^

PSN Showbiz

Angel, ginulo ang Japanese Embassy!

RATED A - Aster Amoyo -
Pinagkaguluhan si Angel Locsin sa Japanese Embassy nung nakaraang Lunes (June 6) ng hapon nang ito’y magtungo roon para mag-apply ng visa. Sa entrance pa lamang ng Japanese Embassy ay hinarang na siya ng mga security guards para magpakuha ng picture sa kanilang mga cellphones. Maging ang mga bystanders sa labas ng Japanese Embassy ay nakigulo na rin.

Pagdating sa loob ng Japanese Embassy kung saan isinasagawa ang interview, hindi rin nakatiis ang ibang mga aplikante na hindi humingi ng autograph kay Angel.  Maging ang Japanese consul na nag-interview sa grupo ni Angel ay hindi makapaniwala kung gaano kasikat na celebrity ang nasa kanyang harapan until magtanong ito sa kanyang katabing Filipino consul na siyang nagsabi na sikat na sikat ito sa Pilipinas.  Maging ang mga Filipino staff sa loob ng consulate ay lumabas para lamang makita si Angel.

Si Angel, kasama ang kanyang handler na si Gen Magno at para make-up artist na si Gigi Gatlabayan ay tutulak patungong Tokyo, Japan ngayong Sabado, Hunyo 11 para sa Philippine Independence Day celebration on June 12 na gaganapin sa Asukayama Park ng Oji, Kita-ku, Tokyo. 

Dahil showing na sa Japan simula pa nung nakaraang Lunes, June 6 ang Darna, ipu-promote doon ni Angel ang kanyang top-rating tele-fantasya na naka-Darna costume sa ating mga kababayan sa Japan. Nalulungkot nga si Angel dahil agad siyang aalis babalik ng Maynila.
* * *
Ang pop teen princess na si Sarah Geronimo ang pinaka-prized talent ngayon ng Viva Entertainment. Kasalukuyang nasa Amerika si Sarah sa Return of the Champions US Tour.

Ngayong nasa Korea na si Sandara Park at umamin na si Joseph Bitangcol sa kanilang relasyon, mukhang nangangailangan si Hero Angeles ng bagong ka-loveteam at may plano ang ABS-CBN na ipareha si Sarah kay Hero.
* * *
Kung excited si Angel Locsin sa kanyang unang trip sa Japan, ganoon din naman ang nararamdaman nina Juliana Palermo, Jenny Miller at Kitchie Nadal na pare-parehong first timers sa Cherry Blossoms country.  Sina Angel, Juliana, Jenny at Kitchie along with Dingdong Dantes at Karylle ay mga special guests sa Philippine Independence Day celebrations sa Tokyo, Japan sa imbitasyon ng Philippine Embassy sa Japan.

Ang kaibahan lang nina Juliana, Jenny at Kitchie ay may pagkakataon silang makapamasyal kahit papaano kumpara kay Angel na overnight lamang mananatili sa Japan.

Pinangakuan namin si Angel na dadalhin namin siya sa Roppongi sa gabi ng June 11 para makapamili sa 24-hour department store na Don Quijote.  Mula sa Roppongi ay makikita rin niya ang isa sa mga landmarks ng Japan, ang Tokyo Tower.  Nangako naman kami kina Juliana at Jenny na ipapasyal namin sila sa Tokyo Disneyland kapag meron kaming oras.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANGEL

ANGEL LOCSIN

ASUKAYAMA PARK

CHERRY BLOSSOMS

JAPAN

JAPANESE EMBASSY

JULIANA

PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with