Mag-aaral na maging farmer
June 10, 2005 | 12:00am
In three years time, inaasahan ni Patrick Garcia na maisasakatuparan na niya ang matagal na niyang pangarap na makapag-enrol sa UP Los Baños ng kursong agriculture. "Matagal ko na talagang pangarap ang maging isang farmer, simula pa nung minsan ay magtapon ako ng isang buto ng mangga at tumubo ito, nagkaugat at nagkaron ng dahon nang walang pag-aalaga. Feel ko na ang agriculture at ang pagkain ay magiging pangunahin nating pangangailangan in the future. My dad (hiwalay ang parents niya) is already into farming," panimula ng aktor na isa sa pinaka-batang tinanghal na best actor sa pelikulang Batang PX.
Sa ngayon, lubha pang abala si Patrick sa kanyang acting career para magkaron ng panahon na isakatuparan ang pagiging farmer niya. For one, magiging mas abala pa siya ngayong kasama na siya sa Kampanerang Kuba, bilang Luke, ang gwapong balikbayan na mabibighani sa misteryosang si Fatima (Anne Curtis). Ang direktor ng serye, si Wenn Deramas, ang direktor niya sa pinaka-una niyang teleserye, ang Mula Sa Puso.
Ngayong Sabado, isang bagong mukha ang mapapanood sa programang Maynila, sa GMA7. Siya ang 22 taong gulang na si Enoch Chandler, graduating sa kursong Business Management sa De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite.
Actually, hindi na maituturing na baguhan sa larangan ng pag-arte si Enoch, nung bata siya ay lumabas siya sa Ang TV at Mara Clara. Kaya lamang nagpasya ang mga magulang niya na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral kaya tumigil siya at nag-concentrate sa kanyang studies.
Sa Maynila, 10:30 NU, GMA7, best friend ni Jordan Herrera ang role niya. Kasama rin sa episode sina Nadine Samonte at Lovely Rivero.
Hina-handle ni Jojo Veloso ang career ni Enoch na mahilig din sa football, basketball at swimming. Isa siyang Born Again Christian na naniniwala sa tamang moralidad. "I am not willing to appear in swimsuits. Okay lang ang shorts at night wear," sabi niya.
Sa mga gustong makilalang mabuti si Enoch, masusulatan siya sa 57-A Detroit, Cubao, QC.
All out na si Stella Ruiz sa kanyang singing career. Palagi nang pinatutugtog sa radyo ang kanyang awiting "Cry Over You", ang carrier single ng kanyang album sa Galaxy Record na "Pinoy Fresh".
Tuluyan na sanang magku-quit si Stella at mamimirmihan na lamang sa US nang isang araw ay makakilala siya ng mga musikero sa Hollywood. Isa rito si Saverio Principini, isang songwriter na nakatrabaho na nina Avril Lavigne at Hilary Duff. Nang malaman nitong kumakanta siya ay nag-offer ito na igawa siya ng kanta. Tututol ba siya?
Ang awitin, "Its Not Easy To Let Go" ay kasama sa isang solo album niya na malapit nang lumabas. Pinasisikat pa muna ng husto ang "Cry Over You" na ni-record niya bago siya umalis at kasama sa "Pinoy Fresh".
Ngayon, abala siya sa promo ng kanyang single. May nakatakda siyang bar tour, campus tour at mall tour.
Sa mundo naman ng Encantadia, mamamayagpag ang mga Mulawin. Sa mga susunod na linggo, simula ika-13 ng Hunyo, bibisitahin si Amihan (Iza Calzado) ng mga kaibigang Mulawin upang tulungan silang labanan ang pwersang gustong maghasik ng lagim sa Lireo at buong Encantadia. Tutulungan nila sina Alena (Karylle) at Danaya (Diana Zubiri) laban sa nakatatanda nilang kapatid na si Pirena (Sunshine Dizon) na sumanib na sa pwersa ni Hagorn (Pen Medina) para masakop ang buong Encantadia.
Makikilala na rin ang mga karakter nina Asval (Bobby Andrews), mandirigmang Sapiryan (Brad Turvey at Gerard Pizzaras). Susubukin nila kung karapat-dapat na tagapagmana ng korona ni Haring Arneo si Ybarro (Dingdong Dantes). Mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Darna.
Sa ngayon, lubha pang abala si Patrick sa kanyang acting career para magkaron ng panahon na isakatuparan ang pagiging farmer niya. For one, magiging mas abala pa siya ngayong kasama na siya sa Kampanerang Kuba, bilang Luke, ang gwapong balikbayan na mabibighani sa misteryosang si Fatima (Anne Curtis). Ang direktor ng serye, si Wenn Deramas, ang direktor niya sa pinaka-una niyang teleserye, ang Mula Sa Puso.
Actually, hindi na maituturing na baguhan sa larangan ng pag-arte si Enoch, nung bata siya ay lumabas siya sa Ang TV at Mara Clara. Kaya lamang nagpasya ang mga magulang niya na magtapos muna siya ng kanyang pag-aaral kaya tumigil siya at nag-concentrate sa kanyang studies.
Sa Maynila, 10:30 NU, GMA7, best friend ni Jordan Herrera ang role niya. Kasama rin sa episode sina Nadine Samonte at Lovely Rivero.
Hina-handle ni Jojo Veloso ang career ni Enoch na mahilig din sa football, basketball at swimming. Isa siyang Born Again Christian na naniniwala sa tamang moralidad. "I am not willing to appear in swimsuits. Okay lang ang shorts at night wear," sabi niya.
Sa mga gustong makilalang mabuti si Enoch, masusulatan siya sa 57-A Detroit, Cubao, QC.
Tuluyan na sanang magku-quit si Stella at mamimirmihan na lamang sa US nang isang araw ay makakilala siya ng mga musikero sa Hollywood. Isa rito si Saverio Principini, isang songwriter na nakatrabaho na nina Avril Lavigne at Hilary Duff. Nang malaman nitong kumakanta siya ay nag-offer ito na igawa siya ng kanta. Tututol ba siya?
Ang awitin, "Its Not Easy To Let Go" ay kasama sa isang solo album niya na malapit nang lumabas. Pinasisikat pa muna ng husto ang "Cry Over You" na ni-record niya bago siya umalis at kasama sa "Pinoy Fresh".
Ngayon, abala siya sa promo ng kanyang single. May nakatakda siyang bar tour, campus tour at mall tour.
Makikilala na rin ang mga karakter nina Asval (Bobby Andrews), mandirigmang Sapiryan (Brad Turvey at Gerard Pizzaras). Susubukin nila kung karapat-dapat na tagapagmana ng korona ni Haring Arneo si Ybarro (Dingdong Dantes). Mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Darna.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended