Heart, puso ng Panday!
June 11, 2005 | 12:00am
Isa ako sa natuwa nang mapili si Heart Evangelista para maging kapareha ni Jericho Rosales sa matagal nang pinananabikang serye ng ABS CBN na akala ng lahat ay magbababoo na kahit di pa ipinalalabas dahil daw walang mapiling gaganap ng role ng asawa ng Panday. Nakapagtataka naman na sa dinami-dami ng nag-audition for the role ay wala silang makuha. At ang hindi nag-audition na si Heart, siya pa ang napili.
Hindi lamang maganda si Heart, at itinuturing ko na isa sa may pinaka-magandang mukha sa local entertainment, magaling din siyang umarte at naniniwala ako na magiging malaki siyang asset sa serye.
Hindi nga ako nagkamali dahil lahat ng makakasama niya sa programa, mula sa mga direktor ( Toto Natividad at Rechie del Carmen) hanggang sa mga production people, at maging si Jericho ay pawang excited sa pagkakapili kay Heart. Lahat sila ay nagsasabing nakita nila na may magandang chemistry ang dalawa na hinulaan ng marami ay dulot ng pagkakaron ni Heart ng crush nun sa aktor. "Hindi ko itatanggi yan, dahil kung may top 5 crushes ako, number one si Echo," pakikiayon ni Heart who also said na sa serye ay iiwan na niya ang teeny bopper na Heart to become a real woman on TV. "At bago ako magsimula ng trabaho sa Panday ay nagkausap kami ni Angelica Panganiban who worked with Jericho in Santa Santita. Sinabi niya na maalaga si Jericho kaya hindi ako mai-intimidate at maiilang sa kanya."
Maswerte rin si Heart dahil sa serye, di tulad ng sa pelikula, ay bibigyang halaga ang female lead dahil isa itong action-romance. Isusugal ni Tristan (Jericho) ang kanyang pagmamahal kay Eden (Heart) and vice versa. In change, Eden will have to fight tooth and nail for his love. Heart will have to undergo martial arts training for her role. At hindi lang ito, kailangan din niya ng workshop para magampanan yung mga maseselan na eksena niya sa serye. Mga eksena na kinailangan muna niyang masiguro na hindi makaka-shock sa buo niyang pamilya. Lalo na ang kanyang ama who feels safe and trusts ABS CBN.
"Una, inisip ko kung kaya ko na nga ba ito. Then I realized, ready na ako to do something different. Im almost 21, legal age na ito. Ayaw ko na ng maiingay na role. I want the role so bad that, I will do whatever is needed para mapaganda ang role ko and I hope you will all support me, for me to do ito," pagtatapos niya.
Isa sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik ang All About Eve, isang hit na Koreanovela ng GMA7, ay ang musika na isinasabay dito. Ito ang "Kahapon Lamang", isang komposisyon ni Rannie Ilag at nilapatan ng musika at inareglo ni Kelsey Zamika at kinanta ni Kathleen Leslie, isang talento ng XAX Music Entertainment. Tulad ni Faith Cuneta, bihasa rin si Kathleen sa pagkanta ng mga musika para sa telenovela. Mayron itong album, ang "All About You" na may lamang 3 awitin, kabilang na ang "Kahapon Lamang" at ang "True Love" ng Blue Roses at "Sulat" ni Amari.
Napanood nyo ba yung episode ng Maalaala Mo Kaya na kung saan ay bida sina Lotlot de Leon at Wowie de Guzman? I"m sure, di lamang ako ang nakapansin na lubhang napaka-galing ng ipinakitang acting dun ng dating myembro ng UMD. Sigurado rin ako na makakakuha ito ng awards sa mga susunod na awards derby para sa TV. Kundi man locally ay maging sa ibang bansa.
Hindi lamang maganda si Heart, at itinuturing ko na isa sa may pinaka-magandang mukha sa local entertainment, magaling din siyang umarte at naniniwala ako na magiging malaki siyang asset sa serye.
Hindi nga ako nagkamali dahil lahat ng makakasama niya sa programa, mula sa mga direktor ( Toto Natividad at Rechie del Carmen) hanggang sa mga production people, at maging si Jericho ay pawang excited sa pagkakapili kay Heart. Lahat sila ay nagsasabing nakita nila na may magandang chemistry ang dalawa na hinulaan ng marami ay dulot ng pagkakaron ni Heart ng crush nun sa aktor. "Hindi ko itatanggi yan, dahil kung may top 5 crushes ako, number one si Echo," pakikiayon ni Heart who also said na sa serye ay iiwan na niya ang teeny bopper na Heart to become a real woman on TV. "At bago ako magsimula ng trabaho sa Panday ay nagkausap kami ni Angelica Panganiban who worked with Jericho in Santa Santita. Sinabi niya na maalaga si Jericho kaya hindi ako mai-intimidate at maiilang sa kanya."
Maswerte rin si Heart dahil sa serye, di tulad ng sa pelikula, ay bibigyang halaga ang female lead dahil isa itong action-romance. Isusugal ni Tristan (Jericho) ang kanyang pagmamahal kay Eden (Heart) and vice versa. In change, Eden will have to fight tooth and nail for his love. Heart will have to undergo martial arts training for her role. At hindi lang ito, kailangan din niya ng workshop para magampanan yung mga maseselan na eksena niya sa serye. Mga eksena na kinailangan muna niyang masiguro na hindi makaka-shock sa buo niyang pamilya. Lalo na ang kanyang ama who feels safe and trusts ABS CBN.
"Una, inisip ko kung kaya ko na nga ba ito. Then I realized, ready na ako to do something different. Im almost 21, legal age na ito. Ayaw ko na ng maiingay na role. I want the role so bad that, I will do whatever is needed para mapaganda ang role ko and I hope you will all support me, for me to do ito," pagtatapos niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended