Richard, Angel may 10 day shooting sa San Francisco
June 7, 2005 | 12:00am
Hindi hectic, kundi toxic ang schedule ni Richard Gutierrez. Nagti-taping siya ng Sugo at nagsu-shooting ng I Will Always Love You. Sabiy, four days a week siya sa taping at two days nagsu-shooting. Ang Sunday naman niyay para sa SOP Gigsters and last Sunday, nag-pictorial sila ni Angel Locsin for their Regal movie.
Kailangan pa niyang mag-advance taping sa Sugo dahil aalis sila ni Angel sa July 16 para sa 10-day shooting nila sa San Francisco. By that time, nag-i-air na ang kanyang teleseryet naka-schedule ang pilot nito sa first week ng July.
Naniwala kami sa sinabi nina Angel at Richard na walang nabago sa kanilang relasyon dahil close pa rin silat sweet habang nagpo-pose. Dagdag pa ni Richard, na-miss na niyang maka-trabaho ang ka-love team mula nang matapos ang Mulawin.
"Excited akong muli siyang makatrabaho at sa first shooting day nga namin, matagal kaming nagkwentuhan. Matagal na kaming hindi nagkaka-kwentuhan at busy siya sa Darna. At least ngayon, makakapag-kwentuhan na kami," wika nito.
Mas mature ang story ng I Will Always Love You sa Let The Love Begin, puno ng kilig scenes lalo na ang mga eksenang kukunan sa San Francisco. Mabilis na "Meron" at "Marami" ang sagot ni Richard nang aming tanungin kung may kissing scene sila ni Angel.
Co-manager ng Star Magic ng ABS-CBN kay John Prats si Arnold Vegafria. Hindi kaya magkaroon ng problema si John sa pagpo-promote ng Happily Ever After sa GMA-7 dahil may balitang blacklisted ang talent ni Arnold sa network?
On the other hand, payagan naman kaya ng Ch. 2 si John na mag-promote ng pelikula sa Ch. 7? Interesting ito dahil puro taga-Ch. 7 ang mga kasama niya sa trilogy movie at ang ibig sabihin, hindi sila makakapag-promote sa Ch. 2. Paano si John? Bida pa naman sila ni Maxene Magalona sa Playboy Kuba episode ng pelikula at kailangan nilang mag-promote para hindi mapag-iwanan ng loveteam nina Nadine Samonte at Tyron Perez at Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
In fairness, marami ang sumigaw at nag-react kay John nang ipakita siya sa trailer ng Happily Ever After sa premiere night ng Say That You Love Me. Patunay na kahit sa fans nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ay may fans si John.
Samantala, desidido pa rin si John na ituloy ang balak na mag-enroll ng Filmmaking sa New York University sa March next year. Three months lang ang kanyang kurso kaya, hindi siya mami-miss ng kanyang fans.
Pagka-graduate at pagbalik niya ng bansa, gusto ni John na magdirek ng music video at kung may magtitiwala raw sa kanya, type rin niyang maging TV director.
Ibinalita ni Becky Aguila na may kapalit na TV show si Valerie Concepcion pagkatapos ng Season 1 ng Now and Forever. Papasok si Valerie sa Saang Sulok ng Langit at guguluhin niya ang relasyon nina Maxene Magalona at Oyo Boy Sotto.
May pagka-kontrabida ang role ni Valerie at okey lang daw ito sa young actress. Dapat sa simula palang ng drama series ay kasama na si Valerie pero, hindi siya natuloy dahil gusto ni Becky na ang TV comeback nitoy sa GMA-7.
Binanggit din ni Becky na pumayag na si Valerie na isadula ang buhay niya sa Magpakailanman. Lahat daw nang nangyari sa buhay nitoy ikukuwento kay Mel Tiangco kaya, abangan natin.
Magdi-debut sa December 21 si Valerie at kundi pa nababago ang kanyang plano nang amin siyang makausap, wala siyang balak magpa-party ng malaki.
Gagastusin daw niya sa party ay ilalaan na lang niya sa kanyang baby. Very proud ngang ipinakita sa amin ni Valerie ang picture ng anak sa kanyang mobile phone.
Naloka ang mother ng isang magaling na actress sa lakas gumasta ng anak.
Umalis itong P30,000 ang dalat nangakong hindi uubusin ang perat ilang gamit lang ang bibilhin sa Robinsons Galleria na kailangan niya sa guesting sa SOP.
Pero, nalukring si mother dear dahil pag-uwi ng anak mula sa shopping spree, ubos ang dalang pera. Kung wala ngang sariling sasakyan, baka pati pang-taxi ay walang naiwan sa dalang pera ng anak.
Ang lalo pang ikinaloka ng ina ng actress, ilang piraso lang ang nabili ng anak at kaya naubos ang datung dahil puro mamahalin ang mga biniling gamit. Natawa na lang ang ina ng actress. Hindi niya ito masitat pera naman daw nito ang nilustay.
Kailangan pa niyang mag-advance taping sa Sugo dahil aalis sila ni Angel sa July 16 para sa 10-day shooting nila sa San Francisco. By that time, nag-i-air na ang kanyang teleseryet naka-schedule ang pilot nito sa first week ng July.
Naniwala kami sa sinabi nina Angel at Richard na walang nabago sa kanilang relasyon dahil close pa rin silat sweet habang nagpo-pose. Dagdag pa ni Richard, na-miss na niyang maka-trabaho ang ka-love team mula nang matapos ang Mulawin.
"Excited akong muli siyang makatrabaho at sa first shooting day nga namin, matagal kaming nagkwentuhan. Matagal na kaming hindi nagkaka-kwentuhan at busy siya sa Darna. At least ngayon, makakapag-kwentuhan na kami," wika nito.
Mas mature ang story ng I Will Always Love You sa Let The Love Begin, puno ng kilig scenes lalo na ang mga eksenang kukunan sa San Francisco. Mabilis na "Meron" at "Marami" ang sagot ni Richard nang aming tanungin kung may kissing scene sila ni Angel.
On the other hand, payagan naman kaya ng Ch. 2 si John na mag-promote ng pelikula sa Ch. 7? Interesting ito dahil puro taga-Ch. 7 ang mga kasama niya sa trilogy movie at ang ibig sabihin, hindi sila makakapag-promote sa Ch. 2. Paano si John? Bida pa naman sila ni Maxene Magalona sa Playboy Kuba episode ng pelikula at kailangan nilang mag-promote para hindi mapag-iwanan ng loveteam nina Nadine Samonte at Tyron Perez at Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.
In fairness, marami ang sumigaw at nag-react kay John nang ipakita siya sa trailer ng Happily Ever After sa premiere night ng Say That You Love Me. Patunay na kahit sa fans nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ay may fans si John.
Samantala, desidido pa rin si John na ituloy ang balak na mag-enroll ng Filmmaking sa New York University sa March next year. Three months lang ang kanyang kurso kaya, hindi siya mami-miss ng kanyang fans.
Pagka-graduate at pagbalik niya ng bansa, gusto ni John na magdirek ng music video at kung may magtitiwala raw sa kanya, type rin niyang maging TV director.
May pagka-kontrabida ang role ni Valerie at okey lang daw ito sa young actress. Dapat sa simula palang ng drama series ay kasama na si Valerie pero, hindi siya natuloy dahil gusto ni Becky na ang TV comeback nitoy sa GMA-7.
Binanggit din ni Becky na pumayag na si Valerie na isadula ang buhay niya sa Magpakailanman. Lahat daw nang nangyari sa buhay nitoy ikukuwento kay Mel Tiangco kaya, abangan natin.
Magdi-debut sa December 21 si Valerie at kundi pa nababago ang kanyang plano nang amin siyang makausap, wala siyang balak magpa-party ng malaki.
Gagastusin daw niya sa party ay ilalaan na lang niya sa kanyang baby. Very proud ngang ipinakita sa amin ni Valerie ang picture ng anak sa kanyang mobile phone.
Umalis itong P30,000 ang dalat nangakong hindi uubusin ang perat ilang gamit lang ang bibilhin sa Robinsons Galleria na kailangan niya sa guesting sa SOP.
Pero, nalukring si mother dear dahil pag-uwi ng anak mula sa shopping spree, ubos ang dalang pera. Kung wala ngang sariling sasakyan, baka pati pang-taxi ay walang naiwan sa dalang pera ng anak.
Ang lalo pang ikinaloka ng ina ng actress, ilang piraso lang ang nabili ng anak at kaya naubos ang datung dahil puro mamahalin ang mga biniling gamit. Natawa na lang ang ina ng actress. Hindi niya ito masitat pera naman daw nito ang nilustay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended