^

PSN Showbiz

Megan Young, sasali sa Bb. Pilipinas

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sinabi ni Megan Young sa presscon ng Love To Love Season 7, na type niyang maging beauty queen, balak niyang sumali sa Bb. Pilipinas in the future. Kinse lang siya pero matangkad ito (5’7"). Kontrabida ang role nito sa Say That You Love Me pero okey lang ito sa kanya dahil challenging ang karakter na ginampanan niya.

Katambal ngayon ni Megan si Chris Martin sa Love Ko Urok.

Naniniwala si Megan sa tulong na naibibigay ng ka-loveteam dahil mas gusto ito ng kanyang mga tagahanga.

"Paiba-iba naman ang kapareha ko, like si Benj Pacia sa Say The You Love Me at ngayon naman sa Love To Love Season 7 si Chris Martin. Pero kung bibigyan ako ng solo movie pangarap ko ring makatambal si Richard Gutierrez baling araw dahil bukod sa gwapo ay magaling din siyang umarte," aniya.
Sobrang Payat, Problema Ni Sunshine
Napagsabihan pala ng GMA si Sunshine Dizon nang sumobra ang kapayatan nito. Kaya ang ginawa nito ay uminom ng gatas para tumaba. Pinilit nitong magkaganang kumain at tumaba naman siya.

"Kaya lang problema din pala nang madagdagan ang timbang ko dahil sumikip ang mga damit na isinusuot ko sa Encantadia bilang si Pirena. Ngayon ay nagpapapayat na naman ako para magkasya uli ang aking costume," ani Sunshine.
Carla, Idolo Si Echo
Inamin ni Carla Humphries Loren na sumali siya sa StarCircle Batch 10 pero natanggal siya dahil dose lang siya nun.

Idolo niya si Jericho Rosales dahil lalaking-lalaki ang dating nito. Sa babae gusto niya si Claudine Barretto dahil bukod sa magaling umarte ay napanatili nito ang wholesome image niya.

Seventeen years old na ang anak ng isang Pranses at Batangueña. Second year college na ito sa UST sa kursong Fine Arts pero lilipat siya ng De La Salle dahil maluwag ang kanyang schedule dito.
Jennylyn, Iniintriga Pa Rin Sa Edad
Hanggang ngayon ay di pa rin matapus-tapos ang intriga kay Jennylyn Mercado tungkol sa kanyang edad. Debutante na siya ngayon pero pinagpipilitan ng kanyang mga detractors na 23 years old na siya.

Si Mommy Lydia na nga ang sumasagot sa intriga. "Paano siya makakasali sa StarStruck 1 kung 23 years old na siya? Authentic ang kanyang birth certificate kaya nakasali sa talent search. Nakahanda akong samahan ang sinumang kumukwestyon sa kanyang tunay na edad at sasamahan ko pa sila sa Bureau of Census," anang ina-inahan ng aktres.

vuukle comment

BENJ PACIA

BUREAU OF CENSUS

CARLA HUMPHRIES LOREN

CHRIS MARTIN

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

DE LA SALLE

LOVE TO LOVE SEASON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with