^

PSN Showbiz

Pregnancy ni Jodi pabor sa trabaho niya

- Veronica R. Samio -
Buti na lang at di si Jodi Sta. Maria ang nakuha sa role ng Kampanerang Kuba kundi si Anne Curtis. Kundi baka nagkaproblema pa ang serye na magsisimula bukas, Lunes, ÅBS CBN.

Dalawang buwang buntis kasi si Jodi at ang ama ng kanyang sanggol na dinadala ay si Pampy Lacson, na pinakasalan niya sa US kamakailan lamang. Naririto na ito ngayon sa bansa para samahan ang kanyang maybahay.

Hindi naman makakaapekto sa role ni Jodi sa serye ang kanyang kalagayan. Magbubuntis din kasi ang kanyang character at hindi na niya kailangan pang gumamit ng unan.
* * *
Naghahanap ang La Croesus Pharma ng Bevon Star 2006, isang beauty contest na ang mga sasali ay may edad 17-25 at kinakailangang bukod sa maganda na ay mentally pa rin at physically healthy dahil ang ipo-promote nila ay ang Bevon C multivitamins.

Ang grand finals ay magaganap sa Hunyo 25 para sa Bevon Star Luzon sa Julio Nakpil St; Bevon Star Visayas sa Hulyo 9 sa SM City Cebu at Bevon Star Mindanao sa Agosto 6 sa The Venue Davao City.

Ang mananalo ay tatanggap ng P50,000 at P200,000 worth of talent management contract. Tumawag lamang sa RDH Ent. Net. 4354881/4339236/ 09207070320 Cebu/09274611725 Davao.
* * *
May bagong mukha na makikita sa bagong palabas ng ABC5 na Club TV na mapapanood tuwing Sabado, 8NG simula Hunyo 11. Ito ay si Laura Jean, isang 21 year old Las Vegas born stunner na pinaghalong Goldie Hawn at Dawn Zulueta ang fez.

Magaling sumayaw si Laura, isang dancing diva na maituturing na makikipagsabayan sa Guam-based dance group na SKIP at ang party animal/host na si Tim Yap.
* * *
Mga anak ng mga kilalang artista ang karamihan ay nanood ng premiere ng computer-animated comedy ng DreamWorks, ang Madagascar sa Shangri-La Mall. Dumating sila kasama ang kanilang mga celeb parents tulad nina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Ruby Rodriguez, Sherilyn Reyes, Anthony Pangilinan at ang child star na si BJ/Tolits na siyang-siya sa pagpapa-piktyur sa apat na mascot penguins sa lobby ng sinehan.

Tampok sa Madagascar ang boses nina Ben Stiller, Chris Rock, David Schwimmer at Jada Punkett Smith. Ipinamamahagi ng Solar Entertainment ang pelikula na ito ng United International Pictures.
* * *
Isa sa ipinagmamalaking bata ng Bubble Gang Jr. ay si Yumi Jamin Loseo, magpipitong taong gulang at isang consistent honor student ng Glendale School. Bukod sa pag-arte, marunong itong mag-drawing, umawit, sumayaw at mag-modeling. Kumukuha ito ng voice lessons sa Center for Pop na kung saan ay makaka-second level na siya.

Naging 1st runner-up ito sa Kiddie Model of the Year contest at maraming product endorsements.

Kahanga-hanga rin si Eisen Bayubay, seven yrs. old, na-accelerate kaya five years old pa lang ay grade one na.

Marunong itong mag-drums at sumasayaw at kumakanta kaya palaging kasali sa school programs. Maawain ito, nagpapabili ng sampaguita sa ina para makatulong sa mga batang lansangan at kahit pa nung di pa ito artista ay namimigay na ng regalo sa mga mahihirap na kapitbahay tuwing Pasko.

Sina Yumi at Eisen ay mapapanood na naman kasama ang iba pang mga bata ng sa Bubble Gang Jr. ngayong Linggo kasama si Ruby Rodriguez at ang anak nitong si Toni.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ANTHONY PANGILINAN

BEN STILLER

BEVON C

BEVON STAR

BUBBLE GANG JR

CENTER

RUBY RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with