Walang balak mandaya ni Judy Ann sa BIR !
May 29, 2005 | 12:00am
Si Judy Ann Santos naman, napaka-iyakin talaga.
Idinemanda lang siya ng tax evasion ng BIR, umiyak na siya agad. Kunsabagay hindi mo rin naman masisisi yong bata. Hindi kami naniniwala na ang nag-file ng kanyang income tax ay si Juday mismo. Ipinagkatiwala nila yan sa isang accountant, at sa palagay naman namin wala silang intensiyon na dayain ang gobyerno.
Kasi kung mandadaya rin lang sila, bakit lumabas na isa si Juday sa top 12 taxpayers sa mga artista, at mas malaki pa ang kanyang tax declaration kaysa kay FPJ?
Palagay namin kung mayroon mang mali, honest mistake yon. Isa pa, hindi nga siguro nila nai-report ang lahat ng kita, dahil marami naman sa mga iyon ay post dated checks, at nasa kanila man ang tseke, hanggang wala sa petsa ay hindi naman pera yon at hindi nga masasabing kinita mo na sa taong iyon.
Sa kaso ni Juday, siguro nga nagulat lang siya dahil sa kabila ng napakalaking binayaran niya, at sa kabila ng katotohanang bago pa man niya mahawakan ang kinita niya ay nakaltas na ang 20% withholding tax at 10%VAT, nademanda pa siya.
Pero matindi ang dating sa masa ng pag-iyak na iyon ni Juday. Alam naman ninyo ang ugali ng mga Pilipino, hindi dapat pinaiiyak ang isang babae, at dahil sa pag-iyak ni Juday, hindi siya ang sumama kung di naging underdog pa siya. Sino ngayon ang lumalabas na kontrabida sa mata ng masa?
Kung makikita lang ninyo ang mga text messages na aming nakukuha, at ang sinasabi sa mga e-mail na aming natatanggap, magugulat kayo. Hindi kayo maniniwala na ganoon pala katindi ang simpatiya ng publiko kay Juday.
Iyong isa sa mga contestants ng Search For The Star In A Million, si Nikki Bacolod, ay nakuha ng Viva Records, at ang sabi ay inihahanda na ang kanyang unang album. Mapapansin mo na maski ang Viva, parang malaki ang nakikitang potentials doon kay Nikki kaysa sa iba pang mga kasali sa contests na iyon na nakuha rin nila.
Pero may mga nagsasabi, baka raw ang dapat ay mai-build up din si Nikki bilang isang artista at hindi singer lamang, kasi maganda naman siya at tipong leading lady talaga. Ang magiging problema nga lang diyan, hindi na masyadong aktibo sa pagpo-produce ng pelikula ang Viva, hindi ba ang huling ginawa nila ay isa pang digital film, yong Boso, at bomba picture yon.
Noong mapunta kami ulit sa Parokya ni Santo Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, punung-puno ang simbahan dahil maraming mga deboto mula sa ibat ibang probinsiya na dumadayo na roon. Mukhang tama nga na hindi dapat parokya iyon kung di isang national shrine na ni Padre Pio.
Marami kaming nakausap, at lahat sila ay nagsasabing gumaling sila sa kanilang karamdaman. Marami ring natatanggap na sulat ng pasasalamat ang pari nila, si Fr. Dale Anthony Barretto Ko dahil gumaling na nga sila sa kanilang sakit, at ang iba naman ay nakapagtrabaho pa raw sa abroad. Basta magdasal lang kayo, at kayoy bibigyan.
Idinemanda lang siya ng tax evasion ng BIR, umiyak na siya agad. Kunsabagay hindi mo rin naman masisisi yong bata. Hindi kami naniniwala na ang nag-file ng kanyang income tax ay si Juday mismo. Ipinagkatiwala nila yan sa isang accountant, at sa palagay naman namin wala silang intensiyon na dayain ang gobyerno.
Kasi kung mandadaya rin lang sila, bakit lumabas na isa si Juday sa top 12 taxpayers sa mga artista, at mas malaki pa ang kanyang tax declaration kaysa kay FPJ?
Palagay namin kung mayroon mang mali, honest mistake yon. Isa pa, hindi nga siguro nila nai-report ang lahat ng kita, dahil marami naman sa mga iyon ay post dated checks, at nasa kanila man ang tseke, hanggang wala sa petsa ay hindi naman pera yon at hindi nga masasabing kinita mo na sa taong iyon.
Sa kaso ni Juday, siguro nga nagulat lang siya dahil sa kabila ng napakalaking binayaran niya, at sa kabila ng katotohanang bago pa man niya mahawakan ang kinita niya ay nakaltas na ang 20% withholding tax at 10%VAT, nademanda pa siya.
Pero matindi ang dating sa masa ng pag-iyak na iyon ni Juday. Alam naman ninyo ang ugali ng mga Pilipino, hindi dapat pinaiiyak ang isang babae, at dahil sa pag-iyak ni Juday, hindi siya ang sumama kung di naging underdog pa siya. Sino ngayon ang lumalabas na kontrabida sa mata ng masa?
Kung makikita lang ninyo ang mga text messages na aming nakukuha, at ang sinasabi sa mga e-mail na aming natatanggap, magugulat kayo. Hindi kayo maniniwala na ganoon pala katindi ang simpatiya ng publiko kay Juday.
Pero may mga nagsasabi, baka raw ang dapat ay mai-build up din si Nikki bilang isang artista at hindi singer lamang, kasi maganda naman siya at tipong leading lady talaga. Ang magiging problema nga lang diyan, hindi na masyadong aktibo sa pagpo-produce ng pelikula ang Viva, hindi ba ang huling ginawa nila ay isa pang digital film, yong Boso, at bomba picture yon.
Marami kaming nakausap, at lahat sila ay nagsasabing gumaling sila sa kanilang karamdaman. Marami ring natatanggap na sulat ng pasasalamat ang pari nila, si Fr. Dale Anthony Barretto Ko dahil gumaling na nga sila sa kanilang sakit, at ang iba naman ay nakapagtrabaho pa raw sa abroad. Basta magdasal lang kayo, at kayoy bibigyan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended