^

PSN Showbiz

Hindi raw bagay kay Richard?

-
Hindi na rin napigilan ni Tita Becky Aguila ang pagpasok sa showbiz ng kambal niyang sina Katrina at Bianca Aguila na ngayo’y myembro na ng Star Circle Batch 13 na ipinakilala sa ASAP last Sunday.

Ayon kay Ms. Becky, kung siya lang talaga ang masusunod ay ayaw na ayaw niyang sumabak sa showbiz ang dalawang dalagita dahil baka hindi niya kayanin ang mga intriga, lalo’t anak pa niya.

"Pero pinagbigyan ko sila since hilig nila, sabi ko, sige give it a try, pero kapag may mga intriga na below the belt, I have no choice kundi i-pull out ko kayo, and they agreed naman," paliwanag ng proud mama.

Anyway, nilinaw din ni Tita Becky na hindi pa siya pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN dahil, " I want to see first kung anong project ang ibibigay nila sa kambal, kung wala, siguro per project na lang at hindi exclusive tulad sa ibang talents nila.

"But I want to thank ABS-CBN Star Magic because they’re the ones who offered me about the kambal na sumali sa Batch 13," pahayag pa ni Tita Becky. 
* * *
Hiwalay na pala sina JayR at ang manager niyang si Geleen Eugenio since last month at ayaw ng i-elaborate pa ni JayR kung ano ang ugat ng gusot nila ni Geleen.

"Nag-breach of contract po si Ms. Geleen," ang kaswal na katwiran ni JayR na ikinagulat namin dahil first time naming marinig na ang manager ang nag-breach ng contract na kadalasa’y talent.

At ang tumatayong manager ngayon ni JayR ay si Arnold Vegafria na matagal na niyang booking manager na super nega ngayon sa GMA 7 dahil hindi raw magandang ka-deal.

"Oo nga po, nakalulungkot kasi may problema si Arnold at ang GMA, sana maayos po," saad ng R & B singer.

Inamin din ng singer na may offer ang ABS-CBN sa kanya pero sinisiguro ni JayR na hinding-hindi niya iiwan ang SOP dahil malaki ang utang na loob niya rito.

"There’s a negotiation now between Arnold and SOP, sana maayos, ako pa rin naman po ang may last say kung aalis ako sa GMA o hindi. Gusto kong mag-renew ng kontrata ko na mag-i-expire na sa July, pero kung ayaw nila sa akin, wala po akong magagawa, sana gusto pa rin nila ako," malumanay na paliwanag ni JayR.

Ka-join pa rin siya sa 7th season ng Love to Love at pelikulang Hari ng Sablay mula sa Regal Entertainment. 
* * *
Aware pala si Nadine Samonte na siya talaga ang first choice na maging leading lady ni Richard Gutierrez sa telefantasyang Sugo na malapit nang umere at sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nalaglag sa casting.

"Nang sabihin po sa akin ‘yan, nagulat po ako kasi anong reason? At nabanggit nga po na may nagpatanggal daw sa akin, kasi hindi na raw ako bagay kay Richard," paliwanag ni Nadine.

At ayon mismo sa taga-GMA 7 ay galing daw sa kampo ni Richard Gutierrez ang nagpatanggal sa aktres dahil baka raw hindi na kagatin pa ang tambalan nila ng actor dahil marami nang naka-loveteam si Nadine.

Pero, blessing in disguise na rin kay Nadine dahil, "Siguro kung nasa Sugo po ako, hindi na ako makakasama rito sa 2nd season ng Now and Forever, e, ang ganda pa naman ng role ko. Kumpara po sa Sugo na support lang daw ako kay Richard," magandang paliwanag uli ng aktres. Reggee Bonoan

AKO

ARNOLD VEGAFRIA

BIANCA AGUILA

DAHIL

NADINE

RICHARD GUTIERREZ

SUGO

TITA BECKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with