot niya sa kanyang audience, pinapalakpakan pa rin siya ng husto at minamahal. Kahit nga mga lalaki sa Music Museum sumisigaw ng "I love You, Gary V!"
Natawa tuloy si Gary. Kasi unusual nga naman na maging very vocal ang mga kapwa niya lalaki sa pag-appreciate ng kanyang palabas.
Siyempre naman umuugong talaga ang applause kapag nagsayaw na si Gary. Dalawang production numbers ang maituturing na showstoppers sa Gary V 22. Una ang performance niya with the Star Dance finalist ng ABS-CBN at ang pinakapaborito ng crowd, his "Shout For Joy" rendition with son Gabriel dancing with him.
Ang tanging reklamo lang sa show ay ang sobrang giant screens sa stage. Maaari talagang gamitin ang mga yon kapag pinapakita noong nagsisimula pa lang si Gary sa showbiz.
Pero ang gamitin lahat ng screens at ipakita si Gary V mismo onstage, istorbo. Talagang nakaka-distract ng attention. Kung minsan tuloy sa halip na panoorin si Gary V, doon ka sa mga giant screens titingin.
Natatandaan ko pa nang manood kami ng Norah Jones concert sa Araneta Coliseum. Ayaw ng international singing star ang dalawang giant screens on both sides of the stage. Kasi nga naman, pati siya na-distract, ang audience pa kaya ang hindi maiinis?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended