^

PSN Showbiz

Zoren, nagdi-direct na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kasama rin sa Now and Forever si Zoren Legaspi bilang si Dennis. Naikwento nito na mahigit pala siyang isang buwang namalagi sa Bacolod para mag-aral ng directing kay Peque Gallaga. Nagbunga naman ang kanyang pag-aaral dahil nakapagdirek ito ng tatlong music video.

Nagbabalak na sila ni Carmina Villaroel na magpatayo ng bahay sa Pasig at higit sa lahat ang pagpapakasal. Sa pagdaan ng mga taon ay naging stable ang kanilang pagsasama at hanggang ngayon ay kuntento sila sa isa’t isa sa piling ng kanilang anak na kambal.
Robin, Pinagkaguluhan Sa Boracay
Sabi ng aming kaibigang Muslim na nagtitinda ng alahas sa Boracay ay sanay na sila sa mga artistang dumarayo dun tuwing buwan ng Abril at Mayo.

At kahit magpalakad-lakad sila para mamili, kumain at mag-gimik ay di na pinagkakaguluhan ng mga tao ang mga dumarayong artista.

"Isa lang talaga ang pinagkaguluhang artista na dumayo dito. Si Robin Padilla lang. Siguro dahil marami siyang kaibigang Muslim dito na umiidolo sa kanya," aniya.
Cris, Photographer Na
Tinanong namin si Cris Villanueva na kasama sa Now and Forever Season 2 kung ano ang pinagkaabalahan niya noong nawala siya sa showbiz.

"Kumuha ako ng film photography dahil uso naman ngayon ang digital film. I’m a visual person at mahilig sa graphic design sa computer. Kumikita naman ako sa pamamagitan ng pagiging photographer at nagpapabayad ako professionally on per day basis.

Nagpapasalamat nga si Cris dahil kasama siya sa Now and Forever Season 2 sa Ganti bilang si Alfred na asawa ni Sheryl Cruz pero ang mahal naman nito ay si Zoren Legaspi.

Tinanong namin sa kanya ang relasyon nila ni Criselda Volks.

"Nagkaroon kami ng problema at muntik maghiwalay pero nag-decide kami last week na huwag nang ituloy ang paghihiwalay alang-alang sa aming anak na si Rafael na four years old na. Sayang din ang anim na taong pagsasama namin."
Crystal, Balik-Showbiz
Ang ganda-ganda ngayon ni Crystal Moreno na dating miyembro ng GMA Talent Center. Dalagang-dalaga na ito at sexy pa. Kaya naman naging interesado ang Viva Films para tulungan siyang magbalik-sigla ang career. Nakakontrata ito ngayon sa kumpanya. Habang wala pang pelikula ay abala naman ito sa mga out-of-town shows.

Desidido itong mag-concentrate sa career kaya nakipaghiwalay na sa kanyang boyfriend na young actor.
Nakipag-One Night Stand Sa Boracay
Tuwing Mayo ay nagtutungo kami ng Boracay para sa tatlong araw na bakasyon kasama ang aking asawang si Doods Bautista. Sa ganitong paraan ay nakakapag-bonding kami kaya siguro tumagal ang aming relasyon ng labingwalong taon.

Hindi problema sa amin ang kamahalan ng bayad sa eroplano dahil nagtatrabaho siya sa Philippine Airlines at libre naman ang pamasahe. Ang gastos lang namin ay sa hotel na tutuluyan at pagkain. Sa taunang pagbabakasyon namin doon ay naging kaibigan na namin ang ilang staff ng hotel at nagbabalita sa amin tungkol sa mga artistang dumarayo dun tuwing summer.

Taun-taon pala tuwing Mayo ay laging bisita ng isang hotel ang may edad na seksing aktres dahil kaibigan niya ang may-ari nito. Karamihan sa mga guests dito ay mayayamang dayuhan. Ang kanyang kaibigan ang nagti-tip sa kanya ng mayamang businessman na foreigner na pwede niyang maka-one night stand "if the price is right," ika nga.

Kaya busog ang bulsa ng seksing aktres tuwing summer ayon sa aking source courtesy ng mayayamang dayuhan na talagang nababaliw sa kanyang alindog.

Visible pa rin ang aktres dahil maaasahan sa pag-arte. Wala pa rin itong asawa hanggang ngayon.

BORACAY

CARMINA VILLAROEL

CENTER

CRIS VILLANUEVA

CRISELDA VOLKS

CRYSTAL MORENO

DAHIL

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with