Maid, dusa ang inabot sa sikat na aktres
May 30, 2005 | 12:00am
Hindi alam ng sikat na aktres na itsinitsismis siya ng kanyang dating alalay-maid. Umalis na kasi ang maid sa poder ng sikat na aktres dahil dusa ang inaabot niya rito.
Noon kasi, kapag may taping ay kasa-kasama ito ng sikat na aktres at pagdating ng bahay ay tuluy-tuloy na ito sa paglilinis ng bahay.
"Minsan ay natapos ang taping namin ng alas kwatro ng madaling-araw. Pagdating ng bahay ay naglilinis na ako. Hindi naman ako si Wonderwoman na di na kailangang mamahinga. Kaya umalis na lang ako sa kanya," sey ng alalay ng aktres.
Ang sikat na aktres ay di nababakante sa pelikula at telebisyon lalo na sa soap opera. Malapit na ring ipalabas ang pelikula niyang bago.
Nag-iipon lang ng pera si Ian de Leon at gusto nitong pumunta sa Amerika kasama si Lotlot de Leon para mabigyan ng moral support ang kanyang ina.
Na-miss na nila ang inang si Nora Aunor na hindi naman pwedeng umuwi ng bansa habang nililitis ang kaso.
Gusto rin ni Ian na maisama sa biyahe ang mga kapatid na sina Matet at Kenneth na desidido na ring pumasok sa showbiz.
Nakakwentuhan ko ang magandang si Andrea Torres na bagong discovery ng ABS-CBN Star Magic. Isa ito sa mga Love Princess ng Qpids. Mahilig nang mag-artista sapul sa pagkabata si Andrea.
Dati siyang nag-aaral sa St. Scholastica kaya lang mahigpit sila sa mga mag-aartista at sa takot na ma-kick-out ay lumipat ito sa Colegio de San Agustin kung saan second year high school na ang baguhang artista.
Fifteen years old na siya noong May 4.
Maraming nagtatanong sa amin kung ano ang kalalabasan ng pagmamahalan nina Mark Herras (Anthony) at Jennylyn Mercado (Mila) sa Encantadia.
Bagay sa role ni Jennylyn ang maging mahirap at api-apihan kung saan palalayasin ito ng kanyang ina-inahan nang magbalik sa squatters area. Aksidenteng mahuhulog sa tulay si Jennylyn na bagay sa karakter ni Mila.
Ayon kay Jennylyn, malaki ang naitulong ng Encantadia sa kanya dahil lalo pa siyang nahasa sa pag-arte.
Para sa mga tagahanga ng singing sensation na si Ashanti, tiyak na hindi nila palalampasin ang unang malaking pelikula ng kanilang idolo na hango sa isang tunay na istorya. Ito ay ang kapana-panabik at kontrobersyal na basketball movie, ang Coach Carter. Hindi isang basketbolista ang kanyang papel kundi bilang kasintahan ng star player na si Kenyon Stone na ginampanan naman ni Rob Brown. Labis ang kagalakan ni Ashanti sa pagkakasali sa movie na ayon sa kanyay dapat panoorin ng mga kabataan.
Bilang isang mang-aawit, si Ashanti ay biglang sumikat nang ang kanyang self-titled debut album noong 2002 ay bumenta ng mas maraming kopya sa unang linggo ng release nito kaysa sa alinmang unang album nina Beyonce, Tweet, Alicia Keys at Lauren Hill.
Si Ashanti, 25 anyos na ngayon ay nagkamit ng Grammy noong 2003 para sa Best Contemporary R&B album, pitong Billboard Awards, dalawang American Music Awards, The Lady of Soul Aretha Franklin Entertainer of the Year Award at isang 2002 BET Award para sa Best New Artist. Si Ashanti ay may sinulat na libro, ang "Follish/Unfoolish: Reflections on Love" para sa Hyperion.
"Ikinagagalak kong makasama ang mga propesyonal na aktor at mapabilang sa isang makabuluhang proyekto," wika ni Ashanti-nang tanungin tungkol sa kanyang pag-aartista.
Sa direksyon ng three-time Emmy winner na si Thomas Carter, ang Coach Carter ay pinangungunahan din nina Samuel L. Jackson sa title role at Robert Richard. Mula sa Paramount Pictures, ito ay release sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Noon kasi, kapag may taping ay kasa-kasama ito ng sikat na aktres at pagdating ng bahay ay tuluy-tuloy na ito sa paglilinis ng bahay.
"Minsan ay natapos ang taping namin ng alas kwatro ng madaling-araw. Pagdating ng bahay ay naglilinis na ako. Hindi naman ako si Wonderwoman na di na kailangang mamahinga. Kaya umalis na lang ako sa kanya," sey ng alalay ng aktres.
Ang sikat na aktres ay di nababakante sa pelikula at telebisyon lalo na sa soap opera. Malapit na ring ipalabas ang pelikula niyang bago.
Na-miss na nila ang inang si Nora Aunor na hindi naman pwedeng umuwi ng bansa habang nililitis ang kaso.
Gusto rin ni Ian na maisama sa biyahe ang mga kapatid na sina Matet at Kenneth na desidido na ring pumasok sa showbiz.
Dati siyang nag-aaral sa St. Scholastica kaya lang mahigpit sila sa mga mag-aartista at sa takot na ma-kick-out ay lumipat ito sa Colegio de San Agustin kung saan second year high school na ang baguhang artista.
Fifteen years old na siya noong May 4.
Bagay sa role ni Jennylyn ang maging mahirap at api-apihan kung saan palalayasin ito ng kanyang ina-inahan nang magbalik sa squatters area. Aksidenteng mahuhulog sa tulay si Jennylyn na bagay sa karakter ni Mila.
Ayon kay Jennylyn, malaki ang naitulong ng Encantadia sa kanya dahil lalo pa siyang nahasa sa pag-arte.
Bilang isang mang-aawit, si Ashanti ay biglang sumikat nang ang kanyang self-titled debut album noong 2002 ay bumenta ng mas maraming kopya sa unang linggo ng release nito kaysa sa alinmang unang album nina Beyonce, Tweet, Alicia Keys at Lauren Hill.
Si Ashanti, 25 anyos na ngayon ay nagkamit ng Grammy noong 2003 para sa Best Contemporary R&B album, pitong Billboard Awards, dalawang American Music Awards, The Lady of Soul Aretha Franklin Entertainer of the Year Award at isang 2002 BET Award para sa Best New Artist. Si Ashanti ay may sinulat na libro, ang "Follish/Unfoolish: Reflections on Love" para sa Hyperion.
"Ikinagagalak kong makasama ang mga propesyonal na aktor at mapabilang sa isang makabuluhang proyekto," wika ni Ashanti-nang tanungin tungkol sa kanyang pag-aartista.
Sa direksyon ng three-time Emmy winner na si Thomas Carter, ang Coach Carter ay pinangungunahan din nina Samuel L. Jackson sa title role at Robert Richard. Mula sa Paramount Pictures, ito ay release sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended