Jodi takot sa fans ni Anne!
June 7, 2005 | 12:00am
Maldita ang role ni Jodi Sta. Maria sa Kampanerang Kuba. Nauna siyang kinunsider para maging bida sa fantaserye pero napunta sa character role. "Okey lang naman sa akin kahit second lead lang ako. I guess, we get what we deserve," aniya.
Ang pinangangambahan lang nito ay baka magalit sa kanya ang mga fans ni Anne Curtis dahil sa pang-aapi na gagawin niya rito.
Two months preggy na si Jodi at tuloy pa rin ang paglabas nito sa Kampanerang Kuba.
Nakakwentuhan namin si Nadine Samonte na kasama sa Ganti ng Now and Forever 2 ng GMA 7. Sinabi nito na ayaw niya ng manliligaw o boyfriend na taga-showbiz.
Mas type niya ang mga non-showbiz suitors kaya naman hindi kataka-takang putaktihin ito ng mga manliligaw na hindi taga-showbiz gaya ng kanyang kaiskwela ngayon sa high school. Napaka-thoughtful daw nito at laging nagti-text sa kanya. Magkaiskwela ang dalawa sa Alpha Angelicum Academy sa Laguna. Third year high school na sila.
Malaki ang tsansa ng kaklase niya na mapasagot siya kapag nagtiyaga ito sa panliligaw.
Maraming nakapuna na ang ganda-ganda ngayon ng aktres kahit loveless ito kaya naitanong namin kung mayroon bang nabago sa kanya.
"Noon pong nagsimula ako ay batang-bata pa ako. Ngayon po mature na ang role ko at dalaga na kaya siguro nanibago sila sa akin," sagot nila.
Nabalitaan ni Patrick Garcia na lilipat na sa ABS-CBN ang dating nobyang si Bianca King. Kung matatandaan, isang taon nang split ang dalawa kung saan ipinaliwanag ng aktor na siya ang nagsabi sa aktres na mag-cool-off muna sila. Pumayag naman si Bianca dahil nahihirapan din siya sa relasyon dahil magkaiba ang kanilang network.
Apat na taon din ang naging relasyon ng dalawa kung saan na-realize nila ang kahalagahan ng career kaya nagpasyang maghiwalay na lang.
Sa kabilang banda, sinabi nito na magkaibigan lang sila ni Shaina Magdayao at di niya ito nililigawan.
"Ang ganda-ganda niya kaya lang ang layo ng agwat ng edad namin. Im 23 years old and shes only 15. Mas maganda siguro kung mga 18 years old siya," aniya.
Kasama si Patrick sa Kampanerang Kuba bilang isa sa leading men ni Anne Curtis.
Handa ka ba sa huling digmaan sa mundo na hindi sisimulan ng tao? Mula sa Paramount Pictures at DreamWorks, narito ang motion picture event of the year na pinamagatang War of the Worlds na tinatampukan ng international superstar na si Tom Cruise sa kanyang pinakaeksplosibong pagganap. Sa direksyon ng premyadong si Steven Spielberg, ito ay isang kontemporaryong pagkukuwento ng classic novel ni H.G. Wells na nagsisiwalat ng pambihirang pakikipaglaban ng sangkatauhan sa paningin ng isang pamilya na nagtangkang makaligtas mula rito.
Pinatutunayan ng magastos na sci-fi adventure thriller na si Steven ay tunay na walang kapantay sa paggawa ng makabagong uri ng pelikula. Muli itong naging posible dahil sa mga prodyuser at creative team na kasa-kasama niya sa loob ng maraming taon. Pati na ang iskrip ni David Koepp ay binusisi ng husto upang ang bagong bersyon ng klasikong nobela ni H.G. Wells ay maging mas makatotohanan at maaari nang mangyari sa malapit na hinaharap.
Ang War of the Worlds ay ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Ayon sa isang kaibigang source na taga-showbiz din, tuloy pa rin ang pagdo-droga ng isang young actor. Nakikipag-jamming daw ito sa mga barkada sa isang bahay ng kaibigan nila sa isang karatig-lalawigan.
Kung totoo man ang bisyong ito na di pa rin tinitigilan ng aktor ay baka magsisi uli siya. Maganda ang plano ng kanyang manager at habang tumatagal ay lalong may lalim ang akting nito.
Visible siya sa mga drama anthology ngayon.
Ang pinangangambahan lang nito ay baka magalit sa kanya ang mga fans ni Anne Curtis dahil sa pang-aapi na gagawin niya rito.
Two months preggy na si Jodi at tuloy pa rin ang paglabas nito sa Kampanerang Kuba.
Mas type niya ang mga non-showbiz suitors kaya naman hindi kataka-takang putaktihin ito ng mga manliligaw na hindi taga-showbiz gaya ng kanyang kaiskwela ngayon sa high school. Napaka-thoughtful daw nito at laging nagti-text sa kanya. Magkaiskwela ang dalawa sa Alpha Angelicum Academy sa Laguna. Third year high school na sila.
Malaki ang tsansa ng kaklase niya na mapasagot siya kapag nagtiyaga ito sa panliligaw.
Maraming nakapuna na ang ganda-ganda ngayon ng aktres kahit loveless ito kaya naitanong namin kung mayroon bang nabago sa kanya.
"Noon pong nagsimula ako ay batang-bata pa ako. Ngayon po mature na ang role ko at dalaga na kaya siguro nanibago sila sa akin," sagot nila.
Apat na taon din ang naging relasyon ng dalawa kung saan na-realize nila ang kahalagahan ng career kaya nagpasyang maghiwalay na lang.
Sa kabilang banda, sinabi nito na magkaibigan lang sila ni Shaina Magdayao at di niya ito nililigawan.
"Ang ganda-ganda niya kaya lang ang layo ng agwat ng edad namin. Im 23 years old and shes only 15. Mas maganda siguro kung mga 18 years old siya," aniya.
Kasama si Patrick sa Kampanerang Kuba bilang isa sa leading men ni Anne Curtis.
Pinatutunayan ng magastos na sci-fi adventure thriller na si Steven ay tunay na walang kapantay sa paggawa ng makabagong uri ng pelikula. Muli itong naging posible dahil sa mga prodyuser at creative team na kasa-kasama niya sa loob ng maraming taon. Pati na ang iskrip ni David Koepp ay binusisi ng husto upang ang bagong bersyon ng klasikong nobela ni H.G. Wells ay maging mas makatotohanan at maaari nang mangyari sa malapit na hinaharap.
Ang War of the Worlds ay ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Kung totoo man ang bisyong ito na di pa rin tinitigilan ng aktor ay baka magsisi uli siya. Maganda ang plano ng kanyang manager at habang tumatagal ay lalong may lalim ang akting nito.
Visible siya sa mga drama anthology ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended