Dahil hindi paborito ng Dos, pupunta na lang ng London at mag-aaral
June 18, 2005 | 12:00am
Last episode na ni Niña Corpuz kagabi, Biyernes sa TV Patrol World bilang segment host ng Star Patrol dahil paalis na siya patungong London para mag-aral.
Last year pa naka-schedule ang pag alis ni Niña para sa natanggap na scholarship sa London, pero pinigilan siya ng ABS-CBN Chairman at CEO Gabby Lopez at sinabing bibigyan siya ng shows.
Hindi naman itinatanggi ng magandang TV host/reporter na gusto rin niyang may mangyari sa career niya kaya ipinagpaliban muna niya ang pag-aaral at tinupad naman ni Mr. Gabby ang pangako.
Napabilang si Niña sa Showbiz #1 at Magandang Umaga Bayan bukod pa sa Star Patrol, pero mukhang hindi paborito si Niña ng ilang executives sa News Department ng Dos dahil inalis siya sa MUB dahil nag-reformat ito, nawala rin siya sa Showbiz #1 dahil nag-reformat din.
At dahil sa mga pangyayaring ito ay senyales na marahil na ituloy ni Niña ang matagal na niyang balak na mag-aral sa ibang bansa na siya niyang gagawin.
May isang bitchy reporter kaming nakausap na taga-Dos, "Hindi kasi malapit si Niña sa mga bossing, hindi siya marunong maglambing, may boyfriend kasi siya kaya dedma siya sa mga parinig na type siya ng mga ito."
Samantala, hindi pa alam ni Niña kung sino ang papalit sa kanya, pero kung siya raw ang tatanungin ay okey na si Marie Lozano dahil may experience na ito bukod kay Mario Dumaual.
Kamuntikan na palang mapikon ang Arabong may-ari ng kamel kina Ara Mina, Rufa Mae Quinto at Aubrey Miles nung isuka nila ang pinainom sa kanilang gatas nito na part ng challenges nila para sa Dubai episode ng Extra Challenge.
Ayon sa kuwento ng grupo ng programa sa Dubai ay halos sambahin ng mga Arabo ang mga alaga nilang hayop, particular ang kamel na nagagamit nila sa paglalakbay at nakakatulong sa pagbibigay ng gatas.
E, hindi naman siguro aware ang Arabo na hindi sanay uminom ng gatas ng hayop ang naggagandahang dilag, kayat nung painumin ang tatlo ay nagsusuka at talagang isa sa kanila ay nag-alburoto.
"Sobrang panghi kasi nung gatas ng kamel, malay ba namin mapanghi pala yun, siyempre hindi sanay ang mga Pinoy don na-offend yung Arabo, kasi nga naman sila, sarap na sarap, tayo naman isinusuka natin," kuwento sa amin.
Pero puring-puri ng grupo ang ganda ng Dubai lalo na nung pinatulog sila sa gitna ng disyerto at pinapanood ang pagsikat ng araw habang hindi pa lumulubog ang buwan.
At bilang pampalubag nina Ara, Aubrey at Rufa Mae sa mga taga-Dubai ay nagpakita sila ng galing nila sa belly dancing, in fairness, tinalbugan nila ang mga seksing kadalagahan sa Dubai.
Gaano katotoo na may kumakalat daw na poison e-mail sa mga empleyado ng ABS-CBN particular na sa mga bossing?
Pinagkakaguluhan daw ang poison e-mail na ito at pina-print at pina-xerox pa yung iba?
Galing daw ito kay Erwin Tulfo dahil bitter daw ito ngayon sa nangyayari sa career niya as tv host sa Dos.
Isa-isa na raw kasing tinanggal ang mga show niya, wala na siya sa MUB na MUP na ngayon, wala na raw pag- asang buhayin ang Mission X, tsinugi na sila ni Bernadette Sembrano sa Insider at sina Atty. Dong Puno at Ces Drilon na ang pumalit at tinanggal na rin daw ang radio program niya sa DZMM.
Say mismo ng taga- Dos, "Self destructive na ang nangyayari kay Erwin because of that e-mail."
Binalikan namin ng tanong ang aming kausap kung paano niya nasigurong galing nga kay Erwin ang poison e-mail?
"Na-trace, galing sa workdesk niya," mabilis na sagot sa amin.
Well, any feedback from Erwin Tulfo na binansagang tough guy ng ABS-CBN? Reggee Bonoan
Last year pa naka-schedule ang pag alis ni Niña para sa natanggap na scholarship sa London, pero pinigilan siya ng ABS-CBN Chairman at CEO Gabby Lopez at sinabing bibigyan siya ng shows.
Hindi naman itinatanggi ng magandang TV host/reporter na gusto rin niyang may mangyari sa career niya kaya ipinagpaliban muna niya ang pag-aaral at tinupad naman ni Mr. Gabby ang pangako.
Napabilang si Niña sa Showbiz #1 at Magandang Umaga Bayan bukod pa sa Star Patrol, pero mukhang hindi paborito si Niña ng ilang executives sa News Department ng Dos dahil inalis siya sa MUB dahil nag-reformat ito, nawala rin siya sa Showbiz #1 dahil nag-reformat din.
At dahil sa mga pangyayaring ito ay senyales na marahil na ituloy ni Niña ang matagal na niyang balak na mag-aral sa ibang bansa na siya niyang gagawin.
May isang bitchy reporter kaming nakausap na taga-Dos, "Hindi kasi malapit si Niña sa mga bossing, hindi siya marunong maglambing, may boyfriend kasi siya kaya dedma siya sa mga parinig na type siya ng mga ito."
Samantala, hindi pa alam ni Niña kung sino ang papalit sa kanya, pero kung siya raw ang tatanungin ay okey na si Marie Lozano dahil may experience na ito bukod kay Mario Dumaual.
Ayon sa kuwento ng grupo ng programa sa Dubai ay halos sambahin ng mga Arabo ang mga alaga nilang hayop, particular ang kamel na nagagamit nila sa paglalakbay at nakakatulong sa pagbibigay ng gatas.
E, hindi naman siguro aware ang Arabo na hindi sanay uminom ng gatas ng hayop ang naggagandahang dilag, kayat nung painumin ang tatlo ay nagsusuka at talagang isa sa kanila ay nag-alburoto.
"Sobrang panghi kasi nung gatas ng kamel, malay ba namin mapanghi pala yun, siyempre hindi sanay ang mga Pinoy don na-offend yung Arabo, kasi nga naman sila, sarap na sarap, tayo naman isinusuka natin," kuwento sa amin.
Pero puring-puri ng grupo ang ganda ng Dubai lalo na nung pinatulog sila sa gitna ng disyerto at pinapanood ang pagsikat ng araw habang hindi pa lumulubog ang buwan.
At bilang pampalubag nina Ara, Aubrey at Rufa Mae sa mga taga-Dubai ay nagpakita sila ng galing nila sa belly dancing, in fairness, tinalbugan nila ang mga seksing kadalagahan sa Dubai.
Pinagkakaguluhan daw ang poison e-mail na ito at pina-print at pina-xerox pa yung iba?
Galing daw ito kay Erwin Tulfo dahil bitter daw ito ngayon sa nangyayari sa career niya as tv host sa Dos.
Isa-isa na raw kasing tinanggal ang mga show niya, wala na siya sa MUB na MUP na ngayon, wala na raw pag- asang buhayin ang Mission X, tsinugi na sila ni Bernadette Sembrano sa Insider at sina Atty. Dong Puno at Ces Drilon na ang pumalit at tinanggal na rin daw ang radio program niya sa DZMM.
Say mismo ng taga- Dos, "Self destructive na ang nangyayari kay Erwin because of that e-mail."
Binalikan namin ng tanong ang aming kausap kung paano niya nasigurong galing nga kay Erwin ang poison e-mail?
"Na-trace, galing sa workdesk niya," mabilis na sagot sa amin.
Well, any feedback from Erwin Tulfo na binansagang tough guy ng ABS-CBN? Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am