^

PSN Showbiz

Picture ni Christian, ibinibenta ni Carlo Orosa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Iba talaga ang nagagawa ng Internet. Kahit malayo, parang malapit na rin.

Ganito ang nangyayari sa concert nina Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Sheryn Regis and Frenchie Dy na naglilibot ngayon sa Amerika. Lahat ng balita tungkol sa concert nila, nakakarating dito sa atin dahil sa e-mail ng mga fans.

Isa sa pinaka-latest na e-mail na natanggap ko ay ang tungkol sa manager ni Christian Bautista na si Carlo Orosa. The height daw ang ginagawa nitong pagbebenta ng mga photo ni Christian Bautista na supposedly ay giveaway ng Bench sa mga fans. Endorser kasi si Christian ng Bench pero sa halagang $1 ipinagbibili raw ito ni Carlo.

Maging ang alalay daw nina Frenchie at Sheryn ay nagbebenta rin daw ng kani-kanilang photos.

Sa case daw ni Carlo, diretso sa bulsa niya ang bawat $1 na bayad ayon sa isang source.

Ganoon din daw sa chaperone nina Frenchie and Sheryn. "Nakaka-turn off nga po," sabi ng isang e-mail sender na ayaw na lang magpabanggit ng pangalan.

Si Carlo din daw ang dahilan kung bakit na-imbyerna rin ang ilang bumili ng ticket sa San Jose California. Nag-demand daw ito sa promoter na hindi sila bababa particular na si Christian Bautista hangga’t maraming tao. Worth $41,000 daw ang return na ticket na ikinaloka ng producer.

Yung sa $30,000 daw ay nagawan daw ng paraan, pero ‘yung $11,000 ay hindi na.

Na-imbyerna raw ang ibang fans kaya nagsauli ng ticket.

Ayon pa sa e-mail sender, oa na ang pagbabantay ni Carlo kay Christian kaya maraming fans ang ayaw na ngayong lapitan si Christian dahil kay Carlo.
* * *
Anyway, nakapaglibot na sa San Francisco, New York, Washington, Chicago, San Jose, San Francisco and Seattle ang grupo nila Sarah. Sa grupo raw, si Sarah ang karaniwang pinapalakpakan, ayon kay Ellen, production assistant ng Return of the Champions.

"Ang galing na ni Sarah. ‘Yung confidence niya, na-develop na. Compared before na parang nahihiya pa siya. Ngayon, wala na siyang kahit konting hiya pag kumakanta," say ni Ellen sa e-mail.

Isa rin daw si Sarah sa mga nakita niyang singer na very accommodating sa fans. Kung ‘yung iba, inire-reklamo ang pagiging isnabera, feel daw ni Sarah na pinagkakaguluhan siya.

"Kaya nga ang daming nagpapa-picture at nagpapa-autograph sa kanya," kwento pa ni Ellen na ngarag din sa hectic na schedule nila.

Pero ang surprise daw sa kanila ay ang galing ni Mark Bautista. Total performer na raw si Mark na mako-consider.

Sa June 22 pa naka-schedule bumalik ng bansa ang grupo.
* * *
Kung hindi mababago ang plano ni Mother Lily Monteverde, magkakaroon ng launching movie si Keempee de Leon, Anak ng Starzan. Excited na si Keempee na gawin ang movie dahil in a way sequel ito ng Starzan movie ng tatay niyang si Joey de Leon na ang Regal Films din ang producer. Pero siyempre, mas modern na ang approach ng Anak Ng Starzan. "Gusto ko siyempre ang plano ni Mother," sabi ni Keempee sa presscon ng Happily Ever After sa episode na Multong Bakla.

Sobrang sumikat ang character ni Starzan noong panahon ni Joey kaya excited siyang gawin ito.

Very timely kung gagawin ni Keempee ang Anak ng Starzan (re-launching movie niya. Several years ago rin kasi, ini-launch na siya ng Viva sa isang action movie. So kino-consider pa rin niyang launching movie ang ibibigay ni mother kung saka-sakali) dahil click na click ngayon ang pagiging bading niya - si Harold sa Bahay Mo Ba ‘To na nagbigay sa kanya ng chance para maging active uli ang career niya.

Almost two years din kasi siyang hindi naging visible sa TV at pelikula. Sa isang comedy show lang siya sa ABS-CBN napapanood (na hindi ko ma-recall ang title). Pero nang lumipat siya ng GMA 7 at mag-hit ang Bahay Mo Ba ‘To, nag-boom din ang career niya particular na sa mga gay character.

Like here in Multong Bakla, siya si Pampee.

Anyway, loveless si Kempee right now. Hindi totoong na-develop na ang feelings nila ni Francine Prieto na partner niya sa comedy show ng GMA 7. "Naka-concentrate ako sa career ko ngayon," he said in an interview.

Tungkol naman sa anak niya sa isang non-showbiz girl na eight years old, may schedule naman ang dalaw niya sa bagets. Kaya lang, mahilig daw mag-travel ang pamilya ng mother ng anak niya at minsan matagal ang mga itong nagi-stay sa ibang bansa.

Like kagagaling lang daw ng mga ito ng Australia.

Sina Nadine Samonte and Tyron Perez ang main character sa Happily Ever After under MAQ Productions.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]

BAHAY MO BA

CHRISTIAN BAUTISTA

DAW

HAPPILY EVER AFTER

KEEMPEE

MARK BAUTISTA

MULTONG BAKLA

NIYA

STARZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with