ABS-CBN,sumagot na kay Hero !
June 17, 2005 | 12:00am
Mabuti naman at kahit papano ay sumagot na ang ABS-CBN sa kaliwat kanang pagpapainterbyu ni Henry Angeles, ang manager ni Hero Angeles. Aba, nakakaloka ang sunud-sunod na pagpapainterbyu sa print at TV nitong si Henry.
Sa rami ng mga isyu ni Henry sa ABS-CBN, kinailangan na talagang sumagot ng management. Sinagot ng ABS-CBN ang mga isyu na ni-raise nitong si Henry sa isang broadsheet, tungkol sa pagkawala nito sa dalawang programa ng Dos.
Talagang naloka ako sa pananahimik ng ABS-CBN. Until last Wednesday evening, nakatanggap ako ng statement na sinasagot ang mga isyu ni Henry.
Nitong mga huling araw, madalas kong makita ang ama ni Hero sa ABS-CBN compound. May dala-dala itong mga sulat para sa mga boss ng network. Ang mga sulat mula sa abogado ng pamilya. Mukhang si Mr. Angeles ang na-assign na mag-route ng mga letters. Habang ang magkapatid na Hero at Henry ay naghihintay sa lobby ng building at sarap na sarap sa kinakain nilang ice cream.
Marami na akong nakadaupang-palad na mga artista at manager. Mga sikat na artista at mga respetadong managers. Oo ngat nagkakaroon ng problema minsan sa mga ito, pero naaayos. Kaya nga hahangaan mo ang mga respetadong managers ng mga sikat na artista kung paano sila makipag-deal sa mga boss ng network.
Teka, sinu-sino nga ba ang masasabi nating manager na kilala sa pagiging professionals? Nariyan sina Douglas Quijano, Ethel Ramos, Boy Abunda, Dolor Guevara, Lolit Solis, Alfie Lorenzo, Wyngard Tracy, June Torrejon, Dondon Monteverde, Veronique del Rosario, Leo Dominguez, Arnold Vegafria at marami pang iba.
Kung ang ambisyon ni Henry ay maging tulad ng mga nabanggit na managers, marami pa siyang dapat matutuhan.
Ang movie press na nagsusulat daw ng negatibo kay Hero at Henry ay may naghihintay na demanda. Teka, sa rami ng mga nagsulat ng di maganda kay Hero, mukhang marami-rami ang padadalhan nila ng summon. At sa totoo lang, dumadami ang natu-turn off ngayon kay Hero. Sa umpukan ng mga reporter, may kanya-kanyang kuwento ang mga ito tungkol sa scenario ng sigalot. Kaya hindi mo masisisi ang mga reporter sa mga sinulat nila dahil ang lahat ng iyon ay base sa aktuwal na encounter nila.
Ako man, marami akong alam. Hindi ako nagsalita. Ngayon lang. Dahil nararamdaman ko ang sakit ng mga taong mga nakipaglaban noon para kay Hero.
Kung ako sa ABS-CBN, huwag na nilang pag-aksayahan ng panahon si Hero. Malaki na ang naitulong nila kay Hero at sa pamilya nito. Masyado na silang naging mabait dito. Nabigyan na nila ng maayos na buhay ang pamilya nito.
Mas marami pang mga baguhang artista ang karapat-dapat na pagtuunan ng pansin ngayon. Kung gustong magpa-release ni Hero, ibigay nila.
Kung saan man pulutin si Hero, kapalaran na lang ang makapagsasabi. Hindi man ngayon, pero darating ang panahon na lalabas din ang katotohanan sa isyung ito. At yung mga taong nakabangga ni Henry, will have the last laugh.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am