^

PSN Showbiz

Jennylyn, Mark nag-break na!

-
Kung hindi nagbago ang plano ay nakipag-meeting sa GMA Artist Center sina Jennylyn Mercado at ang manager niyang si Ms. Becky Aguila/Cynthia Valconcha kahapon, Biyernes.

Sasabihin daw ni Jennylyn na ayaw na niyang maka-trabaho ang reel and real loveteam niyang si Mark Herras dahil break na sila last Tuesday lang sa taping ng Love to Love, 7th Season.

"Iyak nang iyak si Jennylyn, hindi niya alam na matagal na pala siyang niloloko ni Mark, last Tuesday lang niya na-confirmed na may ibang babae si Mark na taga-Pinoy Pop Superstar," bungad sa amin ng taong malapit sa dalaga.

Mukhang mahirap ang gagawing move na ito ni Jennylyn dahil alam naman niyang mainit ang loveteam nila ni Mark at imposibleng pagbigyan siya ng management, baka pagbatiin pa sila.

"Mukhang hindi na makikipag-ayos si Jennylyn dahil ilang beses na niyang pinatawad si Mark. Ang masama, lahat pala ng taga-GMA, knows ang pambabae ni Mark, hindi lang pinaalam sa kanya, e, nabuking niya," dagdag kwento pa sa amin.

At kung hindi kami nagkakamali ay isang practicumer ang babaeng parating dini-date ni Mark na taga-Pinoy Pop Superstar.

Palusot na lang daw ang sinasabing incompatibilities kaya sila naghiwalay dahil nga malalim ang dahilan.

As of this writing ay hindi pa rin makausap si Jennylyn dahil panay pa rin ang iyak nito sa panloloko sa kanya ng boyfriend. 
* * *
Sa June 16, Thursday ang hearing ni Judy Ann Santos sa Department of Justice para sa kaso niyang tax evasion para sa taong 2003.

Ayon kay Mommy Carol Santos, "Nauna na namang ipinaalam sa media na may subpoena kami, kaya nu’ng may magtanong sa amin na pinadalhan kami,e, wala kaming masagot dahil wala namang dumarating pa sa amin, after a day pa, pero, naibalita na sa radio at dyaryo.

"Di man lang kami binigyan ng notice na may darating na ganito o ganyan, para kung may magtanong, masagot sana namin ng maayos, e, hindi. Huli lagi ang artista, kaya nakakaawa talaga ang mga artista, sila ang biktima."

Oo nga naman, bakit kapag mga tao na may mataas na posisyon sa gobyerno ang may kasong tax evasion ay hindi nila mai-dyaryo, mga artista at maliliit na tao ang pinag-initan nila?
* * *
Kung hindi magkakaayos ay baka bitawan na ni Direk Louie Ignacio ang SOP dahil hindi raw niya type na ginagawa siyang tanga.

Last Sunday ay nagkaroon daw ng pagtatalo sina Direk Louie at ilang staff ng SOP dahil ang pinatalsik daw na grupo ng dancers ng naturang director ay muling ibinalik na hindi man lang ipinaalam sa kanya.

"Respeto lang naman ang hinihingi ni Direk, kasi feeling niya, ginawa siyang tanga, pinaalis niya ‘yung grupo, tapos heto ibinalik nang hindi niya alam?" say ng taga-SOP sa amin.

Anyway, kung kailan pa paalis ang grupo ng SOP para sa launching ng Pinoy TV sa Amerika ay saka naman sila nagkaroon ng gulo. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ARTIST CENTER

BECKY AGUILA

CAROL SANTOS

CYNTHIA VALCONCHA

DAHIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

JENNYLYN

PINOY POP SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with