^

PSN Showbiz

Carmina, Zoren handa nang pakasal

RATED A - Aster Amoyo -
Parehong controversial figures ngayon sina Mikey Macapagal Arroyo at ang sexy actress na si Anna Leah Javier na parehong stars ng upcoming comedy film na Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa na dinirek ni Willy Milan sa ilalim ng Cine Suerte Productions.

Sa halip na magpaapekto sa mga kontrobersyang ibinabato sa kanila, mas gusto pa nina Mikey at Anna Leah na pag-usapan ang pelikula nila na tinatampukan din nina Ethel Booba, Katrina Halili, Mike ‘Pekto’ Nacua, Gerry ‘Boy’ Espina, John Apacible, Al Tantay, Renee Summer at iba na magbubukas sa mga sinehan sa Hunyo 29.

Dapat sana’y may speaking engagement si Mikey sa Amerika sa linggong ito pero hindi na siya tumuloy para linisin at harapin ang mga ibinibintang sa kanya na may kinalaman sa jueteng scandal.

Samantala, umaasa si Anna Leah na mabibigyan siya ng hustisya sa kanyang isinampang sexual harassment laban kay Congressman Diaz.  Alam ni Anna Leah na pader ang kanyang binabangga pero kung patas umano ang hustisya, tiyak na makukuha niya ang katarungan.  Naniniwala rin ang batang kongresista na si Gerry ‘Boy’ Espina na nagsasabi ng totoo si Anna Leah.

"Disenteng babae si Anna Leah.  Hindi naman siguro basta-bastang mag-a-accuse si Anna Leah sa isang katulad ni Cong. Diaz kung wala siyang basehan," depensa ni Cong. Espina.

Speaking of Cong. Espina, hindi naman pala bago ang showbiz sa kanya dahil nagsimula siya sa Kaluskos Musmos ng RPN-9  noong siya’y 10 taong gulang pa lamang at nakatatanda niyang kapatid ang singer na si Aileen Espina na naka-base na ngayon sa Amerika.

Ang 32-year-old na binatang kongresista ay nagmula sa angkan ng mga singer at pulitiko.  Ang kanyang amang si Gerry Espina, Sr. ay dating kongresista at ngayo’y mayor ng Naval, Biliran.  Ang kanyang nakatatandang kapatid na si Robert ay gobernador habang ang isa pa niyang kapatid na si Rudy ay mayor ng Kawayan at konsehal naman ang kanilang bunsong kapatid na si Roselyn.  Ang pinakapanganay naman nilang si Gabby ay city auditor ng Maynila.

Sa edad na 26 ay naging mayor si Gerry "Boy" ng Biliran at naupo siya sa loob ng dalawang termino. Sa halip na tapusin ang kanyang ikatlong termino ay tumakbo naman siya sa pagka-kongresista.

"Sabay-sabay kami ng father ko at mga kapatid ko na nangampanya," natatawa niyang kwento.

"‘Yung nakita namin sa father ko bilang isang public servant, ang siya namin naging inspirasyon para sundan ang kanyang mga yapak," pahayag pa ng batang kongresista.

Hindi rin ikinakaila ni Gerry "Boy" na crush niya ang ex-girlfriend ni Jericho Rosales na si Cindy Kurleto.

"She’s pretty at class ang dating," pag-amin pa nito.
* * *
Nagbabalak nang magpakasal ang live-in partners na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi at ito’y pinag-uusapan na nila ng masinsinan. Gusto muna nilang tapusin ang ipinatatayo nilang bahay sa Pasig bago nila ito gawin.

Hindi ikinakaila ni Zoren na mas maraming trabaho kesa sa kanya si Carmina pero hindi umano malaking issue ito sa kanila.

Kapag wala siyang trabaho, sa bahay lamang siya at nag-aalaga sa kanilang kambal ni Carmina na sina Mavy at Cassy.  Nawala na rin kay Zoren ang paggi-gimmick dahil mas gusto pa nitong sa bahay na lamang siya at nag-aalaga ng kanilang mga anak.

Si Zoren ay isa sa mga bituin ng season II ng Now and Forever.
* * *
E-mail: [email protected]

AILEEN ESPINA

AL TANTAY

ANNA LEAH

CARMINA

ESPINA

GERRY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with