^

PSN Showbiz

Bastos ang young actor!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa isang pocket interview na ipinatawag ng isang malaking network ay naging bastos ang isang young actor.

Hindi siya seryoso sa mga sagot at kadalasan ay nagtatanong ito ng "Nagbabasa ba kayo ng tabloid?" May isang senior writer na nagtanong kung bakit maintriga ang kanyang pamilya. Sukat ba namang tanungin ang kolumnista ng "Bakit mo alam?"

Lilima lang ang nag-iinterbyu sa kanya at gusto nang mag-walk-out ng tatlong writers dahil sa kabastusan nito at walang galang sa mga nag-iinterbyu. Sabi nga nila ay hindi sila magtataka kung bakit hindi ito makagiliwan ng mga press people, dahil "nega" ito. Siguro kailangang may mangaral dito para hindi manamlay ang kanyang career. Sayang dahil sikat siya ngayon.
Hero, Gustong Maging Ka-Loveteam Si Sarah!
Tinanong namin si Hero Angeles kung ano ang dahilan at gusto niyang maging ka-loveteam si Sarah Geronimo. Dahil ba may balita na sa pagbabalik ni Sandara Park ay kay Joseph Bitangcol na ito ipapareha?

Sey ni Hero "Mabait siya at masayahing tao. Positive thinker at ito ang klase ng tao na masarap makatrabaho."

Inamin nito na hindi naman niya niligawan si Sandara at hanggang pelikula lang ang kanilang relasyon.
Alfred-Rochelle Loveteam, Totoo Ba?
Maganda ang taong 2005 para kay Alfred Vargas dahil bukod sa tagumpay ng Bikini Open kung saan ay isa siya sa bida, madalas din siyang mapanood sa TV.

Muling kinuha ang serbisyo ni Alfred bilang kapareha ni Rochelle Pangilinan sa Daisy Siete. Balitang may namumuong relasyon na raw sa kanilang dalawa. Kung totoo man ito ay wala namang problema dahil pareho silang walang sabit. Pero may time pa kaya sila para dito dahil busy ang dalawa sa paglalagare sa mga TV shows at mga out of town shows?
Controversial Basketball Movie
Kasalukuyang napapanood si Samuel Jackson bilang Master Jedi sa Star Wars: Episode III-Revenge of the Sith. Mas lalo siyang hahangaan sa pagganap niya sa title role sa kapana-panabik at napakakontrobersyal na basketball movie, ang Coach Carter.

"Siya ang perfect choice ko para bigyan ng buhay sa big screen si Ken Carter," wika ng three-time Emmy-winning director na si Thomas Carter, "Dahil pareho silang may dedikasyon sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan."

Hango sa isang tunay na istorya, ang Coach Carter ay tinatampukan din nina Robert Richard, Rob Brown at ng singing sensation na si Ashanti sa kanyang major motion picture debut. Mula sa Paramount Pictures, ito ay ipinamamahagi sa ‘Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

ALFRED VARGAS

ALFRED-ROCHELLE LOVETEAM

BIKINI OPEN

COACH CARTER

CONTROVERSIAL BASKETBALL MOVIE

DAHIL

DAISY SIETE

GUSTONG MAGING KA-LOVETEAM SI SARAH

HERO ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with