^

PSN Showbiz

TV host, hindi nakalusot ang kakapalan sa kaibigan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Classic talaga si Melanie Marquez. Medyo nag-emote kasi pala si Gionna Cabrera, representative ng ating bansa sa katatapos na Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand dahil lost siya as in hindi man lang nakasama sa Top 15. So enter ang beauty ni Melanie para magbigay ng unsolicited advice kuno dahil nga nag-emote si Gionna.

So nagpa-interview sa TV. Ang say ng dating Miss International, "wag sumama ang loob mo. Their lost not them." Tapos biglang rewind, "Ay yours pala."

Hahaha. Ibang klase talaga si Ms. Melanie. Looks like dedma na lang sa kanya ang mga instant mali niya. Adjusted na kasi siguro.

Say pa niya. Siya nga raw natalo sa Mrs. World hindi na lang siya nagreklamo.

Anyway, going back to Gionna, sana nga hindi na lang siya nag-emote. Kung si Miss Thailand nga, hindi rin nakasali sa Top 15, samantalang sa bansa na nila ginanap ang pageant. Ano ba naman sana ‘yung binigyan ng konswelo ang candidate ng Thailand dahil do’n ginanap ang pageant.

Say ni Ms. Cabrera sa interview ng isang news program, early favorite daw siya at very warm sa kanya ang Thai press.

Pero nakalimutan yata niya na ang Thai press ay hindi kasali 12 judges.

Kahit pa sabihing early favorite siya kung hindi naman na-impress ang mga hurado, useless din ang sigaw at press releases.

Buti na lang at mahilig mag-surf at mag-text ang mga Pinoy at least, hindi naman siya umuwing luhaan, Ms. Photogenic pa rin siya.
* * *
Isang source ng Baby Talk ang tumawag para lang ikuwento ang tungkol sa kakapalan ng face ng isang TV host. One time daw, kasama niya ang isa niyang friend sa isang coffee shop somewhere in Makati. Coffee, coffee daw ang friend niya. Bigla raw sumulpot ang TV host na ito.

So ok, naki-table since kino-consider nga ring kaibigan ng friend na kasama niya. Order left and right daw ang ginawa ng TV host na ito. Nang matapos na raw kumain, nagpaalam na aalis na siya. So ok pa rin daw. Kaso no’ng bayaran na, iniaabot ng waiter sa naiwan niyang kaibigan ang bill ng mga kinain ng TV host. Medyo malaki-laki rin daw ‘yun. Alam n’yo ba ang ending, sinabi ng kaibigan ng source ko na ‘yun lang kinain niya ang babayaran niya. Kung anuman ang inorder ng TV host na ‘yun ay sisingilin nila. "Feeling kasi niya porke artista siya puwedeng ganoon," say ng friend ko na alam ang nangyari.

May pera naman daw ang kaibigan ng TV host kaya lang ang feeling nito, masyado naman yatang abuso ang ginawa ng TV host.

Moral lesson: Wag kasing mahilig magpalibre. Akala siguro ng TV host, proud ang kaibigan niya dahil kinausap niya. Feeling sikat kasi ang TV host na ito na madali lang hulaan.
* * *
May stretch mark ba kayo? O kaya naman ay keliods, vitiligo, psoriasis and acne? May solusyon na sina Drs. Manny and Pie Calayan ng Calayan Surgicentre. Ito ay matapos nilang i-introduce ang Multi-Clear Laser Light.

Yes folks. Kaya kung may problema kayo sa balat na hindi gumaling-galing, go na kayo sa Calayan Surgicentre. "It is a revolutionary technology for the safe treatment of common skin disorders as well as aesthetic conditions," sabi ni Dr. Calayan.

Ang Multi-Clear Laser Light ang latest laser technology na ipinakilala ng mag-asawang doctor sa bansa.

Kung matatandaan, sila rin ang nag-introduced ng Lipo Jet System recently sa bansa, na mas advanced helix hydro-jet, ang only device approved for gentle water-assisted liposuction (WAL).

"With a fine jet of water, the pressure of which can be adapted to different connective tissue structures, it is possible to selectively remove fat cells while sparing blood vessels and nerves. Precise lipo-jet disection is already firmly established in numerous surgical applications," paliwanag ni Dr. Calayan sa isang press statement.

Ang Calayan Surgicentre is located at Suite 1701 Medical Plaza Bldg., Dela Rosa corner Amorsolo Sts., Legaspi Village, Makati City. For inquiries, please call 751-2524, 7512724 or visit www.calayans.net.
* * *
Ang dami-daming e-mail ng fans ni Joross Gamboa. Kabaliw sa rami. Everyday as in wala yatang ginawa ang mga fans ni Joross kundi pakiusapan ang mga taga-ABS-CBN na bigyan ng regular show si Joross.

Minsan may isang sender na 10X yatang pinadadala ang isang message.

Siguro a day, mga 50 messages galing sa fans ni Joross ang pumapasok sa inbox ko.

Imagine that. So pag hindi ka nag-erase ng two days, 100 messages agad ang nasa inbox ko.

Anyway, ano nga ba ang problema at hindi nakakasama sa mga teleserye ng Dos si Joross?

Bigyan na nga n’yo please para naman ma-satisfy na ang fans na wala yatang planong tigilan ang apela.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]

CALAYAN SURGICENTRE

CENTER

HOST

JOROSS

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with