^

PSN Showbiz

The Buzz, magbibigay ng awards

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Panalung-panalo ang Kampanerang Kuba.  Pinag-uusapan talaga ito.  In fact, ito na ngayon ang number one fantaserye sa Philippine television.  Sa pinaka-latest rating na lumabas, nanalo ang Kampanerang Kuba (34%) laban sa katapat nitong Encantadia (31%) at Darna (32%).

"This is one show na pinapanood namin ng mga anak ko," sabi ng kaibigan kong may dalawang anak.  "Safe ipapanood sa mga bata at talagang maganda.  Maganda ang timpla ng drama at comedy.  Pati ‘yung musical portions, okey.  Naaliw ang mga anak ko sa effects at kapag nagta-transform na si Imang.  Pati ‘yung tatlong madre, nakakaaliw."

Ipinararating naman ng ABS-CBN, particularly ng mga direktor na sina Wenn Deramas at Andoy Ranay ang kanilang pasasalamat sa suporta ng tao.

"Grabe, we did not expect na ganito ang turn out ng reaction mula sa tao. Iisa lang ang pangako namin — we promise na lalo pang pagagandahin ang show.  Salamat talaga sa suporta," sabi ng dalawang direktor.

Maganda ang eksena kung saan lumaki na si Imang (Anne Curtis).  Nakakatuwa ‘yung transformation niya from Imang si Fatima.  At sa totoo lang, ang ganda-ganda ni Anne.
* * *
Ang bawat ama ay may pangarap para sa kanilang anak.  Pero paano kung pangarap na ito ay hindi maisakatuparan ng anak?

Mataas ang pangarap ni Eddie (Joel Torre) para sa anak na si Oliver (Ahron Villena). Dahil hindi naisakatuparan ang sariling pangarap, si Oliver ang gusto ni Eddie na magpatuloy ng kanyang pangarap na maging isang basketball player. Pero sadyang wala sa puso ni Oliver ang gusto ng ama.

Dahil sa pagmamahal sa ama, ang bunsong anak na si EJ (John Wayne Sace) ang gustong magpatuloy sa gusto ng ama.  Ginawa ang lahat para maging masaya ang kanyang tatay.  Isinakripisyo ang pansariling pangarap.

Nang dumating ang pagkakataon na nakamit na ni EJ ang pangarap ng ama, ito na rin ang hudyat ng tuluyang pagkawala nito.

Sa isang ‘di malilimutang Father’s Day episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Huwebes, magkasama sina Joel Torre at John Wayne Sace.  
* * *
Isang malaking selebrasyon ang magaganap sa The Buzz this Sunday.  The Buzz is celebrating its 6th anniversary with a 2-part celebration called "Let’s Talk About Six".  Inaasahan ang pagdagsa ng mga malalaking artista para makisaya.  

Dahil six years na, six pairs of showbiz personalities ang pararangalan.  Ang naturang award ay base sa iba’t ibang kategorya. Nariyan ang consistency, durability at iba pa. Inupuan ng The Buzz ang nasabing award at matinding deliberation ang nangyari.

Isang industry report din ang ilalabas ng The Buzz ng mga naganap sa loob ng anim na taon. Mga isyu, iskandalo at iba pang pangyayari sa industriya ng telebisyon, pelikula, recording at iba pa.

AHRON VILLENA

ANAK

ANDOY RANAY

DAHIL

IMANG

JOEL TORRE

JOHN WAYNE SACE

KAMPANERANG KUBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with