^

PSN Showbiz

Toni, stripteaser sa Las Vegas?

-
May nagbulong sa amin na ire-reklamo ng ina ni Kirby de Jesus ang katotong Jun Lalin sa DSWD isa sa mga araw na ito sa kasong child molestation.

May mga inaayos pa raw ang ina ng StarStruck Avenger batch 2 bago ito dumulog sa tanggapan ni Sec. Dinky Soliman.

Nakakalungkot dahil isa na namang kasamahan sa panulat ang nahaharap sa kaso, bagay na sana’y pag usapan muna ng magkabilang panig.

On the part of Mrs. Maita de Jesus na ina ni Kirby ay naintindihan namin siya bilang ina, pero sana naisip din niya kung anu-anong tulong ang mga nagawa ng katotong Jun sa kanila.

Kung hindi niya tinanggap ang mga ibinibigay ni Jun, marahil walang isyu, di ba? Hindi maglalakas loob na mag-isip ang manunulat ng hindi maganda sa anak niya?

At naisip din ba ni Mrs. De Jesus na oras na nagsampa siya ng kaso, makakalkal ang buhay nilang pamilya, lalo na siya dahil siya ang pursigidong kasuhan si Jun? Marami kaming kaibigan na kakilala ang buong pagkatao ni Mrs. De Jesus at iisa ang sinasabi at kung anuman ‘yun, saka na namin isusulat.

Anyway, sabi nga kung sa tingin nila nasaktan sila o naagrabyado sila, magdemanda sila, karapatan nila ‘yun, pero bago sana nila gawin ‘yun, isipin muna nila kung ano ang balik nito sa kanila.
* * *
Hanggang ngayon pala ay hindi pa nabibili ni Angel Locsin ang kanyang dream house na nagkakahalaga ng P9M sa Vista Real, Quezon City dahil wala pa raw ganu’n kalaking pera ang prime talent ng GMA 7.

Say nga ni Ms. Cynthia Valconcha, artist manager ng aktres, "Akala kasi ng iba, porke araw-araw may taping si Angel ng Darna at may mga commercials, malaki na ang kita, hindi ba nila alam na maliit lang ang talent fee ni Angel? Baka magulat sila kung magkano lang ang kinikita niya kada buwan."

Alam din naming hindi kalakihan ang talent fee ni Darna lalo’t exclusive contract star siya ng Siete, babawi lang ‘yan kapag may mga shows sa labas ng bansa o probinsiya, kaso araw-araw nga ang taping, paano makaka-raket?
* * *
Nag-celebrate ng birthday si Geleen Eugenio sa SOP last Sunday at halos lahat ay binati siya, maging ang dati niyang alagang si JayR, pero tila hindi raw pinansin ng kilalang choreographer ang pagbati nito.

Back stage ay panay daw ang hingi ni JayR ng sorry sa kanyang dating manager, pero tila hindi raw siya pinapansin at napaiyak ng husto si Geleen.

Say ng taga-SOP. "Marami kasing naglabasang isyu tungkol kay Geleen na galing mismo kay JayR kaya nasaktan siya. Sana raw kung anuman ‘yung naging problema nilang dalawa, sa kanila lang, hindi ‘yung inilabas pa sa print."

At dagdag naman ng isa pang staff, "Sinabi pa kasi ni JayR, si Geleen ang nag-breach of contract, ano ang iisipin ng tao? Tapos ngayon, hihingi siya ng dispensa?"
* * *
Finally, magsasalita na si Antoinette Taus kung ano ang real score nila ni Dingdong Dantes at kung totoong may dalawang anak na sila ng kasalukuyang boyfriend ni Karylle at kung totoong nagpakasal sila sa Amerika.

Idagdag pa kung ano talaga ang trabaho ni Toni sa Las Vegas dahil may nakuhang poster sa isang club kung saan nakahilera ang picture ni Antoinette sa mga nagi-strip tease na mga Amerikana.

Anyway, malalaman lahat ‘yan ngayong Sabado sa Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez sa GMA 7.

Makakasama rin ang iba pang aktres tulad nina Jean Garcia, Janice de Belen, Carmina Villaroel at iba pa na may mga ibubuking din sa publiko tungkol sa mga pinagdaanan nila sa buhay.— REGGEE BONOAN

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANTOINETTE TAUS

CARMINA VILLAROEL

GELEEN

KUNG

MRS. DE JESUS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with